Chapter 3: Doomed

1.5K 112 5
                                    

Nakatingin ako sa mga taong nakayuko. Dahil sa katahimikan ng lugar ay rinig na rinig ng bawat isa sa amin at ang bawat tunog ng bawat pagtama ng lubid sa katawan.

Marami akong naririnig na pagdaing at ang pagsigaw ng mga tao. Napatingin naman ako sa aking katabi bago hinaplos ang buhok ni Luke upang patahanin ito sa pag iyak.

Hindi ko akalain na sa pagpunta ko sa lugar na ito ay ganito pala ang mangyayari.

"Uulitin ko. Nasaan siya?"

Pigil ang naging pag-iyak ni Luke at Lily. Sinubukan ko na patahanin ang dalawa ngunit walang nangyayari. Patuloy lamang sila sa paghikbi.

"Sabihin na ninyo kung nasaan ang babae upang hindi na kayo mahirapan." Pagpupumilit ng lalaki.

Wala parin sa amin ang nagsalita. Nanatili kaming tahimik. Alam ko naman na ako ang hinahanap nila pero hindi ko muna pwedeng hayaan na pabayaan ang dalawang umiiyak ko na kasama.

Mukha naman na nakuha ni Luke ang atensyon ng isang kawal dahil sa pag iyak nito.

"Kunin ang batang lalaki na iyan."

Halos nanlaki ang aking mata ng kinaladkad ng isang kawal si Luke. Walang lumabas sa aking bibig na salita habang rinig ko ang malakas na iyak ni Luke.

"Sabihin ninyo! Nasaan ang babae?"

Napakuyom ako ng kamao at hindi nakayanan ang naririnig na sigaw. Ito naman ang sinabi ng ina ni Luke at Lily, diba? Ako na ang bahala at hindi ko naman pwedeng hayaan na masaktan si Luke.

Agad akong tumayo at tumakbo sa direksyon ni Luke na patuloy na umiiyak.

"Tumigil na kayo." Saad ko sa kanila.

Tinitigan ako ng kawal. "Lapastangan!"

Itinutok sa akin ng isang kabalyero ang hawak nitong espada ngunit umiling lamang ako.

"Please stop this! Please!"

Napatigil ang iilang kawal sa kanilang ginagawa ng marinig ang aking sinabi. Lahat sila ay bigla akong tinutukan ng kanilang mga sandata.

Gamit ang aking buhok ay hinila ako isang kabalyero sa pinakagitna at pinaluhod. Walang awa na sinampal ako nito ng napakalakas dahilan para matumba ako.

"Paano ka natuto ng wikang maharlika?" Tanong ng lalaking na mukhang kabalyero.

Hindi ako sumagot at nanatili na tahimik. Wala akong balak na sabihin sa kanila. Ang Emperador lamang ang kakausapin ko.

"Sumagot ka!"

Naramdaman ko na lamang ang isang bagay na paulit ulit na tumama sa aking likod. Ininda ko iyon hanggang sa napapapikit na lamang ako dahil sa naramramdaman na sakit at ang pagpatak ng aking luha.

"Stop."

Tumigil ang mga kawal dahil sa sinabi ng isang lalaki. Hinawakan nito ang aking damit papatayo at tinitigan ako.

He look at me for a few minutes as if he's examining my looks. He raised one eyebrow bago napabuntong hininga. Binitiwan niya ako dahilan para muntik na akong matumba.

A Destructive Facade [Very Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon