October 19, 2011
7:33 p.mDear Diary,
Sa loob ng isang linggo, naging magulo ang araw-araw na pagpasok ko sa unibersidad dahil lagi akong inaabangan ni Clay para makausap ako pero hindi iyon hinahayaang mangyari ni Jenny na ipinagpasalamat ko naman dahil hindi ko pa kayang pakinggan ang mga paliwanag niya, at kung pakikinggan ko man, may magbabago ba? Wala. Hindi na rin siya magiging akin muli.
Mabilis kumalat ang pangyayaring iyon sa buong unibersidad kaya hindi na ako nagtaka ng pagpasok ko isang araw, nakakaawang tingin ang ibinabato ng ilang estud'yante sa 'kin. Hindi ko na rin nakita pang pumasok si Cristy. Hindi ko nga alam kung nasa probins'ya pa rin ba siya ngayon dahil hindi na siya kailanman umuwi sa apartment. O baka nga nasa bahay na siya nila Clay tumutuloy. Nitong nakaraang araw ay panay ang pagtawag niya sa telepono ko pero mas pinili kong h'wag iyong sagutin dahil hindi ko alam kung anong masasakit na salita ang masabi ko sa kan'ya at makasama pa sa kalagayan niya.
Funny. Iniisip ko pa rin ang kapakanan niya at ng anak nila Clay. Anak. Parang tinusok ng maraming karayom ang lalamunan ko. Hanggang ngayon, ang hirap pa rin tanggapin na magkakaanak na sila. Na magiging isang pamilya na sila. Pamilya na magkasama naming binuo sa pangarap pero sa iba niya kasamang matutupad.
***
NAKAPIKIT kong dinama ang sariwang hangin na tumatama sa aking balat. Nakaupo ako ngayon dito sa damuhan ng pinakatagong bakuran ng unibersidad.
Kakatapos ko lang mananghalian ng mag isa dahil busy sina Jenny at Marky kaya hindi kami nagkasabay ngayon.
Mangilan-ngilan lang mga estud'yanteng pumupunta rito kaya nakaka relax ng utak ang manatili rito. Alas dos pa naman ang sunod kong klase kay tatambay na muna ako rito. Kasabay ng muling pag ihip ng hangin, ay siyang pag ugong ng isang kanta sa aking suot na headset.
~ You gave me a reason for my being
And I love what I'm feeling
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
BINABASA MO ANG
Pages Of Love | ✓
Teen Fiction"In life, there are things that we can call our own temporarily only because they are meant to be owned by someone else permanently," - Crissa Del Mundo --- Pages Of Love Date Started: June 29, 2021 Date Finished: September 3, 2021 #1 in talaarawan...