Chapter 8: Married

1.6K 112 25
                                    

"My lady, you can open your eyes now."

Iminulat ko ang aking mata at kaagad kong nakita ang mukha ko na meroon na simpleng make up. Ang mahaba ko na buhok na abot bewang ay abot hanggang dibdib na lamang at meroon na akong bangs.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo at naglakad papalapit sa full length mirror. Hindi ko napigilan na mapahaplos sa aking kamay ng makita ang kabuoan ko.

Nakuot ako ng brown wedding gown with evening gloves at kaunting alahas. Meroon din akong robe na kulay pula.

Brown gown ang pinasuot sa akin for it's symbolization. Amora told me that brown gown symbolize strength, patience, and reliability. She also said that from now on the color of gold will represent me.

Today, i will be married to the Tyrant Emperor.

"My lady, everyone is waiting for you."

Huminga ako ng malalim. Tiningnan ko pa ng ilang saglit ang aking kabuoan at hinarap si Amora.

Binigyan ko siya ng ngiti. "Let's go."

Naglakad ako papalabas sa kwarto. Sumunod naman sa akin si Amora.

Meroong iilang tagasilbi ang sumunod pa sa akin habang naglalakad ako papunta sa carriage.

Kaming dalawa ni Amora ang sumakay sa loob ng carriage.

Kanina pa mabilis ang kabog ng aking puso. Nadagdagan lamang ito ng magsimulang gumalaw ang carriage. Napahigpit ang hawak ko sa aking gown at tumingin sa labas ng carriage.

Malawak ang nasasakupan ng palasyo ni Zaje kaya kinakailangan namin na sumakay ng carriage para makapunta sa main palace. Ikakasal kami ni Zaje sa throne room dahil iyon ang gusto ni Zaje. Only few important people will be there katulad ng gusto ni Zaje.

Dahil sa malalim na pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nakarating na kami main palace.

Nailang pa ako ng bumukas ang pinto ng carriage at yumuko ang iilang kabalyero na nakahilera sa labas.

Tinulungan ako ni Captain Victo sa pagbaba sa carriage. Muli kaming naglakad sa pasilyo at hagdan hanggang sa makarating kami sa isang malaking gold na pinto.

I took a deep breath lalo na ng bumukas ang pinto dahilan para masilayan ko ang iilang tao na magiging saksi sa kasal na ito.

Sa dulo ng silid na ito ay may mataas na mataas na parte ng sahig. Meroong limang apakan ng hagdan at sa pinakataas nito ay ang dalawang throne seat. It was simple yet luxurious.

Nakatayo sa harap ng throne seat ang magiging asawa ko at ang isang lalaki na mukhang pari.

Pinagsalikop ko ang aking kamay at naglakad. I tried to walk with confidence and grace.

Nakatitig lamang ako sa magiging asawa ko na nakatingin din sa akin. Siya lamang ang tinitingnan ko upang hindi ako mailang sa mga tao na nandito na nakatitig sa akin.

Tumigil ako sa kanyang harap at ngumiti. Hinawakan niya ang aking kamay at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa init na dulot ng kanyang kamay sa aking kamay.

"You did well." He whispered sa aking tenga na ikinangiti ko naman.

Sabay namin na hinarap ang pari na kaagad naman kaming nginitian at agad na nagsalita.

Time Skip


Hinarap namin ni Zaje ang mga tao na naging saksi ng aming kasal. Lahat sila ay lumuhod at yumuko bago nagsalita.

"Long live the Empress and Emperor!"

Ngumiti ako sa kanila. Si Zaje naman ay hinawakan ang aking kamay at hinalikan ito dahilan para mapatingin ako sa kanya.

A Destructive Facade [Very Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon