Chapter 5: Deal

1.4K 112 28
                                    

King Of Barok > King Of Drevin

¤¤ ¤¤ ¤¤

Naglalakad ako ngayon sa pasilyo. Pagkatapos akong gamutin ng nagpakilala na si Gemma ay hinayaan niya akong maglakad lakad sa palasyo.

Nagulat pa ako ng gumamit siya ng kapangyarihan upang pagalingin ako. Pinaliwanag naman niya na meroong mga kapangyarihan ang mga tao sa mundo na ito ngunit hindi lahat, iilan lamang ang meroong kapangyarihan.

Kaya ngayon ay nandito ako naglalakad. Maayos na ang pakiramdam ko at para bang wala lang na nangyari sa katawan ko.

Pero sa totoo lang ay hinahanap ko ang Emperador. Kailangan ko na siyang makausap tungkol sa mga katulad ko at kay Faye.

Akala ko talaga matanda na ang Emperador. Hindi pa pala.

Nakasalubong ko si Kapitan Victo, meroon itong iilang sugat sa mukha at iika-ika kung maglakad.

Napahakbang ako papaatras ng magkita kami ngunit nagtaka ako ng nginitian ako nito. Hindi katulad kanina na parang manyak, ngayon ay parang ngiti na hindi gagawa ng masama.

Balak na sana nitong maglakad muli ng bigla itong matumba. Mukhang nasaktan pa lalo ito dahil kita ito sa kanyang mukha.

Linapitan ko naman ito kahit nakakaramdam parin ng pagka-ilang.

Tinulungan ko itong makatayo na mukhang ikinagulat naman niya. Nginitian ko siya ng alinlangan bago nagsalita.

"Ayos lang ba kayo?" Napatingin ako sa kanyang mga pasa. "Bakit nagkaroon kayo ng pasa? Wala naman iyan kanina."

"Ito ang parusa ko dahil sa ginawa ko kanina sa'yo." Aniya at napabuntong hininga.

"Ha?" Gulat kong anas.

"Gusto kong humingi ng tawad. Sorry. Hindi talaga maganda ang inasal ko sa'yo kanina." Nginitian niya ako

"A-ayos lamang po." Saad ko ng nakangiti.

Napabuntong hininga siya ng malalim. Tinulungan ko naman siya na makalakad ng maayos hanggang sa makarating kami sa isang silid.

Nagtaka ako ng bigla niya akong tinitigan. "Hinahanap mo ba ang Emperador?" Tumingin siya sa kaliwang pasilyo. "Dumeretso ka lang d'yan hanggang sa dulo. Sigurado akong nandoon na naman siya, parati siyang na sa silid na iyon dahil marami siyang ginagawa."

Tumango ako sa kanya at balak pa sana siyang tulungan ng umiling na lamang siya.

"Ayos na ako dito. Salamat." Wala na akong nasabi lalo na ng tuluyan siyang pumasok sa sarili niyang silid.

Ako naman ay nagkibit balikat na lamang at tumingin sa kaliwa na pasilyo.

Wala akong sinayang na oras, agad kong tinahak ang pasilyo at habang tumatagal ay dumidilim ang aking dinadaanan, halos mapatigil pa ako ng maramdaman ko ang mabigat na presensya pero tumigil lamang ako sa paglalakad ng makita ang pinakahuling pinto.

Let's face that Tyrant Emperor, again.

Binuksan ko ang pintuan at nakaramdam agad ako ng panlalamig. Alam ko na agad na presensya niya ang malamig kong nararamdaman. Halata naman kahit nagkita pa lamang kami kanina.

Dapat na ba akong matakot sa presensya n'ya?

"What are you doing here?"

Napatalon ako ng kaunti dahil sa biglang narinig. Higit pa doon ay meroon ng tao sa aking harapan at alam ko na siya na ang tao na kaharap ko.

How did that happen?

Inangat ko ang aking tingin and i met his chocolate-colored eye. His forehead is creased while looking at me.

A Destructive Facade [Very Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon