Chapter One

7.8K 219 9
                                    

Chase looked directly to her eyes. But Chandra, seems doesn't notice him. Nakangiti ang labi at mga mata nito habang nasa hapag sila. She was chatting with their parents. Habang si Chance naman ay ganoon din. Siya lang ang bukod tanging tahimik. Siya lang din ang tila hindi nakikisawsaw sa usapan nila.

Isang linggo pagkatapos ng bakasyon ng mga magulang nila ay sa wakas nakabalik din ang mga ito. And they learned about the incident that happened to Chance week ago. "Anak, mag iingat ka naman sa susunod." Paalala ng ina nila. The beautiful and devine, Mandie Rose Sandoval. Saka lang gumawi ang mga mata ng ina niya sa kanya. "How are you son? Ang tahimik mo. Masama ba ang pakiramdam mo?"

Apat na pares ang mga mata na nakatutok sa kanya na tila hinihintay ang sasabihin niya. "I'm fine, Ma. I.. I'm just---Tired?" Ngumiwi siya. Paano nga ba siya napagod? Eh hindi naman siya pumasok sa opisina. Apprentice siya sa Sandoval Builders. Kagagraduate lang niya apat na buwan na ang nakakaraan. Magkasabay sila ni Chandra na nagtapos. Sa magkaibang kurso nga lang at eskwelahan.

"Paano ka napagod? Ang sabi ni Ate, maghapon ka lang daw naglaro ng video games." Singit ni Chance. Minsan, nakakainis ang pagiging madaldal nito.

Nagkatinginan ang mga magulang nila. "Matulog ka ng maaga chase. Tignan mo 'yang mga mata mo. Nangangalumata kana." Ani ng ama nila. Tumango lang siya.

Nang gumawi ang mga mata niya kay Chandra ay agad itong bumaling sa ibang direksyon upang mag iwas ng tingin. Naaalala pa rin niya ang sinabi nito sa kanya may isang linggo nang nakakaraan.

Aattend siya ng Christmas Reunion ng batch nila. Everyone was asking him na dalhin niya sa party ang girlfriend niya. Sinabi lang naman niya na may girlfriend na siya para tigilan na siya ni Vanessa. Ang College Queen bee, na dati nang may gusto sa kanya. She's beautiful--alright. Pero hindi iyon ang tipo niya. As if hindi niya alam na buong varsity na yata ang nakatikim dito bago sila nakagraduate. Tumaas ang sulok ng labi niya. Hindi niya aaksayahin ang panahon niya sa mga ganoong klase ng babae.

Gusto niya ng isang klase ng babaeng gaya ng Mama niya. Someone like her Mom. Someone like--Chandra. Pero may boyfriend na ito. Boyfriend na hindi niya alam kung saan nito nakilala. Bigla ay napalis ang ngiti niya ng maalala niya ang sinabi nito.

"Because I already have a boyfriend." Matagal bago rumehistro sa isip niya ang sinabi nito.

Kaya nang matanggap na iyon ng kokote niya ay mabilis siyang humakbang papalapit dito. Halos magdikit na ang mga dibdib nila. "A Boyfriend? Saan mo siya nakilala? Kailan pa naging kayo? Paano ka niya niligawan? Naipakilala mo na ba siya kay na Mama? Alam ba nila na may Boyfriend kana? Si Papa? Bakit ka niya pinayagan?"

Humawak ito sa sariling mga taenga bago siya inawat. "Stop! Ano ka? Imbestigador? Bakit ba ang dami mong tanong? At saka bawal ba akong magboyfriend?"

Hinila niya ito sa braso. Kumalang sa dibdib niya ang palad nito. "Makipag break ka sa boyfriend mo kung ayaw mong sabihin ko kay Papa ang ginagawa mo." Namilog ang mga mata nito.

"Hindi ko susundin ang sinasabi mo. I won't let you to ruined my own personal life. You are just my brother. So don't act like you are my Real father." Inalis nito ang kamay sa dibdib niya saka lumayo sa kanya. Hindi pa siya ganoong nakakalayo ng may pahabol pa siyang salita.

"Bring your boyfriend to our house. Ipakilala mo siya samin. Gusto kong makilala ang gagong lumason sa isip mo." He said while gritting his teeth.

Nabaling pa rin ang mga mata niya kay Chandra. Hanggang sa nagpaalam ito na aakyat na sa silid nito. When everyone are ready for bed. Mabilis siyang umakyat sa ikalawang palapag. Tumayo siya sa harapan ng pintuan ng silid ni Chandra. Akma siyang kakatok ng mapunang nakaawang iyon. He peeked in. Nang makitang buhay pa ang ilaw ay agad siyang pumasok.

Bakante ang kama. Pero naririnig niya ang tinig nito sa loob ng banyo. Alam niyang naliligo ito kaya mabilis siyang humiga sa gitna ng kama. He placed his arms above his head. Nakatitig siya sa mga glow-in-the-dark stickers na nakadikit sa kisame ni Chandra. Para parin siyang bata.

Maya maya, 'y bumukas ang pintuan ng CR at lumabas ito. "Ay anak ni Inday!" Halatang nagulat ito. "Ano namang Ginagawa mo dito?" Agad na tanong nito. Nakamata lang siya dito. May puting tuwalya sa buhok nito habang sando at pajama naman ang suot nito. Hindi lalabas si Chandra ng banyo hangga't di nito suot ang damit nito. Ganoon ito simula noong mga bata palang sila. May trauma na yata ito. Palagi kasi nitong tinatago anh brief niya sa tuwing maliligo siya. Palagi siya nitong inaasar kaya naman ng gumanti siya ay iyak ito ng iyak. Itinago kasi niya ang shorts nito habang siya'y nasa banyo. Hindi naman niya alam na regalo ni Tita Marie ang shorts na 'yon. Kaya simula noon. Kapag maliligo ito au sa banyo na ito nagbibihis sa takot na baka itago na naman niya ang salawal nito. "Bakit gising ka pa? Matutulog na ako kaya lumabas kana." Masungit na sabi nito.

Lumakad ito sa kanan patungo sa kabilang parte ng kama. Akma iting hihiga ng tumagilid siya paharap dito. "Hindi totoong may boyfriend kana. Hindi ba?" Aniya habang nakataas ang sulok ng labi.

Tumaas ang kilay nito. "So?"

Umupo ito sa kama. "You are just bluffing nang sabihin mo na taken kana."

Hinila nito ang kumot at saka pumailalim doon. "May boyfriend man ako o wala. It's none of your business. Dahil sabi mo nga. Hindi tayo totoong magkapatid. Kaya pabayaan mo na ako. I have my own mind na kayang magdesisyon para sa sarili ko. So I don't need a brother like you. Magkakaboyfriend din ako. Itaga mo pa sa bato."

Sa dami ng sinab8 nito. Iisa lang ang nanuot sa pandinig niya. "Na hinding hindi mangyayari."

Nanlilisik ang mga mata nito bago hinampas siya ng unan. "I hate you!"






To be continued...







---------

AiSaid: The More you hate. The more you lust.

Happy reading
Ai:)

Chase ObsessionWhere stories live. Discover now