Chapter Nine

537 20 7
                                    

A/N: So I am back! At nagbabalik na rin si Chase.

--------

Chapter Nine

Ang luhang kanina ay tumulo mula sa mga mata ni Chandra ay tila naging yelo hanggang sa tumigas iyon at naging malamig na likido. And when she looked up at him. She saw his devil's smile. Naikuyom niya ang mga kamao. Chase was playing with her.

"If you have seen your face!" Kasunod niyon ay ang malulutong na tawa ng binata.

Gusto niyang magsisigaw at paghahampasin ito. Gusto niyang sapakin ang mukha nito at saka bigyan ng malalaking pasa sa mukha para kinabukasan ay wala itong maiiharap na mukha sa kahit sino.

"I hate you!" She screamed.

Imikot ang mga mata ni Chase at saka siya tinitigan. "I know."

Pinakatitigan siya nito mabuti at saka nilibot sa mukha niya ang paningin nito. "I really don't understand kung anong nakita ni JR sayo para pagtuunan ka niya ng pansin. Kung alam lang niya gaano ka kalakas humilik sa gabi at gaano ka kalakas dumighay pagkatapos mo kumain." Saka naman pinagkrus ni Chase ang kanyang dalawang braso.

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. "Gustong gusto mo talaga na iniinsulto mo ako ano?"

Bagkus na sumagot ay ngumiti lang ito sa kanya. Na lalong kinainit ng ulo niya. Sana pala naisip nalang niya kanina na malaki ang posibilidad na ipaprank lamang siya nito. Na wala talaga itong magandang sasabihin sa kanya na puro kabwisitan lang ang gagawin nito at walang magandang mga salita ang lalabas sa bibig nito.

"Better leave my room now before I call Dad at sabihin ko sa kanya ang mga kalokohan mo." She threatened him.

Mukhang gumana naman kasi sandaling gumalaw ito. Bago tumaas ang balikat. "Alright. Tell dad. So I can tell him too that you are dating his friend's son."

"I am dating JR! Magkaibigan lang kami." Giit niya dito.

"Really? Since when?" He smirked.

Chase wickedly smiled at her. Pilyo na noon pa man si Chase. Chandra still remembered the days when they were together at naglalaro. Kung paano madalas din itong makipag away noon kay Alas. How she wish na sana ay narito si Alas ngayon. Si Alas lang nakakaalam kung paano siya ibully ni Chase noong mga bata sila.

"Walang masama sa pagiging magkaibigan namin ni JR. Hindi lang ikaw ang tao sa mundo na pwedeng makipag kaibigan." Deretsahang sabi niya.

Bumuga ng hangin si Chase. Saka pinakita sa kanya na parang inaantok na ito. "Ang boring mong ka-bonding, Chan."

Lalo siyang nagngitngit dito. Ginamit na nito sa kanya ang mga millenial phrases na kumakalat sa social media.

"Get out!" Hinawakan niya ang seradula ng pintuan at saka nag iwas na dito ng tingin. Napapagod na siyang makisama dito at makipaglaro lagi.

Bukas na bukas din ay magpapaalam siya sa Papa niya at kay Mama mandie na kung maaari ay sa isla muna siya nang sa ganoon ay may kasama din doon ang nanay niya. Papayagan naman siya marahil ng mag asawa.

Lumakad sa pinto si Chase. Pero huminto ito sa harapan niya. Umiwas lang siya ng tingin sa dito.

"I'm sorry, sis." Bulong nito.

Pinigilan niya na muling mapatingin dito dahil alam niya na sisirain lang nito nf tuluyan ang gabi niya. She knew him for that.

"I said, get out!" Mahina na rin niyang sabi.

Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin. "Aalis ako. But please help me this time, Chan. Be my date sa Christmas reunion namin and after that I won't meddle you again. Please." Chase shown her a puppy eyes look.

He's crazy. Iyon ang sabi ng utak niya. Kanina kung komprontahin siya nito akala mo kalain ng buhay. Sunod, akala mo naman pinagbabantaan siya. At ngayon, tila maamong hayop na ito.

"Baliw ka." Tangi niyang nasabi.

"Call me anything you want. Pero di ako titigil sa kakapakiusap ko sayo. I just want them to stop pairing me with Vanessa. Alam mong hindi ko type ang babaing yon." Depensa nito sa sarili.

She heard a lot about that girl. Magkaiba sila ng college school ni Chase noon. Kaya walang nakakaalam sa university nila na adopted child siya ng Parents ni Chase. Madalas ikwento ni Chase si Vanessa noon kay Alas sa tuwing bibisita ang tito nito sa bahay nila. And she even heard that Vanessa tried to seduced him inside the male's locker room.

Gusto niyang maduwal nang maalala niya ang eksenang iyon. Mama Mandie asked her to go upstairs and call them. Naghanda ng merienda noon si Mama Mandie. Aksidente niyang narinig sa loob ng Video game room ang usapan nila Alas at Chase. And they were talking about Vanessa.

"That crazy woman!" Dinig ni Chandra na sabi ni Chase.

Narinig niya ang nakakalokong pagtawa ni Alas. "Bakit kasi tinanggihan mo pa? I have known you for being a womanizer. What happened?"

"I don't like her kind." Nakaumis na sabi ni Chase. Pinag uusapan na naman nila si Vanessa. Ang babaing sinasabi ni Chase na baliw na baliw sa kanya.

She already checked Vanessa's facebook account several times. Marami itong photos na nagkalat sa social media. Photos in her bikinis and sexy skirts. May makapal na make-up at boobs na labis na pinagpala.

"So, what kind you like?" Makahulugang tanong ni Alas.

Nakita niyang bumalik sa paglalaro si Chase. Pagkakataon na niyang malaman kung sino ang pinopormahan ni Chase nang sa ganoon ay may pang asar na rin siya dito. Nang hindi na siya nito nabubully. Maraming beses nang sinabotahe ni Chase ang mga nagtatangkang manligaw sa kanya. And this time. Siya naman ang babawi dito.

"You know that I like her since we were kids." Malungkot na sabi no Chase.

Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito. At mukhang mahihirapan siya. "Kung natotorpe ka sa kanya. Pagtiyagaan mo nalang si Vanessa." Pang aasar ni Alas.

"No way!" Sabi nito.

"No way!" Bulaslas ni Chandra kay Chase. "I won't let you use me again. Ibabalandra mo ako sa harapan ng Vanessa na iyon at sasabihin mong girlfriend mo ako para lang tigilan ka niya. Paano kung atakehin ako niyon? Paano kung sa pagkadesperada niya sayo eh saktan niya ako? Anong gagawin mo ha? Well, for sure tatawa ka." Mabilis niyang mga salita.

Lumamlam ang mga mata ni Chase. Tinitigan siya at saka malungkot na nagsalita.

"I may be bully to you. But I won't let anyone hurt you right in front of me. You have no idea how much you mean to me." Bulong na lamang ang huling pangungusap nito kaya hindi niya gaanong narinig.

And before she could react. Chase vanished from her sight.

Chase ObsessionWhere stories live. Discover now