Chapter XXXIII

119K 3.8K 855
                                    

FRANZESS

NASA kusina kami ngayon at siya ang nagluluto ng itatanghalian namin. Sinabi naman na ni Nana Mela sa kaniya na ito na lang ang gagawa ngunit nagpilit pa rin si Red.

Tinanong niya ako kanina matapos namin manggaling ng ospital kung anong gusto kong kainin at sinabi ko sa kaniya na gusto ko ng pininyahang manok.

Nakita ko siyang tila naluluha-luha na sa sibuyas na hinihiwa niya kaya't nagdesisyon na akong tulungan siya.

"Red, tutulungan na kita—"

"DON'T MOVE!" bigla niyang pigil sa akin at pinaningkitan ako ng mga mata. "I am doing this for you and for my child. I am trying to be the best husband and dad here," seryoso niyang turan at pinagpatuloy ang paghihiwa.

Hindi ko napigilan ang mapangiti sa narinig ko buhat sa kaniya. Kitang-kita ko kung paanong effort ang gusto niyang gawin para sa amin ng anak niya.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumakad patungo sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit, pero ang lakas ng loob ko na kuhanin sa kaniya ang kutsilyo at inilapag iyon sa gilid bago ako lumusot para mapunta sa pagitan ng mga braso niya.

Sentrong-sentro ako ngayon at tila namamangha siya na nakatingin sa akin.

Anak, ito na naman ang nakakalusaw na tingin ng Daddy mo. Ang sarap-sarap talagang magpaalipin sa kaniya kapag ganito.

"What are you doing, Mrs. Allen?" aniya sa akin at may maliit na ngisi ang sumilay sa mga labi niya.

Parang umurong yata ang dila ko at hindi ko makapa ang dapat na isagot ko sa kaniya.

Yumukod siya para pagtapatin ang mga mukha namin kaya't tila lalo na akong naubusan ng dapat na sasabihin. Nakakaurong yata talaga siya ng dila kahit na saang anggulo. Itong asul niyang mga mata, parang gusto na naman akong paibigin hanggang sa wala nang matira sa akin.

"Are you teasing me? Or are you trying to seduce me with your pregnancy?" aniya nang nakakaloko at kulang na lamang ay magtama na ang tungki ng mga ilong namin.

"H–hindi naman," utal na pagtanggi ko sa kaniya. "Gusto ko lang naman sabihin na kahit na ano pang gawin mo o kahit na wala ka pang gawin, ikaw pa rin ang the best husband and the best daddy para sa amin ng anak mo—"

Bigla na lamang niyang ginawaran ng mabilis na halik ang mga labi ko kaya't napahinto ako sa pagsasalita. Nagulat man ako sa ginawa niya ay hindi ko ipinahalata pero itong biglang pamumula ng pisngi ko ang siyang nagpahamak sa akin.

"Stop blushing, baby. You're getting sexier," bulong niya at muli na naman akong tinitigan sa mga mata.

Nakakalusaw talaga at gusto ko na lang siyang hatakin papasok ng kuwarto at titigan siya maghapon. May saplot man o wala. Maybe it was the hormones thinking about that 'sexy thing' but I was not sorry.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil may ngiti na nais kumawala mula sa akin ay ayaw ko sanang makita niya na kinikilig ako—kahit iyon naman ang totoo.

"B–basta hindi mo na kailangan pang mag-effort nang ganito. Hindi mo kailangan magpakapagod para lang masabi mo na the best husband and daddy ka. S–sa paraan pa lang naman ng pag-aalaga mo sa akin mula noon hanggang ngayon, sapat na sapat na 'yon—"

"I don't want to be just enough for you and for our child, Mrs. Allen. I want to be more than enough for this family. Handa kong ibigay lahat sa inyo, for you two are my family now," putol niyang muli sa akin at kinabig ako, saka niyakap nang mahigpit.

Ang gaan at ang sarap sa pakiramdam. Para akong idinuduyan ng mga bisig niya, maging ng mga salita mula sa kaniya.

Ang marinig na pamilya na kami ay parang nagbibigay sa akin nang mas nakahihigit pang saya. Hindi ko inakala na ang pagbubuntis ko ang kukumpleto sa amin; ang magdudulot sa aming dalawa ng iba pang kahulugan ng salitang saya.

Debt and Pleasure [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon