Chapter IX

3 1 0
                                    

Wala sa tabi niya si Lance nang magmulat si Apple ng mga mata. Kinapa niya ang gilid habang nakapikit. Inaantok pa kasi siya. Maaga kasi siyang nagigising palagi para sa pagpasok kaya naman ang pagod na dinulot ng ginawa nila ng lalaki ay nakapagpa-antok sa kanya.

Sa kabila nang masakit na ibabang bahagi ng katawan niya ay ang hindi niya malilimutan na karanasan. Ngayong araw, masasabi niya na ganap na siyang dalaga. Kailangan na niyang matutong mag-ayos para kay Lance.

Tuluyan na nga siyang dumilat ng mga mata at sinilip ang lalaki. Wala ito sa tabi niya. Subalit naririnig niya ang lagaslas ng shower sa c.r. Marahil ang lalaki iyon na naglilinis.

Marahan siyang umupo. Minsan pang sinilip niya ang ibaba niya na natatalukbungan ng kumot. Bakas ang dugo sa mga hita niya at sa kama.

"That might hurt for now but it will fade eventually."

Napaitlag pa siya nang biglang magsalita si Lance. Kakalabas lang nito mula sa c.r. Nakasuot lamang ito ng bathrobe at kasalukuyang nagpupunas ng ulo.

Naalala niya bigla ang ina. Sinipat niya ang oras. Alas-otso na pala ng gabi. Tiyak na hinahanap na siya ng ina.

Hindi nga siya nagkamali nang tignan ang cellphone at makita ang puro text messages at missed calls ng ina.

"Kailangan ko nang umuwi," natataranta niyang wika na hinaklot ang kumot at pinulupot sa katawan niya pagdaka'y umahon sa kama at isa-isang pinulot ang mga nagkalat na damit. "Paligo ah?" Hindi na niya hinintay ang lalaki na sumagot pagdaka'y dumiretso na sa c.r.

Base sa text messages ng ina ay nagagalit na ito. Marahil ay wala itong kasabay kumain ng hapunan. Inaasahan na niya ang sermon nito pagdating. Mahigpit kasi ang ina pagdating sa oras ng pag-uwi niya. Tinitiyak nito na bahay-eskwela lamang siya.

Nang makapaglinis, naabutan pa niya si Lance na nagtatanggal ng mga bedsheet na namantsahan ng dugo at inilalagay sa hamper.

"Sorry kung nadumihan ko 'yan," aniya.

Tumigil ito sa ginagawa pagdaka'y umahon mula sa pagkakayuko. Tumungo ito papunta sa kanya. Tumigil lamang ito ilang pulgada ang layo sa kanya.

Halos habulin niya ang hininga gaya ng paghabol niya sa bilis ng tibok ng puso niya.

Sa pagkakatanda niya ay nagmamadali siya, pero bakit  kapag malapit ang lalaki sa kanya ay tila hawak niya ang lahat ng oras?

Nakatingin ng puno ng kaseryosahan ang lalaki sa kanya na tila siya lang ang maganda sa paningin nito. At syempre, nag-iimagine lang siya sa bagay na iyon.

Hindi niya mabatid pero tila nararamdaman niya na ayaw pa siyang paalisin ng lalaki. Ayaw naman niyang mag-assume. At isa pa, kung hihilingin ng lalaki na manatili siya dito ay kailangan niyang tumanggi. Mas importange sa kanya ang galit ng ina kaysa sa saglit na kaligayahan.

Hinaplos ng isang kamay nito ang pisngi niya. "Okay ka lang?" tanong nito.

Tumango siya. "Medyo masakit," sagot niya.

Tumawa ito ng tahimik. "Sa una lang 'yan. When we do it on second time, you'll crave for more." Kumindat ito sa kanya pagdaka'y kinintalan siya ng saglit na halik sa labi. Muli itong bumalik sa pag-aayos ng kama.

"Second time?" tanong niya. Aaminin niya na masakit naman talaga ang pagpasok nito sa kanya pero nawala din naman agad ito ng bandang kalagitnaan.

"Yes, we will do it many times in the future," anito na hindi na nag-abala pa na tumingin sa kanya.

Hindi niya naiwasang mamula. Normal lang ba na makaramdam ng ganito? Kakatapos lang nila pero nais niya agad gawin ang ikalawa.

"Dry your hair first while waiting for me. Magtataka si Tita Susan kung bakit basa ang buhok mo. Ihahatid na kita," anito.

Falling AppleWhere stories live. Discover now