[41] Something Different

519K 10.1K 2.1K
                                    

[41] SOMETHING DIFFERENT

 

***SAME DAY

KAYE ANNE'S POV

"Kaye Anne, anong meron? Bakit parang puyat ka?" Tanong sa akin ni Austin. Magkasama kami ngayon kasi sabi niya sabay na daw kaming mag-lunch. Kaya ayun, nagpunta kami dito sa picnic section ng E.H.U. Buti na nga lang meronng ganito dito sa campus. Nakakarefresh lang.

Sumubo muna ako ng kanin with fish fillet na niluto raw niya. Pwede na rin! Masarap.

"Kagabi kasi isinugod sa ospital si Gail. Nag-alala lang ako ng sobra kaya hindi ako nakatulog ng maayos."

"Ahhh... How is she now?"

"Okay na siya. Hindi lang ako mapakali sa nangyayari."

Inabutan niya muna ako ng bottled water. "If you don't mind, ano bang nangyari?"

My lips twitched sideways, "May isang kampon ng kadiliman kasi na nagtangka sa buhay niya. Nakakatakot lang kasi baka kung ano na naman ang gawin nun." I said in a worried tone as I closed the Tupperware. Inabot ko na sa kanya yun ng nakangiti. Tapos na kasi ako. "Thanks pala, Austin ah? Masarap!" 

He smiled, "I'm no good cook kaya huwag mo kong bolahin."

"Suuus! Masarap nga!"

Napatawa naman siya ng mahina, "Hindi ako ang nagtimpla niyan. May nabibili na kasi sa Grocery ng ready-to-cook na fish fillet. Nakakahiya naman. Sa susunod, magsisikap na akong magluto."

"Pfft! Gusto mo tulungan kita magluto? I'm not that good pero marunong pa rin naman."

"Really?" He smiled widely and I nodded. "Baka naman natuturn off ka na sa akin nyan."

"Ano ka ba! Turn off ka dyan! At least, parehas tayong mahilig kumain..." I grinned. Kaso hindi ko napigilan ang sarili ko na mapahikab. Inaantok talaga ako 

Napatingin ako kay Austin nung lumipat siya ng upuan. Sa tabi ko to be exact. Kanina kasi nakapwesto siya sa harapan ko eh.

"Kaye Anne, gusto mong umidlip? Babantayan kita." 

My eyes rounded, "Haluuuuh! Nakakahiya naman..." 

"Hindi yan. Mag-nap ka lang dyan tapos babantayan kita. Wala naman na akong gagawin ngayon. Ikaw ba? Magbabantay ka pa ba ng stall niyo?"

Napatingin ako sa wristwatch ko. Quarter to 1 na pala. Mamaya pa ang shift ko sa stall namin, 3PM. Napatingin ako kay Austin... Uwaaaaaah! Nahihiya ako pero inaantok talaga ako.

"Uhm... Sige... Pero after an hour, gisingin mo ako ha?"

Ngumiti lang siya at tumango. Tapos ay ipinatong niya ang bag niya sa mesa sa tapat ko. "Gawin mong unan...."

Kahit nahihiya pa ako ay nag-nap ako dun. Ginawa ko pang unan yung body bag ni Austin. Inaantok talaga ako kanina pa eh. Nahihilo na nga ako sa kaantukan. In fairness, ang sweet ni Austin baby! May baby? 

zzZZzzzzZZZZZzzzzzzzzzzz.....

 

 

CHELSEA'S POV

Class dismissal. Pagkalabas ko ng room ay nakita ko na si Nathan sa labas ng room namin. Nakakatuwa siya kasi kahit hindi naman kami officially, pakiramdam ko ay talagang special ako sa kanya. That's what I really like about him. He's really nice to girls...

"Kanina ka pa?" I asked him. Umiling lang siya tapos ay kinuha niya ang mga textbooks ko.

"Kain tayo..." Yaya niya.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon