Chapter Six

4.4K 127 10
                                    

"Thanks for the day."

Agad na ngumiti si Chandra pagkatapos humarap kay JR. "Walang anuman. Sana nag enjoy ka."

Gumanti ito ng ngiti sa kanya. "Sobra. I didn't know na pwede ko palang maenjoy yung mga bagay na akala ko noo'y boring." Then he laughed.

Nahawa siya kaya nakita din siya. Pang-fourth day na ni JR dito sa Isla kaya naman sinamahan niya ito sa mga extreme adventures na nirerekomenda ng Isla. Game naman itong sumama sa kanya. Parte ito ng pagtotour niya dito. Hindi nila nakasama si Chase dahil kinailangan na ring bumalik nito ng Maynila.

But tomorrow, JR will flew back to Manila. "Masayang subukan ang mga ganoon. Nakakawala ng stress." Ang una niyang tinutukoy ay ang Bungee jumping na una niyang pinasubok dito.

Isa iyon sa dinarayong attraction sa kanila. Bukod kasi sa makapigil hiningang pagtalon mula sa Tower na may taas na katumbas ng labing dalawang palapag na building ay tanaw na tanaw din ang kabuuan ng isla at ang asul na asul na dagat. "Yeah." Pagsang ayon nito.

For the passed four days, unti unti niyang nakukuha ang ugali nito. JR is never difficult to like. He is Gentleman at nakakatawang kasama. He can make everyone happy with his simple jokes na yung iba ay corney na pero havey din naman. "You have a very beautiful place, Chandra. Sana makabalik ulit ako dito."

Ngumiti siya. "Kapag nagustuhan ng Daddy mo. I'm sure babalik at babalik ka dito. Pero pwede ka naman bumalik balik basta gusto mo. Bukas kami para sayo."

It's nit bad to start a friendship like this way. Tumango ito saka maya maya'y may kinuha sa bulsa at dinukot ang pitaka nito. Bago kumuha ng isang card at iniabot sa kanya. "Calling Card ko. Call me if you need anything. Para na rin malaman ko ang number mo."

Tumitig siya dito. "G-Gusto mong tawagan kita?"

Dahan dahan naman itong tumango. "Kung wala sanang magagalit." Kumamot pa ito ng batok. Alam niya ang tinutukoy nito. She's a certified single. Walang lalaki na magagalit kung makipagkaibigan man siya sa iba o makipagtawagan. Kung mayroon man, It's only Chase. Dahil hindi gusto ni Chase na maging masaya siya. Pero naisip niya ano nga bang pakialam ni Chase sa buhay niya? Pwede niyanh kaibiganin ang lahat mg gusto niyang kaibiganin. She doesn't need his approval.

"Wala. Walang magagalit." Aniya dito. "Sige tatawagan kita. Sana makabalik ka dito."

"And I hope na kapag bumalik ako. Ikaw ulit ang magtotour sakin." Natawa nalang siya.

"Itotour pa rin ba kita? Eh kabisado mo na nga agad ang lugar." Sabi niya ulit.

"Kasi magaling ang tour guide ko." Sabay kindat sa kanya. Natawa nalang siya. Noong una ay nahihiya pa siya dito pero nang ilabas nito ang sariling kakukitan ay gumaan na ang loob niya.

Tinawanan lang niya ang pambobola nito. "Sige sabihan mo lang ako kung kailan ka darating." Agad din siyang natigilan ng may maalala. "Kaya lang nasa Manila na ulit ako next week. Maybe, Ischedule nalang natin ulit ang pamamasyal mo dito." May dapat kasi siyang asikasuhin doon. At isa pa, hindi naman siya palaging nandito sa Isla. Plano niya kasing ipacheck up sa Maynila ang Nanay niya.

"Edi mas maganda! Pwede naman siguro tayong magkita kahit nasa Maynila kana rin." Natigilan siya. Ito ang unang lalaking nagsabi na gusto pa rin siyang makita kahit nasaan siya.

"S-Sigurado ka?" Naniniguro niyang tanong. Gwapo ito. Mayaman. Di malayong may babae nang umaaligidligid dito.

"Kung iniiisip mo na baka may magagalit. Wala. As in wala." Sabi nito sa kanya. Pero impossible pa rin. Gaya nga ng sabi niya, gwapo ito. Hindi lang basta gwapo, charming at mabait pa. Sinong tangang babae ang hindi ito papansinin? "Ano? Okay lang ba sayo?"

Dahan dahan siyang tumango. Pagkatapos niyon ay nakangiting nagpaalam ito sa kanya. JR has something she can't explain. Something that telling her na kilalanin pa niya ito mabuti. Nang mawala na ito sa paningin niya ay saka naman siya bumaling sa pintuan ng cabin niya.

Hindi pa niya naipapasok ang susi ng pintuan ng tumayo ang pigura ng tao na nakaupo sa ratan chair na nasa balkonahe niya.

"Jusko! Ano namang ginagawa mo d'yan?"






To be continued...






-------

Happy 2018!

Nakapagsorry ka na ba sa mga nasaktan mo? Nakipagbati ka na ba sa mga nakasamaan mo ng loob? Kung hindi pa.. May ilang oras ka pa para gawin iyon bago sumapit ang 2018.

New Year ay hindi tungkol sa kung ani ang nakahain sa hapag niyo. Hindi kung ilang bilog na prutas ang nabili mo. Hindi kung gaano kadami ang barya sa bulsa mo. New year is about Forgiving. Forgiving the people who hurts you. And Forgiving yourself. Dahil kapag may forgiveness, may peace. World peace and peace of mind. Hindi natin gustong matulog gabi gabi na iniisip ang mga pagkakamaling nagawa natin for the last 2017. Kaya naman let's share, forgiveness.

Happy New Year!
Umiwas sa mga paputok! Utang na loob! Hihihi

P. S
Please sumagot kayo dito.
Okay ba sa inyo na iself pub si Mandie at Xandrei?

Chase ObsessionDove le storie prendono vita. Scoprilo ora