Ikasampung Pahina

38 5 0
                                    

December 25, 2008
12:05 a.m

Dear Diary,

Merry Christmas! At exactly 12:00 m.n., tinawagan ako ni Clay para batiin ng maligayang pasko. Gan'yan naman talaga siguro kapag magkaibigan 'di ba? Nagbabatian. Pero bakit mas nauna niya pa akong batiin kaysa kay Cristy na nililigawan niya?

Crissa

***

January 1, 2009
12:10

Dear Diary,

Happy New Year! Gaya no'ng pasko ay ako pa rin ang inuna niyang batiin pagpatak ng 12:00 m.n. Hindi naman sa umaasa ako pero kasi nakakapanghinala na! Nababaliw na naman ako! Pero baka, may mga gan'yang instances lang siguro, 'no? Na mas mahalaga ang kaibigan kaysa sa nililigawan? Isa pa, baka ako lang din talaga 'tong assumera. Haaay!

Crissa

***

February 13, 2008
7:18 p.m

Dear Diary,

Araw na ng mga puso bukas. At dahil sabado bukas at walang pasok, ngayon naisipan ng mga student council na i-celebrate ang araw ng mga puso. Sobrang saya nga ng mga estud'yante maliban sa 'ming mga nasa ikaapat na taon dahil marami kaming kailangan na ipapasang proyekto, lalong-lalo na ang papel pananaliksik para maka-graduate kami.

Nagtipon-tipon kaming lahat sa quadrangle para sa maliit na program na isinagawa ng mga student council at pagkatapos no'n, isa-isa nila kaming binigyan ng mga putol na puso. Iyon ang pakulo nila. Hahanapin namin ang kapares no'ng puso na hawak namin. Kung naging mag partner ang isang babae at lalaki, ay siyang tatanghaling panalo kaya na-excite ang lahat sa paghahanap sa kanilang kapares.

***

"KAINIS naman, eh!" reklamo ni Jenny nang hindi niya pa rin mahanap ang kapares niya.

Ilang ulit na rin kasi kaming nag-ikot dito sa quadrangle pero wala talagang nagma-match sa 'min. 'Yong iba naman naming kaklase ay dismayado nang malaman na kasing kasarian lang rin nila ang naging kabiyak sa kanilang puso. Pffft.

Pages Of Love | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon