Chapter VIII

161K 4.9K 1.3K
                                    

FRANZESS

KUNG puwede lang akong magpanggap na hinimatay ay ginagawa ko na para lang makaiwas ako sa dami ng taong narito ngayon at nasasaksihan ang ginagawa ni Red sa akin.

"R–Red."

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang siyang lumayo sa akin kasabay nang pagpapalit ng ritmo ng kanta na pinangunahan ni Casspian.

Hiyang-hiya ako sa nangyayari lalo pa nang magsimula siyang umawit ng panibagong kanta at narito pa rin ako sa ibabaw ng stage.

Sa sobrang hiya ko, tumalikod ako at bababa na sana sa hagdan nang bigla na lamang may humigit ng braso ko at saka ko naramdaman na hinapit na ako sa baywang ko.

Bakit mo naman ginagawa sa akin 'to, Red? Ayaw kong mahulog sa 'yo pero parang lalo mo 'kong dinadarang.

Natapos ang awitin at hindi na niya ako pinakawalan pa. Talagang sa buong kanta ay naroon ako sa stage kasama niya habang nagtitilian ang mga tao.

"Did you enjoy our song?" tanong niya mula sa mikropono at sabay-sabay na sumagot ang mga manonood.

"SANA AKO NA LANG 'YANG BABAE!" sigaw mula sa crowd at nakita kong tumawa si Red—pekeng tawa. Hindi siya ang tipo ng tao na mapapatawa mo.

"I would love to bring all of you here on stage, it just so happened that this woman caught my attention," anas niya sa mga tao at parang gusto ko lalong lumubog sa kahihiyan.

Nakakatakot na sa laki ng fanbase niya. Baka sa susunod na may makakita sa akin ay bigla na lamang akong sabunutan.

"Kidding aside folks, she's my personal assistant and I want to dedicate that song for her. She's been working too hard for me and I am really grateful for it," paliwanag niya at kung puwede lang maghugis puso ang mga mata ng mga kababaihan ay nangyari na dahil sa nakikita kong paghanga sa mga mata nila para kay Red.

"SANA PUWEDENG MAG-APPLY!" sigaw na naman mula sa audience.

"TAPAKAN MO 'KO SA LEEG, RED. AYOS NA AYOS LANG!"

"GUSTO KO RIN MAGING ASSISTANT! SANA ALL!"

Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan makababa ng stage. Dinala niya ako sa kinatatayuan ko kanina at bago niya ako tuluyang iniwan ay umumang siyang muli sa tainga ko at saka bumulong.

"Be thankful I didn't confess. We'll talk later, woman. For now, focus your eyes on me, and no one else but me," aniya at tuluyan nang tumalikod at naglakad patungo sa stage.

Mabilis akong napahawak sa dibdib ko dahil tila nais na nitong kumawala. Nagwawala ang puso ko at gustong humiyaw nang malakas na malakas.

Muli ay ibang kanta ang nangibabaw sa paligid ngunit ngayon ay ka-duet na niya si Casspian.

Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya . . . dahil baka kung anong himala na naman ang gawin niya at mawala na ako lalo sa sarili ko.

Madalas niya akong nililingon-lingon kahit pa pahapyaw lamang ang ginagawa niya. Alam ko naman na nag-che-check lang siya kung sa nasa kaniya ba talaga ang atensyon ko.

Madalas hindi ko na maintindihan si Red sa gusto niya pero dahil asawa ko siya, nandito pa rin ako para sa kaniya. Alam ko ring maraming nangangarap sa posisyon na mayroon ako.

"And I will always tell the world that you are my treasure, that you are precious, that you are my love, my one and only love. . . ." pagkanta niya sa huling liriko ng kanta, habang sa akin na naman nakadako ang mga mata niya.

How can I ever resist your eyes, Red Yvan Allen?

KASALUKUYAN kong tinutulungan si Nana Mela na magluto. Nag-request kasi ng ginataang tulingan si Red sa kaniya at sinabi ko kay Nana Mela na tutulong ako.

Debt and Pleasure [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon