Chapter VIII

10 2 0
                                    

"Jealous of me?" tanong niya sa sarili. Kasalukuyan na siyang naglalakad no'n palabas ng gate ng campus. "Bakit ako pagseselosan ni Marshella? Maganda ba ako? Hindi naman. At isa pa, kaibigan niya ako."

Naghiwalay din agad sila ni Xian simula ng ideklara nito na pinagseselosan siya ng nobya. Hindi na rin niya nakita ang mga kaibigan ng maghapon na iyon. Nagpa-alam si Eve na uuwi ng maaga habang si Marshella naman ay nagdahilan na may date sila ni Xian. Wala naman siyang choice kung hindi ang pumayag.

Magandang pagkakataon din ito dahil walang hadlang sa pagsama niya kay Lance.

Napaitlag pa siya ng may bumusina sa harapan niya pagkalabas niya ng gate. Bumaba ang bintana ng kotse sa likod at lumitaw si Lance.

"Hop in." Binuksan nito ang pintuan upang makapasok siya.

Wala sa sarili na sumunod naman siya dito. Umusog ito upang maka-upo siya.

"Parang wala ka sa mood ah?" tanong naman nito.

"Parang gusto ko na lang umuwi," sabi niya.

"Himala na hindi mo kasama ang mga kaibigan mo," komento pa nito.

"Busy sila," maikli niyang sabi na tumingin sa labas ng bintana.

"Hindi. Nag*give way lang sila para sa akin," wika nito.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya na napatingin dito.

"I talked to them. Marshella and Eve," kibit-balikat nitong wika.

Hindi siya tumugon pagdaka'y napayuko. Hindi pa rin maalis sa isipan niya na pinagseselosan siya ni Marshella.

Maganda pa naman ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi rin naman ito nagbanggit ng tungkol sa pagseselos nito. Matagal na silang magkakasama. Halos kilala na nila ang isa't-isa. Pero bakit ganoon? Bakit hindi kayang magpakatotoo ni Marshella sa kanya?

Karma niya na ba ito sa pagkakagusto sa nobyo nito?

"You seem disturbed," untag sa kanya ni Lance. Pumatong ang braso nito sa balikat niya. "Mind telling me?"

Ayaw niyang sabihin kay Lance ang problemang sila-sila lang magkakaibigan ang dapat na nakaka-alam.

"Gusto ko ng alak. Inom tayo?" pag-aaya niya dito.

****

Dumiretso sila sa isang condo unit na pagmamay-ari ng malapit na pinsan nito. Ayon kay Lance ay may fully access naman daw ito sa unit. Di naman ganoong kalaki ang unit nang pumasok siya. Kaunti lang ang gamit kaya nagmumukhang maluwag.

Sa labas sana sila iinom subalit dahil kapwa menor de edad pa ay hindi pa pwede. Dumiretso siya sa sofa at pabagsak na umupo. Habang tumungo naman si Lance sa kusina at nagbukas ng refrigirator.

"Tamang-tama, may sisig dito. Pang-pulutan," anito na kinuha ang bagay at isinalin sa kawali.

Umahon siya sa pagkaka-upo at lumapit dito. "May maitutulong ba ako?"

"Buksan mo 'yung ref tapos pumili ka ng gusto mong inumin," sabi nito sinisimulang igisa ang pulutan nila.

Tahimik naman siyang sumunod dito. Pagbukas ng ref, tumambad sa kanya ang mga san miguel light na in-can, red horse, beer, at tanduay ice. Pulos mga alak yata ang laman ng ref at pulutan.

Makikita na tomador din ang pinsan ng lalaki.

"Tanduay ice lang muna," aniya na kumuha na ng alak sa loob. "Ikaw?"

Falling AppleWhere stories live. Discover now