[27] Bothered

580K 11.1K 2.9K
                                    

[27] BOTHERED

KAYE ANNE'S POV

Eeeeh!

Badtrip ako!!!! Tsk!

"Hoy mga bruha! Bakit nakasimangot ang mga fes niyo ngayon?" Nakangiwing tanong ni Chloe sa akin. Nakaupo kami ngayong tatlo nina Chloe at Gail sa bleachers dito sa open field. Kanya-kanya kaming pout dito. Ampness kasi ang miryenda namin ni Austin kahapon eh!

"Wala!" Padabog kong ipinasok sa loob ng bag ko ang textbook ko saka nagbuntong hininga sa inis! "Argh! Nakakainis naman eh!"

"Akala ko ba wala? Eh bakit bwisit na bwisit ka dyan?" Tanong na naman ni Chloe with matching pataas-taas pa ng kilay niya.

Nagroll eyes lang ako saka ako tumingin sa right side ko, kung saan nakaupo si Gail. Nakatulala siya sa kawalan at nakanguso din. Mukhang problemado rin si buntis.

Tumingin ako saglit kay Chloe sa left side ko saka ko inginuso si Gail. "Preggy is spacing out..." I whispered to Chloe.

"Oo nga eh," she nodded while staring at Gail. "Baka may LQ na naman sila ni Pareng Kurt?"

"Hmmm... Matanong nga..." Humarap ako kay Gail saka ako nag-snap sa harapan ng mukha niya. Napablink naman siya saka siya tumingin sa akin sabay sabing, "Yes! Yes!"

Ha?

"Yes ka dyan? Wala naman kaming tinatanong eh." Lumipat si Chloe sa kabilang side ni Gail kaya siya na ang nasa gitna namin ngayon. "Tell us, preggy, what's bothering you? Nagkatampuhan na naman ba kayo ni Kurt?"

Umiling lang siya saka siya yumuko.

"Eh ano? Bat ka ba nakasimangot diyan?" Sinilip ko ang mukha niya kasi nakaharang ang buhok niya. "Okay lang kahit kami ni Chloe ang mamroblema, wag lang ikaw. Maapektuhan ang mukha ni baby niyo nyan. Sige ka!"

"Kaya nga, Gail. Sabihin mo na..."

She pouted again then raised her head. She even touched his tummy in a circular motion. Nagkatinginan ulit tuloy kami ni Chloe.

"Kasi... May tumawag sa akin one time. Babae. Fierce ang boses. Sabi niya alagaan ko daw ang sarili ko." Tumingin siya sa tiyan niya saglit. "Pati ang baby ko."

"Eh yun naman pala eh. Concern citizen ang peg ni ate! Anong inaalala mo dun?" Chloe commented while fanning Gail. Pinapawisan na kasi siya.

"Kaya nga~ Wala naman dapat ikaproblema dun." Sabi ko naman.

Bumuntong hininga na naman ulit siya saka siya umiling. "Tapos kagabi, nung may binili kami sa drugstore ni Kurt, may isang batang lumapit sa akin. May binigay siyang sobre saka siya tumakbo palayo. Nung binasa ko yung letter---"

"Anong nakasulat?" I asked curiously.

"Everyone loves me but there's only one who despises you to death. Yun ang saktong nakasulat dun. Tinapon lang ni baby love kaya hindi ko na maipakita sa inyo." Lumunok siya saglit saka siya nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Chloe. "Malakas ang kutob ko na ang sender at caller ko ay iisa. Galit siya sa akin! Natatakot ako baka may masama siyang balak sa amin ng baby ko!"

Nagpapanic na siya kaya natatarantang inakbayan ni Chloe si Gail. Inabot ko naman sa kanya ang tumbler mula sa bag niya. Hinayaan muna namin siyang uminom at kumalma bago ako magsalita. "Gail, huwag mong masyadong alalahanin yan. I'm sure, isa lang yang hater. Tinatakot ka lang nyan. Ang isipin mo ay yung mga taong nagmamahal sayo. Insecure lang yan. Cheer up!"

Tumingin siya sa akin ng seryoso and eventually ay ngumiti siya. "Yeah right. Thanks, Kaye Anne."

"Err... Eh ako?" Napatingin kami kay Chloe na nakapeace sign pa. "Walang thank you sa akin? Nakakatampo ah!"

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon