Chapter X

6 1 1
                                    

"Hey!" Nauntag si Apple mula sa malalim na pag-iisip. Laman kasi ng utak niya si Lance at ang nangyari sa kanila kahapon.

Napagdesisyunan niyang hindi muna sabihin sa mga kaibigan ang ginawa niya. Baka kasi iba ang maging tingin ng mga ito sa kanya.

"Bakit?" tanong niya sa umabala sa kanya.

Breaktime no'n. Nagkataong nakasabay niya sina Marshella at Eve. Walang klase si Marshella no'n dahil absent ang professor nito habang naisipan na mag-cutting class naman ni Eve.

"Kanina ka pa mukhang tanga niya na nakangiti. Halong-halo na 'yang kape mo," komento ni Eve.

Tumingin siya kay Marshella na noon ay nakatingin lang sa kanya. Naalala niya ang sinabi ni Xian - pinagseselosan siya nito. Tatahi-tahimik at hihinhin-hinhinan lang ito pero may bahid na pala ng malisya ang tingin nito sa kanila ni Xian. Ganoon na ba siya naging ka-obvious sa pagpapakita ng interes sa lalaki?

Kung gayon, hindi na ngayon. Pakiwari niya ay nawala na lang ng isang iglap ang paghanga niya sa boyfriend nito.

Sa loob ng maikling panahon ay madali nang nalipat ang interes niya kay Lance. Dito niya napagtanto na ang akala niya na romantic feeling para kay Xian ay purong paghanga lamang pala.

"Masaya lang ako," tugon niya kay Eve.

"Dahil?" Si Marshella na ang nagtanong.

Sasagot pa lamang siya nang makita ang kakapasok lang na si Lance sa cafeteria. Mabilis niyang itinaas ang kamay at kumaway dito. Napatingin naman ito agad sa kanya. Nakita niya pa na nagpaalam ito sa mga kasama pagdaka'y lumakad na palapit sa kanya.

"Ano? Close kayo agad ni Lance?" tanong ni Eve sa kanya. Kapwa nakatingin ito at si Marshella sa naglalakad na lalaki.

"Nandito rin siguro si Xian," sabi ni Marshella na lumingon-lingon din sa paligid.

Parte ng utak niya ang bahagyang naiinis sa babae. Medyo naiilang kasi ang kaibigan kay Lance. Feeling kasi yata nito ay ito ang bet ng lalaki. Kaya sa tuwing lalapit si Lance sa kanila, parati nitong hinahanap si Xian.

Nang makalapit, nabigla pa siya ng yumuko ito at humalik sa pisngi niya. Nanlaki na lamang ang mga mata nila Eve at Marshella sa nasaksihan. Maging siya ay nagulat sa ginawa nito. Napayuko siya at hindi naiwasan na kagatin ang ibabang labi sa nagpipigil na kilig.

"Na-late ng dismiss ng klase si Ms. Perez," imporma nito sa kanya na ang tinutukoy ay ang journalism teacher nito. Humatak ito ng upuan at tumabi sa kanya. Inilapat pa nito ang mga braso sa sandalan ng upuan niya.

"Baby, I'm sorry I'm late," nauntag sila sa humahangos na si Xian. Napadako ang tingin nito kay Lance pagdaka.

"Nice seeing you again?" tila nang-aasar na bati ni Lance sa lalaki.

Nakita niya na nagtiim ng bagang ang lalaki pagdaka'y humatak ng upuan sa tabi ni Marshella. Nakita niya pa na naglakbay ang tingin nito sa braso ni Lance na nakalapat sa likod niya.

Tumingin ito sa kanya na tila naghihintay ng paliwanag niya. Nag-iwas lamang siya ng tingin dito at kunwari at itinuon ang sarili sa kinakaing sausage.

Una pa lang ay alam niyang tutol na si Xian sa pag-entertain niya kay Lance. Pero masisisi niya ba ang sarili? Nagkaroon siya ng kaunting self-confidence sa sarili niya nang tanggapin ng lalaki. Lance makes her feel beautiful. Sa tuwing titingin ito sa kanya nang may halong pananabik; pakiramdam niya ay napaka-importante niya.

Lumipas pa ang isang taon. Lance is now a graduating student. While she is a sohphomore. Tuluyan nang nawala ang pagkagusto niya kay Xian at nabaling na kay Lance.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling AppleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon