Chapter 7: Stay

1.4K 110 16
                                    

Sorry for the late update.

•       •        •

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata ng may tumama na malamig na bagay sa aking noo. Sa una ay malabo pa ang paningin ko pero ng tuluyan ng luminaw ang paningin ko ay nakita ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. Bumangon ako sa pagkakahiga.

"Nasaan ako?" Tanong ko kay Zaje na nakasandal sa pader.

"You're in my room." Inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa at umayos ng pagkakatayo.

Naglakad siya papalapit sa akin. Umupo siya sa silya na katabi ng kama na hinihigaan ko bago hinaplos ang aking noo.

"Ano ang nararamdaman mo?" Tanong niya habang nakahawak parin sa noo ko.

"Exhausted." Sagot ko sa kanya.

Inalis niya ang kanyang kamay sa aking noo. "Then sleep again. Tomorrow is a big day."

"Ano ang ibig mo na sabahin?" Nakakunot noo na anas ko.

Umiling siya bago muling tumayo. "You'll see." Yumuko siya habang napapikit ako ng hinalikan niya ang aking noo. "Sleep."

Hindi na ako nagsalita. Tinitingnan ko na lamang ang kanyang likuran na papaalis sa sarili niyang kwarto.

Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa pintuan kung saan siya lumabas. Sumandal ako sa headboard at tumingin sa may bintana ng mahagip ng paningin ko ang isang larawan.

Tumayo ako at linapitan ang lamesa kung saan nakalagay ang larawan. Kinuha ko ang picture frame at tinitigan ito.

Isang batang babae at lalaki ang na sa larawan. Nakaakbay ang batang lalaki sa batang babae. Parehas silang nakangiti at mukhang masaya. Tiningnan ko naman ang likuran ng picture frame at nakita na may nakasulat sa likuran nito.

The day i met my fiance, Thalia Nalani.

Sa ibaba naman nito ay ang petsa.

Tiningnan ko muli ang larawan at hinaplos ko ito pero agad ko itong binitawan ng bigla itong umilaw.

Nanlalaki ang aking mata habang nakatingin sa picture frame. Dahan dahan na humina ang ilaw nito hanggang sa mawala. Tinitigan ko pa ito ng ilang segundo bago napagpasyahan na humiga na lamang sa kama.

Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalaim. Mabilis ang tibok ng puso ko at pinipilit na makalimutan ang aking nakita. Hindi ko na namalayan muli akong nakatulog.

Namalayan ko ang aking sarili na nakatayo sa malapit sa may fishpond. Napangiti ako ng makita ang naggagandahan na mga isda. Balak ko na sana na ilagay ang aking kamay sa tubig ng makarinig ako ng dalawang klaseng boses.

"Will everything be alright, mother?"

"Yes, everything will be alright just trust your father."

Liningon ko ang aking likuran at nakita ang nagsalita na isang batang babae kasama ang isang babae na mukhang ina nito.

"Will they believe father?" Tanong muli ng batang babae.

"It's up to them." Sagot ng ina.

"My lady."

"Duchess Tellia! It's the Duke!"

Lumingon ako sa nagsalita at nakita ang isang babae na mukhang tagasilbi. Hinihingal ito at puno ng takot ang kanyang mata.

"My lady, it's time to wake up."

"He's in the living room. He needs you, My lady."

Tumayo ang babae at agad hinawakan sa kamay ang batang babae bago tumakbo papasok sa loob ng bahay. Sumunod naman sa kanila ang tagadilbi.

A Destructive Facade [Very Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon