Chapter VII

6 2 0
                                    

Halos manlaki ang mga mata ni Apple sa ginawa ni Lance. Paano siya magre-react? Eh halos buong katawan niya ay naninigas at hindi makagalaw. Kailangan ba niya itong itulak? O magpaubaya na lamang siya? Tutal naman, nakuha nanaman na nito ang first kiss niya, bakit hindi niya na lang ito hayaan?

Isa pa, aaminin niyang nabitin siya sa saglit na halik na iginawad nito sa kanya.

It's decided then. Magpapaubaya na lang siya. Wala namang masama diba? Boyfriend niya ito. And Lance just called her beautiful! Ito ang unang beses na may pumuri sa kagandahan niya. Kahit kasama si Xian ay hindi pa naman niya naririnig dito ang papuring nais niyang marinig.

Pumikit na lamang siya at humawak sa mga braso nito. May kung anong kuryente ang kasalukuyan niyang nararamdaman. Ito ang kuryente na hindi nakaka-ground kung hindi nakakapanginiig ng laman.

Naramdaman niya ang pagsisimulang paggalaw ng labi ni Lance. Hindi niya alam ang gagawin at kung paano tutugon. Pero base sa nababasa niya sa mga pocketbook, iuwang lang ng kaunti ang labi at hayaan na ang susunod na mangyayari. So, she parted her lips a little bit for Lance to invade.

At effective nga ang ginawa niya! Naramdaman niya ang paglalim pa ng halik ni Lance. Nalalasahan niya pa ang orange juice na ininom nito kanina. Naramdaman niya ang isang braso nito na lumipat sa likod ng ulo niya. She feels his hand gripping on her hair while giving him a slow moving kiss.

Dala ng instincts ay ikinawit niya ang mga braso leeg nito at hinapit pa ito ng mas malalim. Soon, she learns how to keep up with his kiss. Madali lang palang matuto. You  just have to open your mouth and be carried away.

Makakapagbigay na siya ng tips para sa mga first timer humalik.

Ginagawa din kaya ito nina Marshella at Xian? Possible. Halos apat na buwan nang magnobyo ang mga ito. Mas nauna lang natuto si Marshella sa kanya.

Ngayon, natuto na siya, pwede niya na itong ipagmayabang kay Eve na no boyfriend since birth. Akala pa naman niya ay siya ang mapag-iiwanan sa kanilang tatlo pagdating sa lovelife. Lance rescued her false thoughts. She felt quite a confidence surging in.

"Ang bilis mo matuto ah?" puri nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

Dumilat siya upang makita si Lance na nakatingin ng diretsa sa kanya. Ito ang unang beses na nagawa niyang matignan ang lalaki na super close up. Bukod sa pagiging clear skin nito na banaag ang pamumula ng mga pisngi dahil sa init, kitang-kita niya rin ang kulay-tsokolate nitong mga mata. Hindi niya mabatid kung dahil natatamaan lamang ito ng liwanag mula sa bintana kung bakit nakikita niya ang crsytal clear na kulay ng mga mata nito, o sadyang maganda lang talaga ang mga mata ng lalaki.

Hindi niya naiwasan na mapadako ang tingin sa labi nito. Those lips have just synchronized with hers. Who would have thought na ang simpleng babae na gaya niya ay mapapansin nito?

Kahit pa madalas sila sa bahay nito ay never naman siyang tinapunan nito ng tingin.

"Curious?" untag nito sa malalim na pag-iisip niya.

Tumango siya. Hindi na niya pipigilan ang sarili sa mga bagay na gusto niya.

"You want to do it here?" tanong nito. Naramdaman niya ang kamay nito sa kanang hita niya. Bahagya nitong inilislis ang palda niya.

Then, his hand starts to caress her thigh.

"Lance..." pakiramdam naman niya ay nawawalan siya ng hininga sa ginagawa nito. But she ends up halting his hand. Hindi dahil sa ayaw niya kundi nakikiliti kasi siya. "It tickles."

Tumawa ito ng mahina. "Sabay tayo mamaya umuwi?" tanong nito.

"Hanggang alas-singko pa ang klase ko," aniya. Alam niya kasi na hanggang alas-tres lang ito.

Falling AppleWhere stories live. Discover now