Kabanata 5

13 3 0
                                    

[Chapter 5]

April Jane's P.O.V.

UNTI-UNTI akong nagkakaroon ng kamalayan. Nararamdaman kong may humihilot sa aking kamay. Hindi ko gaanong maimulat agad ang aking mga mata kung kaya't nagiging malabo pa ang lahat.

Ginalaw ko ang aking kamay ngunit bahagya lamang. Sapat na iyon upang matigilan ang taong nakahawak sa kanan kong kamay. Narinig ko siyang napasinghap. "B-binibini!" narinig kong bigkas niya. Ako ba ang tinatawag niya?

Naramdaman kong tumakbo siya sa kung saan. Nagmamadali ang bawat yabag niya. Babae, babae ang nadinig kong nagsalita. Siya ba si Lola Isyang? Teka, hindi e. Dalagita ang boses. Nasaan ako?

Sa wakas ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nadinig ko muli mula sa labas ang sigaw ng babae kanina. Parang may tinatawag. Nang nawala na ang kalabuan ng paningin ko ay nilibot ko ang paligid. Naguguluhan akong luminga-linga.

Nasa isa akong silid na siguro, yari sa pader na kahoy. Pati ang hinihigaan kong kama, gawa rin sa kahoy. May mga kurtinang puti na nakapusod sa palibot ng kama. Tinignan ko ang bintanang nakabukas, gawa sa capiz. Napabuntong-hininga ako.

Baka nasa Monte Calisto General Hospital lang ako. Nurse siguro 'yon. Tinatawag siguro niya si Lola Isyang. Bakit nga ba ako naririto? Pagkakaalala ko nag-inom ako kagabi ng alak? Don't tell me, something bad happened? Malilitikan ako nito kay Lola, gosh!

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may mga weird na tao ang pumasok sa silid na ito. Nakasuot sila ng mga costumes na attires noong unang panahon. Hindi pa naman buwan ng wika, ah? Anong trip nila?

Ilang sandali pa'y may lumapit na matandang babae sa akin. Pumunta siya sa gawing kaliwa ko. Nasa mid 40s siguro siya. Hinawakan niya ako sa pisngi. May bahid ng pag-aalala ang kaniyang mga mata. Nakangiti pa siya ngunit may bahid ng kalungkutan.

"Kamusta ka na, anak? Ikaw ba'y ayos na? Naaalala mo ako, hija?" tila tulirong mga tanong nito. Hindi ako naka-imik sa mga tanong niya. Pinasadahan ko siya ng tingin sa suot niyang baro't saya. Nalaman ko ang mga kasuotan nila dahil ito ang tinuro sa amin noong high school ako.

Siguro, ito ang pakulo ng hospital: pasuotin ang mga nurse at doctor ng ganitong Old Spanish Attire.

"O-okay na po ako, nurse. Si Lola?" magalang kong tanong, ayokong magmukhang rude sa kanila 'no. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. Kahit naman ako, nagugulat pa rin. Tinawag niya akong anak.

"A-anak, a-ako ito. Ang iyong ina! Bakit tila ibang lengguwahe ang iyong mga tinuran?" tila nanlulumo niyang saad na may kaakibat na katanungan. Nakita kong gumuhit ang lungkot sa mga mata ng matandang babae. May nasabi ba akong mali? Ang wierd talaga sa hospital na ito!

"Maricar, ikaw ay kumalma!" nakita kong lumapit sa kaniya ang matandang lalaki na may isang salamin sa kanang mata. Matipuno ito ngunit mababakas na may katandaan na. Siguro, siya ang doktor dito. Pero bakit yumakap kay nurse? Sila, ah. Mahaharot kayo!

"Doc, ang Lola ko po?" siya naman ang tinanong ko habang nakakunot ang noo. Kumunot din ang noo niya. Napairap ako dahil sa naging tugon niya. Ngunit nang lumingon muli ako sa kanila ay nakikita ko ang pagkagulat sa kanilang mga mata.

"R-roselia, anak ko! Naalala mo pa ba kami?" napahagulhol ng matandang babae na Maricar pala ang pangalan. Naguguluhan talaga ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Bakit hindi nila sabihin kung nasaan si Lola Isyang? Nasa mental hospital ba ako at napapalibutan ako ng mga baliw na nakasuot ng mga wirdong kasuotan.

"Tahan na, Irog." narinig kong pang-aalo ng matandang lalaki sa babae. Pinasadahan ko sila ng tingin at nakita kong magkayakap sila. Para silang mag-asawa kung titignan. Mag-asawa ba talaga sila? Bakit tinatawag nila akong anak at pinapangalanang Roselia?

Mirror of Past And PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon