Panimula

278 10 1
                                    

Year 2036

"GIA!" narinig kong tawag ni Auntie Crissa sa akin mula sa kan'yang silid.

"Ano 'yon, Auntie?" turan ko na hinihingal pa dahil sa pagkakatakbo mula sa unang palapag.

"Nakita mo ba iyong talaarawan ko?" namumula ang mga matang tanong niya.

Anim na taong gulang ako nang mamatay si Mama dahil nasaksak ng kasamahan niya sa opisina na kan'yang pinagtatrabahoan kaya kaming dalawa nalang ni Auntie ang magkasama. Hindi ko rin kilala kung sino ang aking ama. Ang sabi lang sa akin ni Auntie, hindi raw pinanagutan ng ama ko si Mama. Wala akong ibang kinikilalang pamilya bukod kay Auntie Crissa na siyang tumayo bilang aking ina magmula no'ng mamatay si Mama. Hindi na rin siya nakapag-asawa dahil sa 'kin. Mas itinuon niya lang pag-aalaga at pagpapalaki sa akin kaya nawalan na siya ng panahon para bumuo naman ng sarili niyang pamilya. Nagi-guilty tuloy ako.

"Po? Anong talaarawan?"

"Iyong kulay asul na talaarawan ko, nakita mo ba?" tanong niya ulit habang tumutulo na ang kan'yang masaganang luha. "Hindi 'yon p'wedeng mawala! Hindi!"

Natataranta naman akong napalapit sa kan'ya. Ganoon ba talaga ka-importante ang talaarawan na iyon para iyakan niya ng ganito?

Five years ago, na diagnose si Auntie ng alzheimer's disease. Hindi pa naman ganoon ka-tanda si Auntie, matanda lang siya kay Mama ng isang taon. She's only in her late 40's kaya sabi ng doktor bihira lang ang mga taong nagkakaroon ng alzheimer sa gan'yang edad. Pinagpasalamat ko nalang dahil kahit papaano hindi niya ako nakalimutan. Naaalala niya pa rin ako. Madalas nga lang siyang nagtatanong sa mga bagay-bagay na siya rin mismo ang nagkwento sa 'kin dati gaya ng kung sino ang mga magulang ko, bakit hindi pa umuuwi ang kapatid niyang si Cristy. Nagiging emosyonal na rin siya kaya madalas ang pag iyak niya sa hindi ko malaman na dahilan.

"Hanapin mo 'yon Gia! Hindi 'yon p'wedeng mawala sa akin!" pagsusumamo niya habang yakap ako.

"Oo, Auntie. Hahanapin ko 'yon baka nandito lang 'yon sa loob ng kuwarto mo kaya tahan ka na, ha?"

Marahan kong hinahagod ang kan'yang likod upang patahanin siya. Maya-maya lang ay marahas siyang lumayo sa 'kin at wala nang kahit na bahid ng kalungkutan ang kan'yang mga matang nakatingin sa akin.

"Bakit mo ba ako niyayakap ha, Gia? 'Di ba may trabaho ka pa? Naku! Baka mahuli ka! Sige na umalis ka na. Ako na bahala rito sa bahay," sabi niya habang tinutulak na ako palabas ng silid.

Wala na akong nagawa kundi ang umalis na at pumasok sa trabaho. Isa akong guro sa isang pampublikong paaralan dito sa aming bayan. Sapilitan ko pang kinausap ang principal ng sk'welahang iyon para makapasok doon dahil hindi puwedeng sa ibang paaralan ako madestino dahil sa kalagayan ni Auntie, hindi ko siya pupuwedeng iwan.

Pagkapasok ko sa loob ng aking kotse ay kaagad kong tinawagan ang ini-hire kong nurse para magbantay kay Auntie habang nasa trabaho ako.

Paalis na ako nang marinig ko ang boses ni Auntie. Nakadungaw siya ngayon sa terasa ng kan'yang silid habang nakangiting kumakaway sa 'kin.

"Mag-iingat ka, anak!" parang bata na aniya na ikinangiti ko nalang bago pinaandar papalayo ang sasakyan.

---

ALAS SINGKO na ng hapon nang makauwi ako galing sa sk'welahan. Pagkapasok ko palang sa loob narinig ko na naman ang pagsigaw ni Auntie mula sa taas.

"Bakit ba kasi hindi mo mahanap ang talaarawan ko?! Hanapin mo! Ano ba?!"

Dali-dali akong napasugod papunta sa taas. Ilang beses na rin kaming papalit-palit ng nurse dahil sinasaktan lang ang mga ito ni Auntie kaya nagre-resign agad ang mga ito kinabukasan. Tanging si Teri lang ang umabot ng isang linggo.

"Teri?"

Pareho silang napatingin sa 'kin. Si Auntie na hilam ang mga mata sa luha at si Teri na parang nagpapakiusap.

"Ma'am, kanina niya pa po hinahanap sa 'kin ang kan'yang talaarawan ngunit hindi ko naman po mahanap dito sa loob ng k'warto," sabi ni Teri na nagbabadyang umiyak.

Naiintriga na ako sa diary na 'yan, ha?

"Maaari ka ng umuwi, Teri. Ako nang bahala kay Auntie,"

Pagkasabi ko niyon ay agad na tumango si Teri at tumalikod na sa 'min. Napabaling ako kay Auntie na ngayon ay lugmok na lugmok na nakaupo sa kama.

"O, andito ka na pala Gia!" bigla na namang nagbago ang ekspresyon niya nang mapatingin sa 'kin. "Halika, kumain ka na. Nagluto ako ng paborito mo!"

Hinayaan ko nalang siyang hilahin ako papuntang kusina. Agad siyang kumuha ng pinggan at inilapag iyon sa lamesa.

"Bakit nakasupot na itong ulam? Andito lang 'to sa tupperware kanina, ah?" naguguluhan niyang ani habang nakatingin sa supot ng ulam na binili ko kanina sa may kanto. "Ah, baka isinilid ko lang talaga 'to dito kanina,"

Sabay kaming naghapunan. Hindi naman natigil si Auntie sa pagkuk'wento na ilang ulit na rin niyang nasabi sa akin pero walang sawa ko pa rin iyong pinakinggan. Pagkatapos ko siyang painumin ng gamot ay agad ko na siyang pinatulog.

---

MAG-A-ALAS NUWEBE na ng gabi nang maisipan kung pumasok sa library ni Auntie. Noong mga kabataan niya pa, mahilig daw talaga siyang magbasa at magsulat ng k'wento. Marami na rin siyang naisulat na k'wento pero hindi pa nailimbag. Nanatili lamang ang mga ito sa isang kuwaderno na niluma na ng panahon.

Napatigil ako sa pag tingin-tingin ng mga aklat nang mapansin ko ang isang kulay asul na kuwaderno sa may gilid. Binalot na ito ng alikabok.

My diary.

Iyon ang nakasulat sa front page. Ito na kaya ang hinahanap na talaarawan ni Auntie? At ano naman kaya ang nilalaman nito at ganoon nalang ito ka-importante sa kan'ya?

~~~

A/N: Votes and comments are highly appreciated! Thank you!

Pages Of Love | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon