Chapter Two

6.8K 183 6
                                    

"Nay, akala ko ba masama ang pakiramdam niyo?" Ani ni Chandra sa ina nang makitang lumabas ito ng boutique.

May sariling boutique shop na ito sa loob ng Crepuscule Hotel and beach Resort. Mga souvenirs and Novelty Items. Ilan ay mga handcrafted kaya magaganda. Kilala na kasi ang Isla kaya marami na ring mga establishment sa lugar. "Ano naman ang gagawin ko sa bahay? Isa pa absent si Lori ngayon. May sakit daw ang tatay kaya sasamahan ko si Sasya dito sa shop." Tukoy nito sa dalawang stay-out helper nito.

Inakbayan niya ito. "Buti pa, dun nalang muna kayo sa Cabin ko. Magpahinga kayo. Trabaho kayo ng trabaho eh." May sarili siyang Cabin dito. Kapag hindi siya nakakauwi ng Maynila at kailangan niyang manatili dito ay may tinutuluyan siya. Kaysa naman magpabakik balik siya sa bahay ng nanay niya na nasa kabilang isla naman.

"Ku, kaya ko namang bata ka. At saka sipon nalang naman ito. Ang tatang mo kasi, nagpapaalwage sa bahay. Ipinapagawa ang nasirang kwarto doon. Kaya sinusumpong ako ng allergy. Alam mo naman ang tatang mo, sabik na muling makita ang apo niya kaya hayun, panay pagawa  baka daw kasi biglang sumulpot si Ad---."

Sinaway niya ito. "Nay ayan ka na naman. Diba napag usapan na natin ito." Unangat ang palad niya at pinahid ang luha nito. Until now, hindi pa rin ito nakakalimot. Hindi pa rin gumagaling ang sugat nito. "Hindi naman tumitigil si Papa, pero hindi ibig sabihin non. Dapat malungkot ka pa rin."

"Hindi ko mapigilan, anak. Araw araw nagdarasal ako na isang araw darating muli ang kapatid mo at babalik siya." Gunaralgal ang tinig nito. Twenty one years na itong nangungulila sa sanggol na iisnag linggo palang nitong nakakasama. Twenty one years na itong nasasabik na makarga ang batang iniluwal nito sa mundo na hanggang ngayon ay hindi pa nila nakikita. Sa loob ng mga taong iyon patuloy itong naniniwala na darating ang araw na ibabalik ng tadhana ang sanggol na nawalay dito. Tatawa tawang ngumiti ito. "Pasensya kana anak, napaiyak tuloy ako." Kusa nitong pinahid ang luha. Dinamba ng Awa  ang dibdib niya. Para sa kanya, ito ang pinakamabuting ina na nakilala niya. Hindi man siya nito tunay na kadugo pero para dito mag ina sila. "Nariyan nga pala si Chase. Nagkita na ba kayo?"

Umiling siya. Tinawagan siya ni Chase kanina para sabihing nasa Isla ito. Abala naman siya kanina dahil sunod sunod ang dating ng mga foreign tourists kanina. Bilang General Manager. Kasama sa trabaho niya ang personal na sumalubong sa mga bisita nila. "Tatwagan ko nalang siya mamaya. I'm sure busy na 'yon ngayon."

Tumango ito. Pagkatapos ay agad na ngumiti. "May kasama siya kanina, kaibigan niya daw. Ka gwapong bata. Ang bait bait pa. Tuwang tuwa nga siya sa mga produkto natin. Ang sabi pa niya, kakausapin daw niya ang daddy niya na subukan ang produkto natin." Tila aliw na aliw ang ina niya sa pagkulwento. Bihira ito maging masaya gaya ng nakikita niya dito ngayon. At ito ang unanf beses na nagkwento ito tungkol sa kaibigan ni Chase. Dati rati ay hindi. Sa tuwing may ipapakilala kasing kaibigan si Chase ang sasabihin lang nito ay, paano ba naging kaibigan ni Chase 'yon? Ang gagaspang ng ugali. Mabait si Chase pero kasama na yata sa buhay ng tao ang pagkakaroon ng iba't ibang klase ng mga kaibigan.

"Baka investor ho iyon 'Nay. Noong nakaraan ay ganoon din ang ginawa niya. May kaibigan ho siya na dinala dito."

"Nagkausap kami niyong binata. Magkaibigan nga daw talaga sila ni Chase, yaan mo't kakausapin ko ang kapatid mo. Mga ganoon dapat ang kinakaibigan niyang si Chase. Magalang at mabait. Kanina nga, nagulat pa ako ng magmano sa akin. Nakacheck in din yata 'yon." Hinawakan ni Marie ang Kamay niya. "Anak, kapag nag kausap kayo. Ipakausap mo sakin ha? Natutuwa talaga ako sa kanya."

Wala sa sariling tumango siya. Nakikita naman niya na mukhang masaya nga ito. "Sige, Nay. Babalik na ako. Kung hindi niyo kaya ay masama ang pakiramdam niyo, tawagan niyoa agd ako at ihahatid ko kayo pauwi." Bilin niya dito. Agad na tumango ito at yumakap sa kanya.

Sumakay siya muli da service car pabalik sa Hotel. Nang makababa ang kinipkip niya ang dalawang folder na ahwak. Nasa lobby siya ng salubungin siya ni Chase. "Chan!"

Iiwasan sana niya ito pero nakalapit na sa kanya. "Tama nga si Nanay. Nandito ka."

Tumabgo ito. "I saw tita Marie earlier. Dinala ko sa kanya ang mga pasalubong ni Mama para sa kanya at kay na tatang." He said. "Are you avoiding me?"

Napatingin siya ng deretso dito. "Hindi. Bakit?"

"You are not a good liar, Baby." Sumingkit ang mga mata niya.

"Don't baby me. Anong kailangan mo sakin?" Aniya.

"Magsisinungaling ka lang di mo pa inayos. Tuwing darating ako umaalis ka. Tuwing Magsasalita ako umiiwas ka. Anong tawag doon?" Sabi nito. Na hindi  man lang pinansin ang tanong niya.

Noong mga bata pa sila, palaging ipinapaunawanji Tita Mandie sa kanya na baka nagseselos lang daw si Chase sa kanya. Alam niyang sabik kasi itp sa ama. Bumuga siya ng hangin. "Hindi kita iniiwasan okay? Naiinis lang talaga ako sa mga pang aasar mo sakin." Hindi lang talaga kasi niya maintindihan kung bakit umaakto ito na para bang kulang nalang palayasin siya. "Pakiramdam ko, binubuhos mo lahat ng inis mo dahil inampon ako ng mga magulang mo." Hindi ito nakaimik. "Simula palang noong mga bata pa tayo, wala ka nang ginawa kung di asarin at kontrahin ako. Nagsimula lang namna lahat 'yon ng ampunin ako ni Papa. Bakit? Dahil ayaw mong maging kapatid ko? Ayaw mo sakin?" Sumbat niya. Hindi pa rin ito nagsalita.

May tumulong luha sa mga mata niya. Siya nga noon, selos na selos dito. Nasasaktan siya sa tuwing makikita niya itong masaya kasama niya ang papa nila. Selos na selos siya kapag nagbobonding sila na di siya kasama. Pero wala siyang karapatang makadama ng ganoon dahil hindi siya tunay na anak. Sampid lang siya at nakikiamot.

Maya maya'y nadama niya ang braso nito sa balikat niya. Ang inis niya ay dagling nawala ng bumulong ito sa taenga niya. "I'm sorry. I'm so sorry. I just don't know how to---never mind. But I promised to you now, I will always made you feel special. Because you're special to me, Chandra."

"S-Special?" Bahagya siyang nautal. Maraming sumisingit sa isip niya dahil sa sinabi nito. Napalunok siya lalo na ng makita ang pagpapalit ng emosyon sa mga mata nito. Naging sinsero iyon.

Tumango ito. "Yeah, special child. Dahil special child ka." Na sinabayan nito ng hagalpak. Bumitiw ito sa kanya saka tatawa tawang tinignan siya. "Ang drama drama mo kasi..."

Akala ko pa naman... "Walanghiya ka talagang lalaki ka!"

Gigil mo si ako.






To be continued...

----

Sorry po kung walang Ud. Nagkasakit kasi ako.

Happy reading.
Ai:)

Chase ObsessionWhere stories live. Discover now