Chapter Four

4.6K 154 9
                                    

Nagpalinga linga ang mga mata ni Chandra ng pumasok siya sa Banquet. Nawala sa paningin niya ang lalaking sinusundan niya dahil may isang empleyado ang tumawag sa kanya. Pero nakita niyang pumasok ang lalaki sa lugar na kinatatayuan niya ngayon.

Peak season kaya doble ang dagsa ng mga tao sa Resort. Halos fully-booked na rin sila. Pati ang schedule ng events ay sunod sunod din. Bukas nga ay aasikasuhin niya ang pre-wedding photo shoot ng isa sa suking kliyente nila. Balak na sa beach ganapin ang kasal kaya naman ngayon palang ay nagdadagsaan na ang mga kasama sa entourage at ilang bisita sa kasal. Hindi na siya bago doon, kadalasan talaga ay mga ganoong event ang ginaganap sa kanila. Marami pa rin kasi talaga ang mabilis malove at first sight sa sunset lalo na kung nasa tabi ka ng dagat habang nakatanglaw doon.

"Chan!"

Bahagya pa siyang nagulat nang makita sa harapan niya si Chase. Nakakunot ang noo nito. Ano pa nga ba ang aasahan niya? Palagi namang nakakunot ang noo nito. "What took you so long? Kanina pa kita hinihintay." Sabi nito sabay pasada ng tingin sa kabuuan niya bago naglanding ang mga mata nito sa noo niya. "Shit! What happened to your head?"

Napapitpag siya ng tumaas ang isang kamay nito at hawakan ang noo niya. "N-Naano lang---Chase ano ba?"

Pilit nitong pinayuko ang ulo niya at inilapit sa bibig nito bago hinipan ang bukol na naroroon. "Where did you get this?" Tanong nito.

Hindi siya sumagot. Naiilang kasi siya dahil may mga nakatingin sa kanila. Bahagya niyang itinulak ito. "Ano ka ba? Okay lang ako maliit na bukol lang ito. Mawawala din yan."

"Anong mawawala? Ang laki laki nga niyang bukol mo." Habang nakaturo ang daliri nito. Hinawakan siya nito sa kamay at akmang hihilahin palabas. "Ihahatid kita sa clinic."

Hinila niya ang kamay. "No, thanks. Galing na ako doon. I'm fine okay." Pagsisinungaling niya. Kinakain pa rin kasi ng kuryosidad ang isip niya. She still waiting to see the man earlier. Hindi niya alam kung ano ang tawag sa nararamdaman niya. It's like, that they already has a connection.

"Are you sure?" Paniniguro pa nito. Umikot ang mga mata niya. The Chase she'd known for a years ay ganitong ganito. Aawayin siya, aasarin siya pero kapag naman nasaktan na siya ay ito ang unang mag aalala. Bagay na hindi niya naiintindihan magpahanggang ngayon.

Tumango siya. "I'm perfectly fine, brother." She said while emphasizing her last word. Na mabilis din nitong kinairita.

"Don't call me, Brother. We're not siblings." Iritadong saad nito. Ngumisi nalang siya. Hindi niya gustong mastress sa gabi na ito. She still wishing to see that Man again. At alam niya na dito niya iyon makikita dahil dito niya iyon nakitang pumasok. "Anyways, my friend is waiting for us. Shall we?" hindi niya tinanggap ang nakalahad nitong kamay.

Bagkus sabay silang naglakad. Pero nagulat siya ng sapilitang kunin ni Chase ang kamay niya at pinagsalikop ang mga iyon. She looked at their hands. He entwined their fingers. "Kapag binigay ko ang kamay ko. Kunin mo. Wag mong tatanggihan." He seriously said.

Umawang lang ang labi niya. Chase is too unpredictable. Hindi niya alam kung bakit umaakto ito na para bang hindi sila magkapatid. "W-Walang magkapatid na ganito magholding hands." Paalala niya.

He clenching his jaw. "Always remember this, WE ARE NOT RELATED BY BLOOD. WE ARE NOT SIBLINGS."






To be continued...






------

Merry Christmas.

Chase ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon