[42.2] Tagaytay Escapade

473K 10.2K 2.3K
                                    

 

[42.2] TAGAYTAY ESCAPADE

NATHAN'S POV

 

Sinundo ko kaninang alas tres si Chelsea sa E.H.U. May classes kasi siya kahit Saturday. Dahil wala naman na akong magawa ay niyaya ko siya sa bahay namin. Wala lang, ginawa ko lang siyang taste buddy ko. Wala rin naman daw siyang gagawin after class kaya ayos lang daw sa kanya.

Ilang oras na rin ang nakalipas nang matapos kami sa pagluluto ng Beef Salpicao, vegetable in oyster sauce at chicken and potato salad. Natutuwa ako kasi marunong magluto si Chelsea kaya naman tinulungan niya ako.

"Nathan," tawag niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya. "After mong mag-graduate, anong plano mo? I mean, magte-take ka ba ng culinary arts?"

"Oo. Yun talaga ang plano ko."

"Nice naman." She commented smiling tapos sumubo siya ng kanin with beef salpicao.

"Eh ikaw?"

"I-pepetition daw kami ni Papa sa Italy eh, kaya 'di ko pa alam ang gagawin ko after graduating."

"Maraming opportunities dun, Chels. Yun nga lang, malalayo ka."

"Kaya nga eh. Mas gusto ko dito sa Pilipinas. Dito ako pinanganak kaya dito ko gustong mamatay." Tapos ngumiti siya at itinuro ang tinidor niya sa akin. "Mabuti hindi ka tumataba sa kakaluto?"

"Maganda lang siguro metabolism ko." Natatawang sagot ko tapos uminom muna ako ng tubig. Bigla kong naalala yung ex-boyfriend ni Chelsea. Hindi ko rin alam kung bakit ko yun naalala. "Chels, hindi ka na ba ginugulo ng ex mo?"

Napahinto siya sa pagsubo sabay tingin sa akin. Nabigla yata sa tanong ko. "Not anymore."

"Good... Baka narealize niya na g@go siya."

She smiled a little. "Alam niya namang g@go siya, tinotolerate lang niya." She wiped the table napkin on the side of her lips. "Anyways, sobrang galing mo talaga magluto, Nathan. Nabusog ako."

Busog na siya agad? Konti pa lang nakain niya ah. "Ayaw mo na? Ang hina mo naman talaga kumain."

"Maliit bodega ko eh." Sabay tawa niya. Kahit tawa niya, mahinhin pa rin.

"Pa'no 'to? Ang dami pa naman ng niluto ko." Napadami talaga ang luto ko kasi sabi ni Chels kanina gutom daw siya. Malay ko bang kahit gutom siya, konti pa rin siyang kumain. 

"Edi ilagay mo nalang sa container tapos ilagay mo sa ref niyo. Then bukas, i-heat mo nalang."

"Kaso masarap ito pag bagong luto. Sayang naman." Sayang talaga... Beef Salpicao pa man din 'to. Favorite ni----- ay, oo nga! "Dadalhan ko nalang si Kaye Anne. Favorite niya itong Salpicao ko eh."

"Talaga?" 

"Oo, actually hindi siya mapili sa pagkain pero sa lahat daw ng luto ko, ito daw Salpicao ang the best para sa kanya." Tumayo na ako at pumunta sa kusina para ipagbalot si Kaye Anne. Tama, buti naalala ko si kulet.

 

***

After naming kumain ni Chelsea ay nagyaya na siyang umuwi. Nagtext daw kasi yung Mama niya sa kanya na ngayon na raw sila lilipat sa tinutuluyan ngayon nina Chelsea. Nakatira kasi yung Mama at ang youngest sister niya sa Sitio Malaya kaya masyadong malayo pag dadalawin nila ang mga anak.

"Thanks talaga, Nat-Nat ha? Nakalibre na naman ako sa foodtrip."

"Sus, wala yun." 

"Pakikamusta mo nalang ako kay Kaye Anne ha?"

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon