[2] Kahit Pangit Siya

790K 18.4K 7.8K
                                    

[2] KAHIT PANGIT SIYA

 

 

KAYE ANNE'S POV

 

 

"Gwapo sa party."

 

"Excuse me?"

"...."

"Hello? Miss?" Wine-wave niya yung kamay niya sa tapat ng mukha ko.

"Ay, s-sorry!" Iniwas ko ang tingin ko at inayos ang buhok ko. Shemaaaaaay! Ang gwapo niya sa uniform niyaaa.

"What can I do for you?" Tinignan ko siya kaso nag-iwas din ako ng tingin. Hindi ako makakatitig sa mga mata niyaaa! Woah, sa noo nalang ako mag-fofocus.

"A-ano kasi... Uhm, ito oh, wallet mo! Nalaglag mo kanina dun," sabi ko sabay abot ng wallet sa kanya. Inabot niya naman ito.

"Oww, sh*t. Thank you. wait, I remember you!"

"Ikaw yung girl na natapunan ko ng juice sa hotel diba?" Tanong niya.

"A-ahh, so ikaw pala yun? Kaya pala kita namumukhaan hehehe," Hahaha kunwari hindi ko naalala. Pero wait, naalala niya ako? Woah! Ang ganda ko talaga.

He nodded. "Yea. Well uhm, sorry but I need to go. May klase pa kasi ako. Sorry talaga." Sabi niya habang nakangiti. Wee~ ang gwapo ng ngiti niya. 

"Ah ako din eh. Sige, nice to see you again," I said while showing my sweetest smile. MINSANLANGAKOLUMANDIPAGBIGYANNA. Hahaha. I hope you all understand. :P

Tumango lang siya kaya tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad in opposite direction. Sayang! Hindi tinanong ang pangalan ko at hindi ko nalaman ang name niya. 

LAKAD...

LAKAD...

LAKAD...

"MISS, WAIT!"

*u*

Agad ko siyang nilingon. Yung tipong slow-motion with wind effects pa, CHOS! XD

"Saglit lang," sabi niya habang tumatakbo kaso natalisod pa. Ba't ang clumsy niya? Ayos lang, gwapo naman siya eh. Hohoho.

Napakamot siya sa batok niya, samantalang ako napakagat-labi. Kunwari walang nangyari. Kunwari wala akong nakita. 

"Ano—ahhm.. Pwede k-ko bang malaman ang panga------"

"I'm Kaye Anne Alonzo." I extended my hand to him.

 "Austin Willard." We smiled. "Anong oras vacant mo?"

"2 subjects lang ako today eh." Tinignan ko yung papel kung saan nakasulat yung sched ko. "Hmm, 11:30 vacant ko. Why?"

"Good then. If you don't mind, can I ask you out for lunch?"

"SURE!" Ang laki tuloy ng ngiti ko!

***

"Hey there," bati ko kay Austin. Usapan kasi namin ay dito mag-meet sa may hallway ng Business Dept. Obviously, it's 11:30 am already.

Tumayo siya sa pagkakaupo niya sa bench. "Let's go?"

Eeeeehh! Napaka-gwapo niya pag ngumiti. "Ahh, sige."

Nag-simula na kaming maglakad. "Kaye Anne, anong course mo?"

"BSBA major in Management, ikaw?"

"BS. Architecture, senior year."

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon