[48] Danger

451K 9.1K 1.4K
                                    

[48] DANGER

KAYE ANNE'S POV

Ahhm... Errr... Hindi ko alam na hindi na pala sa dating bahay niya nakatira si Austin. Bakit? He told the taxi driver to drop us at the Monarco Tower. Isang condominium lang naman.

Akay-akay ko si Austin hanggang sa makarating kami sa 22nd floor ng condo. Medyo nahihirapan ako kasi may sprain pa ako pero keri pa naman! Mainit ang katawan niya. Lalong uminit kesa kanina. Nakakain na naman ba siya ng tuyo kanina sa restaurant?

"N-nandito na tayo..." He murmured as we stop infront of #771 unit. Swinipe niya ang cardkey niya at pumasok na kami sa loob. Humiwalay siya sa akin at pinahiga siya sa sofa bed niya sa living room.

In all fairness, napakamasculine ng design ng pad niya. Halata mong isang gwapong bachelor ang nakatira dito. Only white color ang nakikita kong kulay ng furniture. Medyo may touch of green dahil sa designs nito at pati na rin sa mga pots na may halaman. Two bedroom-unit din ito at isang floor lang hindi katulad ng kina Gail.

Tinignan ko ulit si Austin sa sofa bed. Nakapikit lang siya habang minamasahe ang sentido niya. Sabi niya, nahihilo raw siya.

"Austin..." Lumapit ako sa kanya at medyo umupo sa sahig. Nagmulat naman siya ng mata. "Do you want me to call a doctor?"

"You don't have to. I'm okay." Sagot niya.

"Nakakain ka na naman ba ng tuyo?" I suddenly remembered what happened in Tagaytay few weeks ago. Dun siya naallergy sa Tuyo and Aligue pasta.

Nagshrug siya. "Baka may halong tuyo ang isa sa mga dishes dun."

"Hindi mo nalasahan?"

He shrugged again. "Masarap eh."

Napangiti ako. "Tatawagan ko ang family doctor namin. I'll ask her what to do with your allergy."

Tinawagan ko na ang family doctor namin through phone. Mabilis lang kami nag-usap kasi tinanong ko lang kung anong gagawin kay Austin. Nalaman ko rin na kaya pala nilagnat si Austin ay dahil sa reaction ng katawan niya. Hirap kasi ng walang alam sa medical chuvaness eh.

"Austin," lumapit ako sa kanya at nilapat ang palad ko sa noo niya. Mainit. "Hindi ako nurse, pero magpapakanurse muna ako ngayon."

He nodded smilling. Ang weak ng smile niya. "Pasensya na ha? Masakit pa ba ang paa mo, Kaye Anne?"

"Hindi na masyado... Kuha lang ako ng warm water ha? Nasaan ang kitchen mo? Wait, may antihistamine ka ba?"

"Oo, nasa kwarto ko."

Gulp. Nasa kwarto niya. Anong gagawin ko? Alangan namang kunin ko dun diba?

"Uhm sige, maghahanda lang ako ng lukewarm water."

Kahit hindi ko kabisado ang unit niya ay hinanap ko nalang ang kitchen niya. Imposible namang maligaw ako dito. Shunga ko naman kung ganun diba? Una kong hinanap ang basin na nakalagay lang sa kitchen cabinet at nilagyan ko na rin ng maligamgam na tubig. Oh well, basta kumuha lang ako sa gripo ng half, tapos kalahati rin mula sa water dispenser niya na may HOT/COLD.

Pagkabalik ko sa living room ay naabutan ko si Austin na nakabaluktot sa couch. Hala, nakakaawa yung pwesto niya. Pilit niyang pinagkakasya ang sarili niya sa maliit na sofa bed. Lumapit ako sa kanya at kinalabit siya.

"Ay!" Mas lalo siyang uminit. "Austin..."

"Hmmm...." He groaned. Inilapag ko muna ang basin of water sa center table.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon