[64] He Needs Me

351K 8.3K 2.5K
                                    

[64] HE NEEDS ME

NATHAN'S POV

Saturday na. Ngayon na ang araw ng kasal ni Ate Lie at ni Darryl. Ugh, Kuya Darryl na pala ang dapat na itawag sa kanya. Hindi na ako nasanay. Tch. Paano ko ba naman kasi tatawagin ng Kuya yun kung tuwing naaalala ko na kasa-kasama ko siya sa panghuhuli ng gagamba sa bukid noong mga bata pa kami? Sa sobrang pagka-isip bata ni Darryl, mas napagkakamalan pang ako ang mas matanda eh. =____=

Inilibot ko ang tingin sa loob ng simbahan. Darating kaya siya? Siguro naman, darating siya para kay Ate Lie.

"Hi Nathan," boses pa lang, alam ko nang si Chloe itong umakbay sa akin. "Kamusta na? Long time no see ah..."

Nginitian ko lang siya ng tipid, "Huwag mo ng tanungin. Alam mo naman na diba?"

Napapout naman siya. "Prinsipe Salvador, okay lang yan. Hindi pa huli ang lahat. Sa ngayon, aral-aral muna ha?"

Napailing nalang ako ng ulo. "Oo, alam ko yan." Tinulak ko siya ng bahagya palayo sa akin. "Pumwesto ka na sa tabi ni Warren. Maya-maya lang magsisimula na ang kasal. Asan si Dustin?"

May inginuso naman siya sa altar kaya sinundan ko yun ng tingin. "Ayun oh... Feeling photographer slash pianist slash singer slash sacristan."

Nakuha ko naman yung ibig sabihin niya sa pagiging photographer ni Dustin dahil sa nakasabit na DSLR sa leeg niya, at syempre sa pianist at singer dahil siya ang natripan ni Ate Lie na kakanta ng wedding song since nagustuhan nito ang performance niya nung nagpropose si Kuya Darryl kay Ate Lie few months ago. Pero yung sacristan? Hindi ko maintindihan kung bakit. -_-

"Bakit sacristan?"

"Eh lumelevel sa pagka-all white kagaya ng mga sacristan eh. Sige na, maiwan na kita dyan." Ngumiti muna siya sa akin ng malaki. "Don't worry, she's coming."

Para lang akong timang nito. Akala mo ako yung groom para kabahan ng ganito. Tapos siya ang bride na missing in action pa rin.

Nathan, Nathan... Relax... Relax... Act naturally. Huwag kang pahalatang brokenhearted ka ha?

"Nathan," bigla nalang may tumapik sa balikat ko kaya napasinghap ako sa gulat.

"Ay, pusa!!"

"Relax, dre. Ayos ka lang? Namumutla ka oh. Natutulog ka pa ba?"

Sinimangutan ko lang si Sheen. Makapanggulat lang! Sasakalin ko 'to eh. (~_~)

"'La kang pake, dre. Mind your own business. Alis muna, alis muna!" Tinaboy-taboy ko siya pero ang ungas, tinawanan lang ako ng nakakaloko.

"Pasalamat ka hindi namin sineryoso ang pustahan natin kundi wala ka ng kotse ngayon," sabay ngisi niya sa akin. Ay oo nga pala, dahil napakababait ng mga tropa ko na 'to, hindi nila kinuha ang kotse ko. May pustahan nga pala kami na 2 weeks ago mapapasaakin si Kaye Anne within two weeks pero wala eh... Sadyang hindi kami magkasundo ng tadhana. Tsk tsk! Buti nalang, hindi nila sineryoso yun.

"Ang sungit mo talaga kapag BH ka noh? Dyan ka na nga," buti umalis na siya. Naasiwa talaga ako kapag pinagduduldulan pa sa akin na sawi ako eh. Badtrip.

"The wedding is about to start, ladies and gents! Now, position!"

Narinig ko nang sumigaw yung wedding coordinator kaya nagpalinga-linga na ako sa paligid. Nabigla nalang ako nang maramdaman kong may lumapit sa akin sa kaliwa ko, pagkatingin ko...

"Hi..."

"Kaye Anne, ahhm, buti nakarating ka?"

A small smile formed her lips, "Yeah... Kamusta?"

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon