Chapter VI

8 2 2
                                    

Wala pang isang linggo. Sa katunayan ay dalawang araw pa lang ang nakakalipas pero sila na agad ni Lance. Dapat ay umalma siya nang ito ang magdesisyon na sila na. Pero hindi. Hinayaan niya lang ang gusto nito - dahil alam niya sa sarili niya na medyo attracted siya sa kapogian nito.

Sinabi niya agad ang nangyari kay Eve. Oo, kay Eve lang. Mas kampante kasi siyang sabihan ito ng sikreto. Inaasahan na niya na magugulat ito. Hindi nga siya nagkamali nang mapabulalas ito.

"Sigurado ka ba na seryoso saiyo si Lance?" tanong nito na nangangamba. Breaktime nito habang nagkataon naman na wala silang professor noon.

Nagkita lang sila sa quadrangle at naisipan na magpunta sa canteen.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Ang bilis ng pangyayari eh." Tinakpan niya ng dalawang kamay ang mukha niya na tila ngayon lang nararamdaman ang kahihiyan.

"At hinayaan mo na halikan ka niya?" patuloy na tanong nito.

"Ang bilis nga ng pangyayari," saad niya na tumingin dito. Hinihiling niya lang na sana ay hindi niya makita si Lance ngayon.

Umalis din kasi siya agad pagkatapos ng deklarasyon nito. Inaasahan niya itong hahabol pero hindi nito ginawa. Marahil ay binigyan lang siya ng space nito para magbulay-bulay sa bilis ng pangyayari.

"'Wag mong sasabihin kay Marshella ito ah? O kay Xian," sabi niya kay Eve.

"Bakit naman? Tropa sila ah?" tanong pa nito.

Ayaw kasi niyang malaman ni Marshella kung gaano siya kahayok makakuha ng gaya ni Xian. Hindi siya nakatulog ng buong magdamag dahil sa pagbubulay-bulay niya. At napagtanto niya na ... sa pamamagitan ng pagiging girlfriend ni Lance ay para na rin siyang nakapantay kay Marshella. If her friend has Xian, she has Lance. Wala namang masama kung susubukan niya.

Kung niloloko man siya nito, okay lang. At least nasabi niyang naging ex si Lance.

"Hey! Did you know?" Humahangos na tanong ni Marshella. Sabay pa silang napatingin dito ni Eve.

"Ano?" tanong niya.

"Nasa gaming court sina Xian at Lance! Naka-live stream sila via WreckTheBall Gaming!" anito.

Dahil sa umuunlad na teknolohiya kaya nagkaroon na rin ng online gaming tournament sa campus nila. Hosted ito ng WreckTheBall Gaming. Ito ay grupo ng mga gaming nerd na nagli-live stream ng online game. Medyo may reputasyon na rin itong pinanghahawakan dahil malawak na ang impluwensiya nito sa social media. Mayroon lang naman itong twenty thousand followers sa Facebook at sixty thousand sa Youtube.

Hindi lang ang mga sariling live nito ang pinapakita nito online, pati na rin ang mga maiinit na one versus one na laro ng mga ibang maiinit na gamer.

At ito ang eksaktong ginagawa ng dalawa.

Tumayo siya at mabilis na tumungo sa gaming court ng paaralan na matatagpuan sa sports building.

Pagpasok pa lang ng court ay bumungad sa kaniya ang malaking projector screen kung saan mapapanuod ang laban ng dalawa.

Naka-upo sa magkabilang dulo ng court ang dalawa. Marami-rami ding nanunuod ng mga oras na iyon. Kapwa kasi popular ang dalawa kaya naman ang pagtutuos ng mga ito ang inaabang-abangan.

"Paanong nangyari ito?" tanong ni Eve.

"Naghamon si Xian kay Lance ng laban," imporma sa kanila ng isang estudyanteng nanunuod.

"Si Xian? Maghahamon? Parang impossible naman yata," sagot niya dito.

Tanging pagkibit-balikat lang ang itinugon nito sa kanya. Muli silang napatingin sa dalawang lalaki na seryosong nakatingin sa kanila-kanilang mga cellphone. Makikita sa screen ang mga hero na ginagamit ng mga ito.

Falling AppleWhere stories live. Discover now