Chapter 1: Welcome

2.6K 132 6
                                    

Napahawak ako sa aking kanan na pisngi dulot ng sampal sa akin. Dahan dahan kong tiningnan ang mukha ng babeng itinuring ko ng ina ngunit ngayon ay nakatingin na sa akin ng mayroong galit, puot, at kalungkutan

"Wala kang kwenta! Hindi mo man lamang nailigtas ang anak ko." Puno ng galit na sabi nito.

Napayuko na lamang ako dahil sa sinabi niya. Alam kong gusto pa ako nitong sampalin ngunit pinipigilan lamang ito nina Ate Ross at Kuya Seb.

"Kaibigan ka niya ngunit wala ka man lamang na nagawa. Anong klase kang kaibigan?!" Napakuyom na lamang ako dahil sa sinabi nito.

Ano nga bang klaseng kaibigan ako?

"Mom, huwag kang gumawa ng gulo. Pag usapan muna natin ito." Mahinahon na pakiusap ni Ate Ross.

"Pag usapan? Ano pa ang dapat pag usapan kung ang kapatid mo ngayon ay nawawala at ang babae na iyan ang dahilan." Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan ang ina ng aking kaibigan na ilabas ang kanyang galit.

Lumapit sa akin si kuya Seb at sinabihan muna akong lumayo kay Nanay Gina ang ina ni Faye na aking kaibigan upang kumalma muna. Pumunta ako sa gilid ng silid na ito kung nasaan ang malaking litrato ng isang syodad.

Hindi ko namalayan na mayroong mga luha na ang tumutulo sa aking mga mata habang hinahaplos ang gilid ng larawan.

Tama sila wala akong kwenta. Tinuring niya akong kaibigan at parati niya ako liniligtas ngunit kung kailangan siya na ang nasa kapahamakan wala man lamang akong nagawa.

Napasuntok ako sa pader na nasa harap ko lamang at ramdam ko ang sakit ng dahil sa pagsuntok ko. Kita ko pa ang pagtulo ng masaganang dugo ngunit hindi ko lamang ito pinansin at nanatiling nakatingin sa larawan.

"Ayos ka lang?" Bigla akong napalingon sa nagsalita sa aking likod at nakitang si kuya Seb, tumango lamang ako bago hinarap si kuya Seb.

"Si Nanay Gina?" Pagbabalewala ko sa tanong niya.

"Huwag kang mag alala. Kumalma na rin siya kaya magiging maayos na ang lahat" Tumango lamang ako at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Pansamantalang sa condo ko na muna ikaw titira. Ayaw kasi ni Mama na makita ka." Hindi na lamang ako nagsalita sa sinabi ni Kuya Seb dahil alam ko naman na galit na galit sa akin si Nanay Gina.

Umalis muna si Kuya Seb upang kunin ang mga gamit ko sa classroom namin habang ako ay naiwan dito kasam ang mga pulis at si Ate Ross na kinakausap ng pulis.

Napatingin muli ako sa larawan na nasa likod ko at pinagmasdan ito ng mabuti. I have to bring back Faye.

Dumating muli si Kuya Seb upang kunin ako. Sumunod lamang ako dito ng tahimik at nakayuko hanggan sa nakarating kami sa kanyang kotse.

Buong byahe ay tahimik lamang kami na nakatulong sa akin para kumalma sa mga nangyari. Tiningnan ko ang aking kamay na pinangsuntok sa pader na ngayon may dugo pa din na tumutulo na mukhang napansin din ni Kuya Seb.

Nakarating kami sa kanyang condo na napakalinis habag ako ay dumeretso lamang sa couch at umupo pagkatapos ay nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Ramdam ko ang titig ni Kuya Seb ngunit umalis din ito at dinala sa isang kwarto ang aking mga gamit. Ilang minuto lamang ang lumipas ng umupo siya sa aking tabi at may dalang first aid kit.

"Your hand." Simpleng wika nito ngunit inilayo ko lamang ang aking kamay.

Hindi nito nagustuhan ang aking ginawa kaya hinablot na lamang nito at ginamot na. Kinagat ko na lamang ang aking labi ng maramdaman ko ang hapdi ngunit tiniis ko ito hanggan sa matapos siya.

Nabalot kami ng katahimikan habang tiningnan ko siya at ng magsalita naman ako.

"Hahanapin ko si Faye" Matatag na sabi ko.

Ramdam ko ang pagtitig nito sa akin na tinitigan ko din. Ang kalma nitong mukha ay biglang nagdilim at bumilis ang paghinga.

"You won't" Matigas na wika nito.

"Kailangan ko Kuya Seb." Pagpupumilit ko.

"You won't fucking find my sister, Thalia" Seryoso at galit na sabi nito.

"Kasalanan ko ang lahat Kuya. dahil sa akin kaya siya nawawala ngayon."

"You know what i felt about you, Thalia. I can't bear losing my sister and you." Malumanay na wika nito at niyakap ako.

Napapikit ako at hinayaan na yakapin niya ako ng mahigpit. Buo na ang desisyon ko na hanapin si Faye kahit pa anong mangyari. Mahal ako ni Kuya Seb higit pa sa kaibigan at kapatid ngunit hindi puwedeng maging kami dahil inampon ako nina Nanay Gina at magkapatid kami sa papel. Wala ng makakapigil sa akin.

Hahanapin kita Faye.

¤¤ ¤¤ ¤¤

9:04 pm

Nandito ako sa silid na kung saan nakita ang singsing ni Faye na nawala. Nakaharap ako sa larawan ng isang lugar na kakaiba, ito ang inaalagaan ng isang guro dito sa aming paaralan. Marami ang nagtataka at sinasabing baliw na daw ang guro na iyon dahil sa sobrang pagaalaga at pagmamahal sa isang litrato.

Ang pagaakto nito na minsan ay nakakasakit pa sa ibang estudyante huwag lamang mahawakan ang litrato na ito at masasabi kong isa din ako sa mga gusto makaalam kung bakit ganoon na lamang kaprotektado ang guro na iyon sa litrato na ito.

Dahan dahan kong itinaas ang aking kamay at hinawakan ang litrato ngunit laking gulat ko ng tumagos lamang ang aking kamay sa litrato.

Tiningnan ko at sinipat ang aking kamay upang titigan kung may nagiba ngunit wala. Bumalik ang tingin ko sa litrato ng may naalala sa sinabi ng pulis.

"Nahanap po ang singsing na ito sa sahig sa harap ng malaki na litrato na ito."

Nagpakawala ako ng buntong hininga at binuo ng tuliyan ang aking desisyon.

Dahan dahan kong muli na hinawakan ang litrato at sa pangalawang pagkakataon tumagos ang aking kamay ngunit hindi ko na tinaggal pa kundi pinagpatuloy ito. Napatitig ako dito ng unti unting linamon ng liwanag ng aking pigura.

_

"Shhh... Huwag kang maingay. Baka magising natin siya."


"Pero ang ganda niya."

Unti unti kong iminulat ang aking mata at ang agad na bumungad sa akin ay ang mukha ng isang batang babae at lalaki na nakangiti.

Tumayo naman ako bagi tiningnan ang dalawang bata ng may pagtataka na tingib.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa dalawa.

"Nandito ka po sa burol ng Garonia." Sagot sa akin ng batang babae.

"Garonia?" Tanong ko.

"Hindi niyo po ba alam kung ano ang Garonia? Hindi po ba kayo taga dito?" inosenteng tanong sa akin ng batang lalaki.

Naalala ko naman ang nangyari sa akin. Tiningnan ko ang aking gilid at nakita ang isang malawak na syudad at may napakalaking kastilyo na makikita. Maraming tao ang nagtratrabaho ang mga bata ay makikita na naglalaro sa kalsada.

Napakaganda din ng panahon at napakasarap ng hangin sa bawat pagtama nito sa aking balat.

"Ito ang Garonia ang aming tahanan at ang pinakamalakas na Emperyo sa buong Izlai ngunit pinamumunuan ng isang napakasamang Emperador."

Sa araw din na iyon ang simula ng aking bagong buhay at ang araw kung saan magsisimula ang lahat.

A Destructive Facade [Very Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon