Chapter V

6 1 0
                                    

"Hindi mo dapat ginawa iyon," sita niya kay Lance. Kasalukuyan na nilang binabagtas ang daan papunta sa bahay nito.

Dalawang bloke lang ang pagitan ng bahay nito at bahay niya. Nakatira lang kasi sila sa iisang subdivision. Editor ang ina niya sa isang publishing company habang seaman naman ang ama niya. Sapat na ito para matustusan ng mga ito ang magandang bahay.

May dalawa pa siyang kapatid. Isang lalaki at isang babae. Hindi niya kasama ang mga ito dahil nakatira ito sa bahay ng lolo at lola niya sa side ng ina niya. So, basically, siya lang ang naiiwan kadalasan sa bahay kasama ang iilang katiwala nila.

"Pikon talaga 'yun kahit kailan," tatawa-tawa nitong wika.

"Kaya nga tigilan mo na si Xian," patuloy na saway niya.

"Affected ka?" Humarap ito sa kanya at patalikod na lumakad.

Hindi siya kaagad nakasagot. "Hindi ah," tanggi niya pagdaka. Hindi siya affected sa pambu-bully ni Lance kay Xian. Hindi, medyo affected pala siya dahil kaibigan niya ito. At nobyo din ito ng kaibigan niya.

"I think Xian likes you," komento nito na muling bumalik sa kaswal na lakad.

"Pauso ka," sambit niya. "Mabait lang talaga 'yung tao."

"At ako hindi?" tanong nito.

Napahinto siya sa paglakad nang may mapagtanto. Ito ang unang beses na naka-usap niya si Lance nang matagal. Ito rin kasi ang unang beses na nagkasama sila ng lalaki. Lumingon siya sa paligid. At sila lang dalawa.

"May problema?" tanong nito na napahinto din.

Nais sana niyang isatinig ang napansin pero naisip niya din na baka isipin ni Lance na overwhelmed siya sa pagbibigay nito ng pansin sa kanya. Aminado naman siya na medyo may pagka-mayabang ang lalaki.

"Mas magaling ka ba talaga kay Xian?" wala sa sarili niyang tanong upang makasagot lamang dito.

"You doubting I can't teach you?" tanong nito.

Tumango siya. "Lagi ka kasing kasunod ni Xian sa top ranking ng campus eh."

Tinignan niya ito maigi. Nais niyang makita ang reaksyon nito. Oo, kahit kailan ay hindi pa naungusan ni Lance si Xian sa ranking.

Kung top 3 si Xian, Top 4 naman ito. Kung Top 8 si Xian, Top 9 naman ito. Kahit freshmen pa lang siya, sapat na ang mga impormasyong nalaman niya kay Marshella para matukoy na never pa itong nakalamang sa lalaki.

Nakita niya ang pagkawala nang ngiti nito. Sa wakas, nasira niya din ang overconfidence nito!

"Mas lamang kasi ng extra-curricular activity sa akin si Xian kaya gano'n," sagot nito na muling naglakad.

"Like?" tanong niya pa na sumunod na dito.

"Like Chess and being SSG officer," sagot nito. May campaign ngayong year ang mga tatakbo na SSG officer. Balita niya ay tatakbo daw si Xian bilang presidente. Awtomatiko naman na iboboto niya na ito.

"Bakit di ka sumabay do'n? Dahil di mo kaya?" tanong niya pa.

"I'm not interested on those," seryoso nitong wika. Ang kaninang mahangin na aura nito ay napalitan ng kaseryosohan.

Walang emosyon ang mukha nito habang naglalakad. Lihim siyang napangiti. Tila naigaganti na kasi niya si Xian dito.

"May mga bagay lang talaga tayo na hindi natin kaya. You just have to admit it, you know," kibit-balikat niyang wika.

"Sabi nang hindi lang ako interesado sa mga bagay na iyon," ulit nito na bahagyang nagtiim ang mga bagang. "Kaya kong higitan si Xian."

Nais pa sana niya itong pikunin subalit minabuti na lang niyang manahimik. Baka kasi iba pa ang magawa nito or worse, baka hindi siya turuan nito.

Falling AppleWhere stories live. Discover now