Chapter 25: Eyes

983 99 10
                                    

Sorry for the late update. Too busy with some personal matter at sa modules.

_

One week. It's been one week ng bigyan ko ng parusa ang hari at prinsesa. Ever since then i handle the whole Empire smoothly with the help of Dawson and Amora. Ngunit minsan ay nahihirapan parin ako bigyan ng utos ang iilang tagasilbi.

I can tell that some of then can't see me as a fit Empress. Mukhang napipilitan lamang ang iilan sa kanila na sundin ako since i hold the rank of an Empress.

But all in all mabuti naman na ang lahat. It was hard at first but nasasanay na ako sa mga gawain bilang Empress sa bawat araw na lumilipas.

Iniling ko ang aking ulo at tinuon ang aking pansin sa boar na hindi lamang kalayuan sa aking kinatatayuan.

Inayos ko ang aking palaso at pana. I concentrated carefully at ng sigurado na ako, i let the arrow go.

Tumama ang arrow sa may tiyan nito. Narinig ko din ang nasasaktan na ingay nito bago pa man ito mapahiga sa lupa. Napabuntong hininga ako at napatingin sa aking pana.

It's been one week since Dawson have been teaching me sa pagpapana. I accidentally saw him hunting once so i ask him to teach me. It's only been two days since i got the hang of it.

Tumalon ako sa hindi kataasan na malaking bato na tinatapakan ko at linapitan ang boar. Tiningnan ko ito ng ilang segundo bago linipat ang tingin kay Dawson na nakasunod lamang sa akin.

Pinagmasdan ko ang dalawang boar na hinihila niya at napatango.

"Give this boars to a nearby village. They need it more than i do." Pag uutos ko sa kanya bago binunot ang palaso sa may tiyan ng boar.

"Yes, your majesty." Tugon agad ni Dawson.

Tumango lamang ako sa kanya. I didn't bother saying anything more. I just straightened my posture and look at the sky. Nagsisimula ng dumilim kaya napagpasyahan ko na maglakad pabalik sa loob ng palasyo.

Si Dawson ay hila-hila ang boar na sumunod lamang sa akin.

Pinaglalaruan ko ang aking palaso ng sinalubong kaagad ako ni Amora ng makita ako. She gave me face towel na kaagad ko naman kinuha sa kanya. I thanked her bago dumeretso sa aking kwarto.

Hindi ko pinigilan si Amora ng dumeretso din siya sa loob ng kwarto. I just look at myself in the mirror habang inabot niya sa akin ang papeles na hawak din niya.

"Your Majesty, your request." Aniya ng inilahad sa akin ang mga papeles.

Binalewala ko ang nararamdaman na pawis at pagkapagod. Kinuha ko sa kamay ni Amora ang papeles at kaagad itong binasa.

Since i have been handling the Empire, marami akong nalaman. One week was enough for me para malaman kung anong klaseng tao ang aking asawa.

After accidentally reading few documents in his, i can tell that Zaje live up to his title. The Tyrant Emperor.

Garonia Empire is the biggest and most powerful Empire in the entire Izlai, the name of this world. It's a free nation. But ever since Zaje took over the throne, Garonia has been a locked Empire, this place have become repressive. Iilan na lamang ang taong pwedeng makaalis sa Emperyo na ito.

Ang isang ordinaryo na tao ay hindi pwedeng makaalis dito. Ang border ng Garonia ay napapaligiran ng tauhan ni Zaje, few of his elites men. Higit pa doon ay napapaligiran ng kapangyarihan ni Zaje ang buong Emperyo. Walang hirap na malalaman niya ang pangahas na gustong makaalis sa lugar na ito.

Although makaalis man sila sa lugar na ito, ilang minuto lamang ang itatagal nila before they... die.

Nalaman ko din na marami ng ipinatalsik si Zaje sa mga nakakataas because of some reason. Not being contented, he even beheaded some of them. What is even worse he torture them before going for the kill.

Zaje is also taking part in black market. Hindi ko alam kung ano ang rason niya but it must be something serious.

More than that, he alone burned a kingdom na malapit sa Garonia. He did it alone. Amora even told me that they heard the cries and agony of the people in that kingdom.

What he did was sinful. It can't never be forgiven. Killing thousands of innocent people.

Napaiwas ako ng tingin sa papel na ibinigay sa akin ni Amora. Nakasulat dito ang mga pangalan ng mga nakakataas na pinatay ng aking asawa.

Hindi ako nagsalita. Binigyan ko lamang ng simpleng tango si Amora na kaagad naman naintindihan ang aking ipinapahiwatig.

Lumabas siya sa kwarto habang inilagay ko naman ang papeles sa aking lamesa pagkatapos ay kumuha ako ng aking isusuot.

Pumasok kaagad sa banyo. I took off my clothes and enter the bathtub. Ipinikit ko ang aking mga mata and tried to relax but before i knew it, i was pulled deep into my consciousness.

"Jafthalia."

Napamulat ako ng marinig ang pamilyar na boses ng babae, it was gentle yet seductive. Inilibot ko ang aking paningin sa buong kapaligiran only to notice na wala na ako sa banyo.

I was standing on an endless clouds. The place look so out of this world. Fireflies are everywhere habang ang mga bulaklak ay para bang dyamante kung umilaw.

"Jafthalia."

Lumingon ako sa aking may kanan and there i saw a woman. The woman looking at me looks like a goddess. Kulay ginto ang kanyang buhok, umiilaw pa ito. She's also wearing a flower crown habang simple na mahabang puti na dress ang kanyang kasuotan.

Ngunit ang nakaagaw talaga ng pansin ko ay dahil sa lumulutang siya.

Hindi ako nagsalita. Pinagmasdan ko lamang siya. I didn't bother saying anything dahil ng pumikit ako ay bigla siyang nawala and so is the place. Then when i open my eyes again, i was back in the bathroom.

Nagpakawala na lamang ako ng buntong hininga. Nakakapagtaka ang nangyari ngunit mas pinili ko na manahimik na lamang. I just don't want to deal with it. Wala akong nagawa kundi ang tumayo sa pagkakaupo sa bathtub at maingat na umalis dito.

Kakatayo ko pa lamang ng mapatingin ako sa salamin ng makaramdam ng kakaibang pakiramdan. I was stunned to see a woman looking back at me. Ngunit imbis na makaramdam ng takot, i suddenly felt anger when her familiar red eyes met mine.

It was her familiar eyes.

Her.

The eyes of the woman who killed me.

A Destructive Facade [Very Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon