Chapter 21: Victorious

1K 103 23
                                    

Nakangiting tiningnan ko si Highness, Jay at Miyuri. Maingat na umangkas sila sa kabayo na sinasakyan na ng kanilang mga asawa. Natawa pa ako ng kaunti when Miyuri said something to tease her husband na biglang namula ang tenga.

Ngayong araw na sila aalis pero pupunta muna sila sa plaza para puntahan ang Portal Keeper, i think Jay called her Hm Tanya.

Tumingin ako sa kanila na handa ng umalis. "Be careful."

"You should say that to yourself. Iiwan ka ng asawa mo." Jay stated.

Tumawa naman ng kaunti si Miyuri. "Nah... I think you can handle yourself just fine."

Tumango-tango lamang si Highness habang napakamot ako sa aking batok dahil sa kanilang sinabi at napatawa ng alinlangan.

"Maybe i can."

Miyuri smirk at me. Pagkatapos ay kinindatan niya ako na ikinailing ko na lamang.

Binalingan ko naman ang aking asawa na naghahanda ng sumakay sa sarili niya din na kabayo. Dahan-dahan ko siyang linapitan at ng makalapit ako sa kanya ay hinawakan ko ang kanyang kamay.

Napatigil siya sa kanyang ginagawa at napalingon sa akin. He immediately smile when he saw me, ako naman ay tinitigan lamang siya sa mata.

"Be safe."

His hand carresed the back of my waist and pulled me closer to his before hugging me tightly. Hindi naman ako nag alangan na yakapin din siya.

Ramdam ko pa ang init ng kanyang katawan. It was comforting which makes me buried my face onto his chest.

"I will. I'll be back before you knew it."

Tanging tango lamang ang aking naging tugon. Humiwalay naman kami sa pagkakayakap sa isa't isa but i was caught off guard when he peck my lips.

"What the-"

"I need that kiss." Mapaglarong aniya.

"You always steal kisses from me." I grunted.

Nginitian niya ako. "Well we can do more after i came back."

Balak ko na sana siyang kurutin ngunit mukhang nakuha naman niya ang aking gagawin kaya agad na siyang umangkas sa kanyang kabayo dahilan para mapasimangot ako.

"You look silly making that face."

I just glare at him na mas lalo niyang ikinatawa ngunit napabuntong hininga na lamang ako at kinuha ang panyo na kanina ko pa hawak.

I hand it to him. "Take this... please. Don't ever lose it."

Biglang nagbago ang kanyang ekspresyon. It became gentle and sweet. Marahan niyang kinuha sa aking kamay ang panyo before looking at it and smiling widely at me.

"Don't worry. I won't."

Gumaan ang aking pakiramdam sa kanyang sinabi. Nagtitigan pa kami ng ilang segundo ngunit naputol iyon ng lumapit si Ryan sa kanyang pwesto.

"Your Majesty, we are ready to go."

Zaje nodded and sigh deeply. Ibinalik niya ang tingin sa akin. Ako naman ay binigyan lamang siya ng tipid na ngiti.

I can't help but feel nervous. The place he is going is dangerous after all.

"We have to go." He softly said.

I nod. Hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay at hinalikan ang singsing niya. I felt him stiffened pero binalewala ko lamang ito.

Itinaas ko ang paningin sa kanya and smile sweetly. "I'll be waiting."

A Destructive Facade [Very Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon