Chapter I

24 6 2
                                    

May mga bilugang mata, matangos na ilong, maninipis na labi, at height na katamtaman lang - sapat na para makahatak ng mga babae. Ito ang katangian ng lalaking gusto ni Apple - mga katangian na sa iisang lalaki lang niya nakikita - kay Xian Samson.

Perpekto na sana ang lahat dito, lamang ay taken na ito. Oo, taken na ito. Nakaka-dismaya man pero ito ang katotohanan.

And worst, ito lang naman ang long-time boyfriend ng kaibigan niyang si Marshella. Matagal nang magkarelasyon ang mga ito, way back high school days pa nila. Sa nakikita niya ay mahal na mahal ng mga ito ang isa't-isa - or so she thought about that.

"Matunaw aba." Naramdaman niya ang siko ng katabi sa tagiliran niya.

Noon pa lamang siya napukaw sa pantasya niya sa lalaking kaharap. Tumingin siya sa katabing kaibigan. Si Eve, ang isa pang kaibigan niya na bukod tanging pinagsasabihan niya ng sikreto.

Hindi naman sa hindi siya nagtitiwala kay Marshella, sadyang may mga sikreto lang na dapat ay kaunti ang nakaka-alam.

Tatlo silang magkakaibigan na matagal nang magkakakilala. Elementary days pa nga lang nila ay magkakakilala na sila. Sila ang THE GREAT THREE na hindi nawawala sa kulelat na section. Simula yata grade one hanggang grade six ay hindi sila nahiwalay sa isa't-isa.

Parehas din sila na pinasukang high school. Dito ay nagkahiwa-hiwalay na sila ng section. Napunta kasi si Marshella sa mataas na section. Habang si Eve ay nasa katamtaman lang. At siya? As usual, nasa lower section. Magkagayonman, ay hindi nawala ang koneksyon nila.

It was on their first year high school when Marshella introduced her third year boyfriend. Iyon ay si Xian. Section one ito at aktibo sa mga extra-curricular activities. Di rin naman niya masisisi si Xian kung bakit nagustuhan ang kaibigan. Masasabi niyang nag-glow up ang kaibigan na si Marshella nang matuto itong mag-ayos. Nagsimula itong lumaban sa UN Pageant. Dito yata ito unang nakita ng lalaki.

Aaminin niya na una pa lang ay medyo humahanga na siya sa lalaki. Alam niya na bago pa ito mapansin ni Marshella ay siya na ang unang nakapansin sa dito. Sadyang di lang siya nito napansin.

Paano nga ba siya nito mapapansin? Lower section siya. Means na hindi ganoong katalino ang utak niya. At nakakainis pa na hindi rin siya pinagpala ng kagandahan. Although may mga nagsasabi na cute siya at masayang kasama, aminado naman siya na hanggang pang-kaibigan lang talaga siya.

"Sorry naman. Naaliw eh," mahinang wika niya kay Eve.

Nang makapagtapos ng kolehiyo ay tumahak na rin sila ng kanya-kanyang landas. Nabalitaan niya na naging F&B Manager si Mashella sa isang sikat na hotel habang isang Digital Marketing Manager naman si Xian sa pagawaan ng kilalang gadgets. Si Eve naman ay isang Payroll Officer sa isang kompanyang gumagawa ng chandelier. At siya? Nakuha lang naman niya ang posisyon ng isang Quality Assurance Head Supervisor sa isang pagawaan ng plastik. Ito ay pagmamay-ari ng pamilyang matalik na kaibigan ng ina niya - ang mga Andrade.

Naging praktikal siya nang mag-offer ang ninang niya na si Lilia Andrade, bestfriend ng ina niya na si Susan, na mag-trabaho sa kompanya nila. Kilala ang mga Andrade sa pagiging metikuluso sa mga tauhan. Kaya naman bago pa makapasok ni kahit isang production worker ay salang-sala talaga.

Natutuwa siya dahil isa siya sa nabigyan ng pagkakataon na pagkatiwalaan ng mga ito. Trainee pa lang ay nagpakita na siya ng gilas. Kung performance consistency lang naman kasi ang pag-uusapan ay maaasahan siya.

"Tikman mo 'to, baby." Nauntag siya sa boses ni Marshella. May hawak itong kutsara na may laman na dessert at ipinapasubo kay Xian.

Minsan pang napatingin si Xian sa kanya, pagdaka'y kay Eve.

Falling AppleTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang