Ika-11 Pahina

40 4 0
                                    

MATAPOS ang araw na iyon ay hindi na kami muling nagkausap ni Clay. Halatang iniiwasan ang isa't-isa dahil maski sa loob ng klase, kahit magkatabi kami ay hindi kami nag iimikan. Hindi na siya sumasama sa 'min nina Jenny at Marky.

Magiging sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako apektado. Sa bawat araw'ng nagdaan, inakala kong unti-unti ko ring makakalimutan itong nararamdaman ko para sa kan'ya pero mukhang mali ako dahil mas lalo lang itong lumalim pa.

Naging mailap na siya sa 'kin maging kay Cristy. Halos gabi-gabi siyang umiiyak dito sa k'warto ko dahil nasasaktan siya sa pag-iwas ni Clay sa kan'ya pero wala akong magawa dahil pareho lang rin kaming nasasaktan. Ang kaibahan nga lang ay hindi niya alam ang totoong nararamdaman ko para sa lalaking nagugustuhan niya.

"Crissa,"

Napalingon ako kay Chito nang tawagin niya ako paglabas ng classroom.

"Totoo bang binasted mo si Clay?" mahina at hindi makapaniwalang tanong niya.

Kalat na kalat na rin ngayon sa buong esk'welahan ang isyung iyan kahit pa isang buwan na ang nakakaraan.

"Hindi naman siya nanligaw,"

"Pero tinakbuhan mo siya. Akala ko ba siya ang gusto mo? Kaya nga nag give way ako, eh."

"Gusto siya ni Cristy,"

"Ano naman ngayon?"

"Ayokong pag awayan namin 'yon,"

Totoo, ilang beses na ring siniguro ni Cristy kung may gusto rin ba ako kay Clay pero ilang beses ko na rin iyong itinanggi. Oo na't nakaramdam ako ng kaunting suklam sa kan'ya no'ng mga panahong harap-harapan niyang ipinapakita ang motibo niya kay Clay pero hindi naman iyon matibay na rason para maging makasarili ako. Magkapatid kami at ayokong mag away kami dahil lang sa isang lalaki.

"Hahayaan mo nalang na panggitnaan niya kayo? Hindi naman pagiging selfish kung sasabihin mo ang nararamdaman mo para kay Clay, Crissa."

"Kaya ko namang talikuran itong nararamdaman ko para sa kan'ya kaysa sa pagmamahal ko sa kapatid ko, Chito. At sana h'wag mong sabihin ito kay Clay," pakikiusap ko pa sa kan'ya dahil sa kan'ya sumasama ngayon ang lalaki.

Nag iwas siya ng tingin saka bumuntong hininga bago ako muling tiningnan.

"Okay,"

Napangiti nalang ako sa tinuran niya. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan ko siya.

"Sana nga lang hindi mo pagsisihan iyan," aniya saka ako tinalikuran at naglakad na papunta sa ground para sa graduation practice namin na gaganapin na next week.

Wala naman akong dapat na pagsisihan. Wala nga ba?

Naglakad na ako papunta sa p'westo ko na katabi lang ng kay Jenny nang mahagip ng mga mata ko si Clay na nakatingin pala sa 'kin. Parang bumalik kami sa dati, 'yong tipong panaka-naka niya lang akong titigan.

Batid niya rin kaya ang nararamdaman ko para sa kan'ya?

Ako na ang kusang nag iwas ng tingin at tuluyang lumapit kay Jenny.

---

LUMIPAS ang mga araw at dumating na nga ang pinakahihintay naming araw---ang araw ng aming pagtatapos. Hindi ko nga inaasahan na uuwi pala si Papa ng walang pasabi. Sinad'ya niya raw iyon para sorpresahin ako.

"Saan ka ba magko-kolehiyo, ha?" umiiyak na tanong ni Jenny habang yakap niya kaming dalawa ni Marky.

Actually, last week pa siya nagda-drama.

"Sa Maynila,"

Kung ako lang ang papipiliin, mas gusto kong dito nalang mag aral ng kolehiyo. May kolehiyo naman kasi rito sa lugar namin, hindi nga lang in-offer dito ang kursong gusto ko pero marami pa rin namang mapagpipiliang maganda. Kaso, mas gusto talaga ni Papa na sa Maynila kami magkolehiyo ni Cristy.

Pages Of Love | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon