Ika-22 Pahina

53 5 0
                                    

BAWAT hakbang ko papasok sa loob ay ibang kaba ang hatid niyon sa aking didbdib sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Pakiramdam ko hindi lang basta kamag-anak ang naghihintay sa loob at parang may kutob na ako kung sino pero ayaw kong umasa na magiging tama ang aking hinala.

Naabutan ko ang likod ng isang matikas na lalaki pagkapasok ko sa loob. Tumitingin-tingin siya sa mga pictures namin ni Auntie na nasa isang hilera lang ng divider.

Likod palang ang nakikita ko pero pakiramdam ko konektado na ang aming dugo. Pinipigilan ko ang pag usbong ng kakaibang emos'yon sa akin. Bahagya akong tumikhim dahilan upang gulat niyang maibaba ang hawak na picture frame at humarap sa 'kin.

"S-Sino ho sila?"

Gusto kong kumpirmahin kung siya nga ba ito at hindi mali itong nararamdaman kong lukso ng dugo.

"Clay... Clay Villaclaros. Nandito ba si Crissa? Maaari ko ba siyang makausap?"

Nanatili akong nakatayo habang nakatitig sa kan'ya. Sinenyasan ko si Teri na iwan muna kami na kaagad namang ginawa ng babae. Doon tuluyang tumulo ang luha ko. Nagtataka niya akong tiningnan kaya pilit ko rin iyong pinahiran pero ayaw talaga nitong paawat dahil sa umaapaw na emos'yon na nararamdaman ko ngayon.

"P-Pa..."

Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko dahil hindi na talaga mapigil ang luha ko.

Nawala ang ngiti sa kan'yang mga labi at seryosong tumitig sa 'kin. Bago pa siya makapagsalita muli ay patakbo na akong lumapit sa kan'ya at niyakap siya. Ramdam ko ang pagkagulat niya.

"Kaya ko pong patunayan na anak niyo ko---"

"Hindi na kailangan... anak ko," putol niya sa sinasabi ko.

Lalo akong napahikbi nang yakapin niya rin ako pabalik ng mahigpit. Ganito pala kasarap sa pakiramdam na may matatawag kang 'Papa'.

"Hindi ko akalain na kikilalanin mo pa rin ako bilang iyong ama sa kabila nang ginawa kong pagtalikod sa responsibilidad ko sa inyo... patawad anak,"

Kumalas ako mula sa kan'yang pagkakayakap at tumingin ng diretso sa mga mata niya.

"Naiintindihan ko po ang desis'yon ninyong iyon,"

"Maraming salamat!" lumuluhang aniya.

Matapos ang pag uusap na iyon ay sabay na naming tinungo ang silid ni Auntie.

"Sino ang may sakit? Bakit may nurse rito kanina?" tanong ni Papa nang makarating na kami sa tapat ng k'warto ni Auntie.

Sasagot na sana ako pero pareho kaming natigilan nang marinig mula sa loob ng k'warto ang isang tila pamilyar sa akin na kanta. Napansin ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Papa saka siya na ang nagbukas ng pinto niyon.

"You gave me a meaning to my life~"

Boses kaagad ni Auntie na sumasabay sa kanta ang sumalubong sa 'min. Nakaharap siya sa kan'yang terasa habang nakaupo sa wheelchair. Sa bawat araw na nagdaan, unti-unting nababawasan ang kan'yang timbang. Nahihirapan na rin siyang tumayo kaya kinailangan na niyang mag wheelchair.

Nakatalikod siya sa 'min kaya hindi niya napansin ang aming pagpasok dahil na rin sa lakas ng kan'yang pagpapatugtog. Kaya pala palagi ko siyang naririnig na kinakanta ang kantang ito.

Nagtatanong ang mga matang bumaling sa 'kin si Papa. Alam kong may namumuo ng konklusiyon sa kan'yang isipan at naghihintay lang ng kumpirmasyon.

"Si Auntie po ang may sakit,"

Hindi ko pa nasasabi pero sumisikip na naman ang dibdib ko.

"Brain cancer, stage 4."

Pagkasabi ko niyon ay agad siyang naglakad sa kinaroroonan ni Auntie.

Pages Of Love | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon