Chapter II

15 6 1
                                    

Panay ang hikab ni Apple sa harapan ng lamesa niya habang nire-review ang mga naka-encode na rejected items mula sa software ng kumpanya.

Kung ikukumpara nang nakaraang buwan ay mas mataas ang nare-reject na produkto mula sa mga production machine. Idagdag pa ang mga product na naideklara nang good pero nire-reject ng customer dahil sa sub-standard na pagkakagawa.

Sa kompanyang pinapasukan niya, may tinatawag na production area kung saan ginagawa ang mga produkto. Their products are the pouches of their clients' product. Sila ang gumagawa ng lagayan ng mga tomato paste, tomato sauce, soy sauce, vinegar, at iba pa na mabibili sa mga retail store or sa mga supermarket. Malaki ang demand ng kompanya nila dahil masasabing parte sila ng essential industry.

Bente kwatro oras na nakabukas ang pabrika kaya naman shifting ang schedule ng mga tao dito.

As for her na parte ng management, otso-oras lang siya at fix ang oras sa umaga. She is needed for the meetings and discussion with the other department. Siya kasi ang responsable sa pagpapaliwanag ng mga lapses sa departamento niya - gaya nang nakikita niya sa report ngayon. Alam niyang dapat niyang magalit dahil sa pagpapabaya ng nga Quality Inspector sa department niya pero sa ngayon, lutang ang isipan niya sa pag-iisip kay Xian.

Inabot sila nang umaga sa bar ng lalaki. Linggo na siya naka-uwi. And on that day, nag-aya muli ito ng gala - nang sila lang dalawa. Syempre, hindi pwede mag-post dahil lihim lang ang ginawa nilang pagkikita. Lingid ito sa kaalaman ni Marshella. Baka kasi iba ang isipin nito.

"Procrastinating again?" Napaitlag siya nang marinig ang boses ng Quality Assurance Manager nila.

"Ma'am." Napaayos siya ng upo at tumingin dito. Si Ma'am Rosana, ang nag-train sa kanya sa position. Malapit din ito sa pamilya ng mga Andrade. Sa pagkaka-alam niya ay kaibigan din ito ng ninang niya.

Hindi naman lingid sa kanila na ang mga nasa management ay pawang kakilala nang pamilya Andrade. Gaya nga ng nasabi niya, mahigpit ang mga Andrade sa negosyo.

Lalo nang makapasa ito sa standard ng Good Manufacturing Practices o GMP at Hazard Analysis Control Point or HACCP. Mas lalong naghigpit ang kompanya sa kalinisan ng bawat sulok ng kompanya. Sa katunayan, kumontrata pa sa isang agency ang kompanya nila para lang sa pagde-deploy ng maraming janitors at janitress. Galante sa pagpapasahod ang may-ari. Basta't nais lang nito ang de kalidad na serbisyo sa negosyo nito.

Dahil plastik ang produkto nila kaya recyclable at walang tapon. Ang mga rejected items mula sa mga production machine ay muling ginigiling at ginagawang Polyethylene, isa itong transparent na plastik na may iba't-ibang gamit. Sa mga rejected items pa lang na nire-recycle ay wala nang kalugihan ang nagmamay-ari. Bilang pamamahagi ng limpak-limpak na kita ng kompanya kaya nagbibigay ng bonuses at incentives sa bawat empleyado - mapa-regular man o contractual.

Kaya naman, bilang pagtitiwala sa kanya, ay pinagbubutihan niya ang trabaho. But now, she was caught slacking.

"Baka mag-set ako ng meeting sa mga Quality Inspectors," segway niya. "Napaka-dami ng rejections ngayong month."

Inaasahan niya na pagsasabihan siya nito subalit ngiti ang itinugon nito sa kanya.

"Nabasa mo na ba ang memorandum na ibinaba ng HR?" tanong nito sa kanya. Istrikto kasi ang babae pagdating sa trabaho.

Napa-iling siya. "Kailan nagbaba?" tanong niya.

"Nag-send pa lang naman through e-mail. All management team are required their presence this coming Saturday," imporma nito.

Sukat na marinig ay kaagad siyang humarap sa monitor at tinignan ang e-mail. Isang liham mula sa HR ang nasa inbox niya. Nang basahin ito, naglalaman lang naman ito ng mandatory memo na kailangan nilang um-attend sa Sabado sa isang maliit na pagsasalo sa pagbabalik ng anak ni Roberto Andrade, ang may-ari, na si ..... Lance Andrade.

Falling AppleWhere stories live. Discover now