[23.1] CONFESS OR DARE?
KAYE ANNE'S POV
"Get ready, kulet. You'll be mine for 1 month, slave..."
Pagkasabi na pagkasabi niya nun ay tinaasan ko lang siya ng isa kong kilay. Aba! Humahangin yata dito sa tabi ko.
"Weh lang!?" Nagcross arms ako saka ako humakbang palapit dun sa gate ng bahay na tinutukoy ni Nathan. "Anong koneksyon naman ng bahay na ito kay Austin?"
Napatingin ako sa kaliwa ko nang maramdaman kong inakbayan niya ako. Geeeeeez!
"Huwag kang mainip, kulet. Malalaman mo rin mamaya..." Then he messed my hair while chuckling. Inalis ko naman yung pagkakaakbay niya sa akin kahit ang totoo ay gustong-gusto ko naman magpaakbay. CHAROT!
"Osya sya! Ano ng gagawin natin dito?" Mataray kong tanong. Ngumiti naman siya sa akin tapos lumingon siya sa likod namin. And there we saw an old woman watering the plants in her yard. Nakita kong lumapit si Nathan dun, ako naman pinanood lang siya.
Maya-maya pa ay lumapit na si Nathan sa pwesto ko kasama na yung matandang babae na sa tingin ko ay nasa 60+ na ang edad.
"Manang, si Kaye Anne nga po pala... Kaibigan ko." Nagmano naman ako sa kanya saka ako ngumiti.
"Kawaan ka ng Diyos, hija," she replied with a warm smile.
"Kaye Anne, siya si Manang Lenny...Asawa ni Manang yung hardinero sa amin." Napatango nalang ako nun kay Nathan. So, ano ng gagawin namin ngayon? "Manang, gaya nga po ng sinabi ko sa inyo kanina, may itatanong lang po kaming ilang bagay tungkol sa nakatira dyan." Tinuro ni Nathan yung bahay sa harapan namin.
"Ano bang gusto niyong malaman sa nakatira dyan?" Pormal na tanong ni Manang Lenny.
Tumingin naman sa akin si Nathan na para bang sinasabing pakinggan ko sila. I just gave him my 'go ahead' look.
"Sino po bang nakatira dyan sa bahay na yan noon? Mukha na po kasing wala ng nakatira ngayon diyan."
"Ah oo. Wala na dyan sina Kyle at Kylie. Kinuha na sila ng mga magulang nila papunta dun sa Abroad." Dire-diretsong sagot ni Manang. Ako naman ay tahimik na pinakikinggan sila. So, Kyle and Kylie ang pangalan nung nakatira dyan. Anong koneksyon nun kay Austin?
"Oh? San po sa abroad manang?" He asked again.
Nagkibit-balikat lang si Manang tapos ay umiling ng bahagya. "Abay ewan ko, hijo. Ang alam ko lang ay lumipad sila paabroad." Pagkasabi niya nun ay naglakad si Manang palapit dun sa gate tapos may pinulot na mga ilang papel saka niya ito tinapon dun sa basurahan sa tabi ng kalsada. "Simula nung nabakante na yan, ako na ang naglilinis ng kalat dito. Pinakiusapan kasi ako ng nanay nina Kylie na bantayan ko muna ang bahay nila habang wala sila sa bansa. Pinapabenta na nga yan eh."
Tumabi nun sa akin si Nathan saka siya tumingin sa akin ng makahulugan. "Si manang, matanda na yan kaya medyo may pagkamadaldal." He whispered to me. Napatawa nalang kami ng mahina. Pansin ko nga, tuloy-tuloy na ang kwento eh.
"Kinuha sila ng mga magulang nila mga halos tatlong taon ng nakakalipas gawa ni Kyle. Mayroon kasing ginawang masama yung bata na yun. Sa pagkakakilala ko naman sa batang iyon, naku, napakabait nun. Yun nga lang, mabarkada kaya siguro nakulong."
"Eh, manang, ano pong ginawa ni Kyle? Bakit ho siya nakulong?" Curious na tanong ni Nathan. Hindi ko alam pero parang kinain din ako ng curiousity. Hindi ko naman kilala yung Kyle na yun ah.
Para namang natigilan sa sarili niya si Manang tapos nagpalipat-lipat siya ng tingin sa aming dalawa ni Nathan.
"Pasensya na pero hindi ko na masasagot yan. Masyado na yata akong napadaldal at pati pribadong buhay nila ay naikwento ko na. Sana maintindihan niyo." Seryosong sagot niya.
BINABASA MO ANG
AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]
Teen FictionIt seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado sila ng barkada at pamilya nila, and they're very much in love, with Kurt promising Gail that he will never leave her side. Pero hindi gano...