Chapter 26: Piece

1.1K 104 8
                                    

- Third Person -

Dalawang lalaki ang nakatayo sa tuktok ng burol. Seryoso ang mukha ng lalaking nagngangalang Yulo habang nakangiti naman ang lalaking nagngangalang Tanes habang nakaupo ito sa may damuhan.

Nakatitig ang dalawa sa mga halimaw na nawawalan ng kontrol at tumatakbo papunta sa nayon ng Kolaribaños. Nawawalan ito ng kontrol dahil sa miasma na bumabalot sa buong kagubatan.

Makikita naman ang iilang kabalyero na inihahanda ang mga tao na lumikas. Kitang kita na nahihirapan ang mga ito dahil sa miasma na umaabot na din sa nayon.

Tumayo ang lalaki na nagngangalang Tanes. Nakangiting tumingin siya sa kanyang kasama at napailing.

"Sigurado ka ba sa ginagawa natin? The Tyrant Emperor doesn't seem to care. Look," Liningon niya ang mga natatakot na mga tagabaryo at natataranta na kabalyero. "He only sent few of his knights."

Nanatiling walang emosyon lamang ang lalaki na si Yulo. Nakapamulsa lamang ito at walang pakialam na tinititigan ang mga tagabaryo at ang nasusunog na mga bahay nito.

"He doesn't care but his wife do." Itinaas ni Yulo ang kanyang kamay, kaagad na mapapansin ang lumalabas na itim na miasma sa kamay nito. "She is a soft hearted one."

Napangiwi si Tanes dahil sa narinig. Naalala muli nito ang tingin ng Emperatris. Kung hindi niya lamang alam na ordinaryong tao ang asawa ng Emperador baka hanggang ngayon ay makaramdam siya ng takot.

Napabuntong hininga si Tanes. Itinaas niya din ang kanyang kamay. Umilaw ang kalahating parte ng kanyang braso kasabay ng pagpitik niya.

Napatawa siya ng makita ang panlalaki ng mga mata ng tagabaryo at kabalyero ng mahati ang inaapakan nito sa gitna. Halos mapuno naman ng sigaw ng mga tagabaryo ang buong lugar dahil sa takot. May dalawang bata pa ang muntik ng mahulog sa hati ng lupa, mabuti na lamang dahil natulungan ito ng mga kabalyero.

Balak pa sana na dagdagan ni Tanes ang pagkakahati ng lupa ngunit pinigilan diya ni Yulo.

"That's enough. We have to go now."

Binigyang sulyap muna ni Tanes si Yulo na ngayon ay nakatayo na sa may harap ng portal. Walang nagawa si Tanes kundi ang ibaba ang kamay at sumunod kay Yulo.

"Kayo na ang bahala dito."

Sumulpot bigla ang dalawang hidden guard. Yumuko ang dalawa. "Yes, my lord."

Hindi na nagsalita si Yulo. Nauna na itong pumasok sa portal habang sumunod naman si Tanes na ngayon ay nakasimangot.

Ang dalawang hidden guard naman ay tumingin sa nayon. Sumilay ang mapaglarong ngiti sa dalawa.

"Hindi naman siguro masama na dagdagan natin ang gulo, diba?"

Nagkatitigan muna ang dalawa. Kalaunan ay tumawa ang dalawa sa naisip and after that, they cast a spell sa buong nayon.

Dahil sa kagagawan ng dalawa, napalibutan ng barrier at spell ang buong lugar. Mas lalong napuno naman ng takot ang nararamdaman ng mga tagabaryo habang natatawa na lamang ang dalawa na may kagagawan ng spell at barrier.

Sa malaking puno naman ng kagubatan na nababalot ng miasma ay makikita ang dalawang pigura ng lalaki. Magara ang suot ng dalawa.

Malapit lamang ang sunod nilang destinasyon sa lugar na ito kaya ng makita nila ang kakaibang miasma ay napatigil sila.

"Your Majesty, this place is dangerous. We should go back." Usal ng lalaki na meroong hawak na espada.

Hindi naman nagsalita ang lalaki. Inilibot niya lamang ang kanyang paningin sa buong kagubatan at biglang napangiti ng may mahagip ang kanyang paningin.

"I see that you're doing well without." He whispered. "That hurt my feelings, wife."

Patuloy naman na tumatawa ang dalawa na hidden guard. Ang babae na gumawa ng magic circle sa itaas ng barrier ay liningon ang kanyang kasama ngunit nanlaki ang kanyang mata ng makita na meroong lalaki ang itinututok ang hawak nitong espada sa leeg ng kanyang kasamahan.

Hindi nila naramdaman ang presensya nito kaya nakaramdam siya ng takot.

"Why you-"

Hindi na natapos ng babae ang sasabihin ng maramdaman niya ang nakatutok sa kanyang likuran na dagger. Nanigas ang kanyang buong katawan lalo na ng maramdaman ang presensya ng babae.

"Bastard." Mariing anas ng kasamahan niyang lalaki sa dalawang tinututukan sila ng armas.

Walang naging reaksyon lamang ang dalawa na may armas. Muling nanlaki na lamang ang mata ng babae ng makaramdam ng isang matulis na bagay na pumasok sa kanyang may dibdib.

Tulalang natumba siya sa sahig ngunit bago pa man siya tuluyan mawalan ng paningin, nakita niya ang pagkaputol ng ulo ng kanyang kasamahan.

Sa terrace ng palasyo naman ng Garonia, makikita ang umiinom na tsaa na Emperatris. Mag isa lamang ito, hindi makikita ang parati nitong kasama na si Dawson at Amora.

Ibinaba niya ang hawak na baso. Tinitigan niya ang chess sa kanyang harapan. Kinuha niya Queen chess piece at tumayo sa pagkakaupo.

Lumapit siya sa dulo ng terrace at tinitigan ang Queen chess piece. Kung titigan siya ngayon ay walang makaalam sa kanyang iniisip. But one thing is for sure, she looks indifferent.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Walang pag aalinlangan na binitawan niya ang chess piece at tinitigan ang pagkahulog ng Queen chess piece mula sa terrace pababa sa lupa ng kastilyo, ng tuluyan naman itong tumama sa lupa ay nahati ito sa gitna.

Lumingon siya sa papasikat na araw. She hummed lightly and chuckled.

"Today will be a good day."

A Destructive Facade [Very Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon