Chapter VII

163K 5.1K 945
                                    

FRANZESS

IMBES na mapikon si Casspian sa sinabi niya ay bigla itong tumawa na animo nakarinig ng isang malaking joke.

"S–Sir Red—"

"Sorry, sorry," ani Casspian at saka nahihirapang huminto sa pagtawa. "I'm just kidding and you went overly possessive, Red," anito kay Red at para akong naguguluhan sa inaasta nila.

"I have no time to play with you, fucker. Let's get down to business," tila wala lang na wika ni Red, saka na siya lumakad patungo sa dressing room.

Naiwan ako kasama sina Casspian at Alas na may nakakalokong tingin sa akin.

"Sus! Napapabilib mo na 'ko, Franz!" ani Alas at saka pa ginulo ang buhok ko na lalong ikinataka ko.

"H–ha?"

"Ikaw lang ang tumagal na PA sa kaniya at ang matindi, napapasunod mo pa. Bumibilib na 'ko sa 'yo, maki-kiss talaga kita," sagot niya sa akin at ngumiti pa nang mas nakakaloko.

Naglakad palapit sa akin si Casspian at saka siya may inabot—sandwich.

"Eat first. The performance will be tiring and you have to watch over us," aniya at kinuha ko naman iyon kahit parang gulong-gulo ako sa iniikot ng mundo sa mga oras na ito.

"T–tungkol sa sinabi ni Sir Red—"

"Oh, no. Don't even think about it. You must really be an important person to him. He was always this possessive towards his worker and we appreciate him for doing that. No worries, no malice. I just asked," paliwanag sa akin nito at hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano.

Wala raw malisya samantalang wala silang kaalam-alam na puro malisya ang nagaganap sa pagitan namin ni Red habang nakatalikod sila.

Hindi ko alam kung anong pakulo ni Casspian pero totoong kinabahan ako sa iginawi niya.

Tinalikuran na nila ako ni Alas at tumungo sa loob ng van, marahil ay may nais kuhanin.

Kakaiba ang naging kabog ng dibdib ko kanina. Hindi ko inaasahan na ipagpipilitan pa rin ni Red ang nais niya kahit pa may mga walang hintong katok sa may van. Hindi ko talaga kayang ma-predict kung ano nga ba talaga ang itinatakbo ng utak niya.

Inayos ko lang sandali ang sarili ko bago ako sumunod sa kanila. Naabutan kong nagbibihis sina Red at Trayn ng mga isusuot nila kaya't agad akong tumalikod.

"Ito talaga si Franz, akala mo bago nang bago kapag ganito. Parang ang pangit-pangit ng mga katawan namin kapag bigla ka na lang tumatalikod. Iyong iba nga gusto kaming titigan ng hubad—"

"Shut your mouth, fucker," dinig kong putol ni Red kay Trayn at mabilis namang tumahimik ito. Hindi ko alam kung natakot ba siya kay Red o ano dahil hindi ko naman sila nakikita.

Nakamasid lang ako sa pader nang bigla na lamang may bumangga sa balikat ko at nang lingonin ko iyon ay nakita ko si Red na tila may ibinubuga na namang itim na awra.

"Follow me," anito at lumabas na ng dressing room kaya't agad akong sumunod sa kaniya.

Ang lalaki na naman ng mga hakbang niya kaya't wala akong choice kung hindi mas bilisan pa ang paglalakad ko.

Nakarating kami sa back stage ng venue na pagdarausan ng concert, saka niya ako biglang nilingon.

"M–may problema ba?" kinakabahang tanong ko.

Imbes na sagutin ako ay tiningnan niya lang ang kabuoan ko na para bang may tanong siya na gusto niyang sagutin ko kahit wala namang tanong.

Ang asul niyang mga mata ay tila mga yelo sa lamig na nagpapaginaw sa akin. Paraan pa lang ng pagtitig niya, alam ko na agad na mayroon na naman akong nagawang hindi maganda.

Debt and Pleasure [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon