Chapter XLIX

115K 3.6K 860
                                    

FRANZESS

NANGINGINIG ako habang pinaiikot–ikot ng doktor ang kung ano mang aparato na iyon sa tiyan ko. Pakiramdam ko ay parang masusuka na ako sa tindi ng kabang nararamdaman ko maging sa sobrang kalabog ng dibdib ko.

"Nag–test kit ka muna ba bago kayo nagpuntang mag–asawa rito?" tanong ng doktora sa akin na bahagyang may sungit sa pananalita.

Kaninang pagpasok namin ni Red dito sa clinic, ngiting–ngiti ang doktora, pero noong makita ako, para bang awtomatikong nalukot ang mukha niya. Mas lalo pang sumama ang timpla niya nang sabihin ni Red na asawa niya ako.

"H–hindi po, Ma'am. Na–excite po kasi ang asawa ko, kaya't agad kaming napapunta rito sa clinic ninyo," sagot ko sa kaniya at hindi ko alam kung bakit parang umiinit ang ulo ko at sinadya ko pang diinan ang salitang 'asawa ko'.

"Hindi ko naman inaangkin, hindi mo kailangan—"

"Hindi ko rin naman po balak ipamigay," putol ko sa kaniya, saka ko mabilis na tinapik ang kamay niyang nasa tiyan ko.

Mabilis kong pinunasan ang gel na nasa tiyan ko sa panyo na dala ko at saka ako tumayo. Hindi ko makontrol ang init ng ulo ko. Nakakapag–init siya ng ulo, sobra.

Nakita kong nagulantang siya sa inasta ko pero wala akong pakialam doon sa ngayon. Lumabas ako ng ultrasound room at nakita ko si Red na tila nananalangin dahil sa sobrang tahimik.

"W–what happened?" utal na tanong niya.

Ngumuso ako sa kaniya at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ang pangit–pangit niya pero gusto ko pa rin siyang titigan. "L–lipat tayo ng ibang clinic. Hindi ko gusto rito," ungot ko sa kaniya at nakita kong wala siyang ibang nagawa kung hindi ang tumango.

Bago kami tuluyang lumabas ng clinic ay nag–iwan siya ng lilibuhing mga pera sa lamesa ng doktor at saka na ako inalalayan na lumabas.

Nang makarating kami ng sasakyan ay hindi ko na hinintay na ipagbukas niya ako ng pinto. Ako na ang gumawa niyon dahil pakiramdam ko ay mabubulyawan ko siya kapag may ginawa pa siya para sa akin.

Kasalukuyan siyang nagmamaneho at ramdam ko ang ingat niya. Napakabagal ng takbo namin at tingin na tingin siya sa mga lubak sa daan.

"B–bakit mo binayaran ang doktor? G–gusto mo ba siya?" tanong ko at bigla siyang napapreno.

"Fuck it! I–I'm sorry! I'm sorry. Are you hurt? May masakit ba sa 'yo?" nag–aalala niyang tanong at mabilis niyang inalis ang seatbelt niya, saka dumulog sa akin.

Sinimangutan ko siya. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko at maging ako ay naiinis.

"N–nagulat ka ba kaya ka napapreno? G–gusto mo ba talaga siya?" masungit na wika ko sa kaniya at nakita ko kung paano siyang tila naguluhan sa mga itinuran ko.

Nagbuntonghininga siya at bumalik sa upuan niya. "Baby, you're all I want. I only paid her for her service and there's no other reason behind it. Did we leave because you think that I like her? Hell, no! Why are you getting mad and suspicious? Do you think that I would cheat on you?" paliwanag niya sa akin at hindi ko alam kung bakit parang gusto kong umiyak.

Ang arte-arte ko at ayaw ko nito. Kung buntis man ako, gusto kong maging mabuting asawa pa rin kay Red at hindi ganitong maarte na para bang kinukulang ako sa aruga at pagmamahal. Ayaw ko nitong nararamdaman kong kaartehan.

"H–hindi, kasi kapag niloko mo 'ko, tataguan kita ng anak," singhal ko sa kaniya, saka na ako pumaling sa bintana at hindi na siya pinansin.

Sorry, Red. Promise kapag hindi na mainit ulo ko, ako na ang maglalambing sa 'yo.

Debt and Pleasure [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon