Ika-21 Pahina

42 4 0
                                    

NANGINGINIG ang mga kamay na nagtungo ako sa opisina ng doktor ni Auntie. Nasa isang private room na siya ngayon at nagpapahinga. Mabuti nalang at agad ko siyang nadala sa ospital kanina.

Kumatok ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok. Naabutan ko ang doktor niya na may pinipirmahang mga dokumento. Bahagya akong napangiti nang maalala na minsan na rin itong nabanggit ni Auntie sa kan'yang talaarawan, si Dr. Vin Villaclaros.

"Yes, Gia?" nakangiti niyang lingon sa 'kin.

"Ano po ba talaga ang totoong sakit ni Auntie, Doc?"

Nagulat siya sa diretso kong pagtatanong. Napagtanto ko lang kasi na kung Alzheimers ang sakit ni Auntie, bakit sumusuka siya ng dugo?

"Gusto kong irespeto ang desis'yon ni Crissa pero mukhang kailangan mo ng malaman ang totoo, Gia, na hindi Alzheimers ang sakit niya."

Parang binomba ang puso ko sa narinig.

"Brain cancer, stage 4."

Wala akong magawa kundi ang mapatakip nalang ng bibig at tahimik na humikbi.

"Ayaw niyang ipaalam iyon sa iyo, pero ngayon na lumalala na ang kalagayan niya, hindi ko na kayang itago pa iyon sa 'yo."

"M-May chance pa po ba na makaka recover siya?"

Malungkot niya akong tiningnan.

"Actually, we can have a surgery pero dahil sa sobrang kalat na sa buong brain cells niya ang cancer, mahihirapan tayong gawin iyon dahil maaari niya rin iyong ikamatay. Sa totoo lang, five years ago ko pa siyang sinabihan na mag undergo ng surgery dahil hindi pa mas'yadong kalat ang cancer sa utak niya pero siya ang may ayaw dahil malaki ang posibilidad na magkaka amnesia siya after ng surgery,"

"S-She'll live l-longer, r-right?"

Ewan, pero parang ayokong marinig ang isasagot ni Doc Vin sa tanong kong iyon.

"She only have a month or two,"

Diyos ko!

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahikbi ng malakas sa loob ng opisina ni Doc. Bakit ba kasi hindi niya iyon sinabi agad habang maaga pa? Ayaw na ayaw niya talagang pinag aalala ako kaya siguro hindi niya ipinaalam sa 'kin ang totoong kalagayan niya.

Naramdaman ko ang marahang pagyakap ni Doc Vin sa 'kin or should I say, Tito Vin? Dahil pinsan siya ng Papa ko. Alam niya kung sino ang totoo kong ama pero ni minsan hindi niya rin iyon nabanggit sa akin.

"All we can do right now is to pray for a miracle," sabi niya nang humiwalay na siya sa pagyakap sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya at nagmamakaawa ang mga matang tumingin sa kan'ya. "Please save her... Tito,"

Gulat siyang napatitig sa 'kin pabalik.

"You're calling me 'Tito'?"

"Why? Am I not allowed to call you that? When in fact, you're the cousin of my father?"

Nagulat siyang muli sa sinabi ko. "Y-You... Y-You already knew? She told you?"

"No. I just accidentally read everything in her diary,"

Sandali siyang natigilan. Sa isang iglap lang nasa mga bisig niya ulit ako at niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry, kung itinago namin iyon sa 'yo,"

Pages Of Love | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon