[3] LAST DATE
GAIL'S POV
Nagising ako nang mag-alarm ang phone ko. Mahina lang naman yung volume, enough volume para magising ako. Agad kong kinuha sa ilalim ng unan ko ang phone ko at inoff ang alarm clock nito.
Napatingin ako sa katabi ko.
Eeeeeehhhhhhhhhh! Ang gwapong nilalang talaga ni Kurt. Nakadapa siya habang nakayakap ang isang braso niya sa bewang ko. Agad kong idinantay ang kaliwang hita ko sa leg part niya.
I gave him a peck on his cheek. "Kurt, gising na."
He groaned, "Hmmmm?"
"May klase pa ako ng 9:30. It's already 8am."
Minulat niya ang mga mata nya at hinalikan ako ng mabilis sa kaliwang pisngi. "Good morning, baby love..." he greeted huskily.
BEDROOM VOICE
I showed him my warmest smile. Kung ganito lang ang laging katabi ko sa umaga, naku!!!! Good na good ang morning ko.
"Morning..." Hinigpitan niya na naman yung yakap niya sa bewang ko. Pero may napansin ako.
"K-Kurt, bakit topless ka?!?" Gulat na tanong ko. Uwaaaaahh! Nakadikit ang katawan ko sa hubad na lalaki. OMO!
"Sanay akong matulog ng nakahubad," he smirked.
"OH. MY. GHAD!" Napatakip ako sa bibig ko. Hubad? Nakahubad siya?! Pati kayo dun sa...
Napatingin ako sa ibabang parte niya. Don't worry, we're still under the same sheets. Oh, geez.
"I know what you're thinking, baby love." He teased and kissed me on my lips. I pushed him and he chuckled, "Sobrang pulang-pula ka na, Crystal."
Tatayo na sana ako kaso ayaw niyang tanggalin yung braso niya sa bewang ko, "Kurt naman! Para kang baliw, bangon na tayo!"
"Nakashorts ako, don't worry. Pero kung gusto mo----"
"Ugh! No! Umuwi ka na, maliligo na ako." Tumayo ako at dumiretso sa walk-in closet ko. Kukunin ko kasi yung uniform ko and speaking of, kailangan ko ng ipadala sa laundry shop ang mga labahan ko. Wala na akong susuotin na uniform sa isang araw kung hindi ko dadalhin ito.
Pagkalabas na pagkalabas ng walk-in closet, naabutan ko si Kurt na nakatalikod at isinusuot ang shirt niya.
Eh kung humaharap ka edi sana
PERFECT VIEW...
Wehh? Perv minded na ata ako.
Humarap siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin, kunwari aayusin ko yung bed sheets. Hahaha.
"Crystal, anong oras uwi mo ngayong araw?" tanong niya.
"2:30, bakit?" sagot ko habang papasok ako sa walk-in closet. Nakalimutan ko yung undies ko
Hinila ko yung isang drawer na naglalaman ng mga undies ko. Hohoho!Puro pairs yan. Ano bang color susuotin ko ngayon? Pink? Tangerine? Purple? White? Black? Light green? Sky-------
"Black is sexy, baby love."
Agad kong itinulak pasara ang drawer at tumayo, "Ugh! Kakagulat ka naman, Kurt. Umuwi ka na nga at maligo!"
He smirked, "Bagay sayo yung black."
"Whatever! Wag ka ngang perv, Kurt." Itinulak ko siya palabas kaso niyakap niya ako. Ganito ba talaga ito sa umaga? Ang sweet niya.
"Hahaha, really cute. Hindi kita masasamahan sa zoo mamaya." He said while hugging me. Sine-sway niya pa ng konti. HANYARE dito?
"Bakit?" I asked and hugged him back. Ang bango!
"Humahabol kasi ako sa lessons. May private prof ako, baby love."
Tinignan ko yung mukha niya at hindi ko sinasadyang magpout, "Who will accompany me?"
"Chloe and Kaye Anne. I already asked them and they said 'no'."
I frowned, "Haaa? Bakit?"
"They said no but eventually, napa-oo na sila. Hindi ka rin nila matiis," he said while pinching my left cheek.
I pulled away from the hug, "Kurt, maliligo na ako. Maligo ka na rin, uwi ka na." Naglakad ako patungong bathroom at napapansin ko na sinusundan ako ni Kurt, "Oh, uwi ka na."
"Sabi mo maligo na ako. Sabay na tayo..." He said while smirking.
"OUCH!" Hahaha. Kinurot ko kasi ng pino sa braso. Hahaha. Nakakagigil! "Ang sakit nun ah.." Nakasimangot niyang sabi habang hinihimas yung parteng kinurot ko.
Hihihi!Gusto ko pa.
"Kurt, isa pa?" I demanded.
"Maliligo na ako," Sabi niya at tumalikod na. "Ako nalang sana panggigilan mo kesa sa gorilla."
"Eeeeeeeeeh! Isa pa, Kurt. Pakurot!"
Kaso tumakbo na ang loko, iniwan ako.
~~~
Bago kami dumiretso sa school ay hinatid muna namin sa laundry shop yung labahan ko. Pati na rin yung kanya. Gaya-gaya siya eh. Then afterwards, kumain muna kami ng breakfast sa Starbucks and now, we're here already in the campus.
H.H.W.W kami ni Kurt. Hohoho!Ano yun? Holding hands while walking ang peg. Hihihi.
"Kurt, akala ko pupuntahan natin sina Mommy sa bahay?" Tanong ko. Nasa bahay pa rin kasi ngayon sila Mommy at Daddy, di pa bumabalik sa trabaho.
"Yes. Susunduin kita sa zoo then diretso tayo sa bahay niyo. Basta around 4pm, makakasunod ako sa inyo dun." He said smiling. Huminto siya sa paglakad kaya napahinto rin ako. Then he pulled me for a tight embrace.
"Bakit, Kurt?" Weeee~ Lagi nalang nangyayakap.
"You're unfair. You must call me 'baby love'."
Ang arte. "Okay, baby love." Eeeeeeehhhhhhhh! Kinikilig ako hahaha.
"Huwag mong masyadong paglihian yung gorilla ha?" Ang lambing ng tono niya. Waaaaahh! Nag-hyhyperventilate na ata ako.
"Okay, baby love. Bitaw na, PDA tayo eh." Sabi ko. Napansin ko kasi na ang dami ng nanonood sa amin. Inggit sila, wala silang fiancé' na kagaya ni baby love ko. Lewl.
Bumitaw naman siya tapos ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. EMERGED! Ang sarap anuhin----
*pinch sa pisngi*
"Awwwwww!" Hinala ko yung magkabila niyang pisngi *elastic style*. Waaaaaaaahhhhh! Nakakagigil!
Kinagat ko yung labi ko, "Nakakagigil ka talaga!"
He frowned and eventually he smirked. He cupped my cheeks and leaned forward. He moved his head sideways and I closed my eyes.
*LUB DUB LUB DUB LUB DUB*
"CALLING THE ATTENTION OF MR. TRISTAN KURT LEE AND MS. CRYSTAL GAIL RIVERA. PLEASE PROCEED TO THE DEAN'S OFFICE."