Chapter Five

4.7K 134 9
                                    

Chandra stared at the man stood in front of them. Chase introduced him to her. "Chan, this is my friend JR."

Kilala niya ang lalaking nasa harapan niya. Ito 'yung lalaking sinusundan niya kanina. Nakaplaster sa labi ng binata ang ngiti nito. Ngiti na hindi niya alam ba't nagpapakabog sa kanya ng husto. Ngiti na hindi niya alam kung bakit tila may pinupukaw sa kanya na hindi niya alam kung ano. "Hi, we've finally meet again."

Nakalahad ang palad nito. Tinanggap niya iyon at nakipag kamay. "H-Hello."

Nagpapalipat lipat ng tingin si Chase sa kanilang dalawa bago tumitig sa kanya na nagtatanong. "Magkakilala na kayo?"

Agag siyang umiling. "Nagkita lang kami sa lobby kanina. She dumped into the wall." Namula ang pisngi niya sa pag kapahiya nang magsalita ang lalaki. "I hope you are okay now." Saka muling bumaling sa kanya.

Nakita niya ang pagbuga ni Chase ng hangin. "Ganyan talaga 'yan. She's so clumsy, sometimes."

Agad niyang siniko si Chase dahil sa sinabi nito. "Wag ka ngang nagiimbento ng kwento." Bulong niya.

"Nakakatuwa kayong dalawa. Halatang close na close kayo." Ngumiti naman agad si Chase. "By the way. Nasabi ko na kay Dad ang tungkol sa business niyo. Mukhang Tuwang tuwa siya. He was so eager to see this place. Baka sa susunod ay magbakasyon sila dito kasama ang buong pamilya."

Nagkanya kanya ng sila ng upo. Magkatabi sila ni Chase habang nasa tapat nila si JR. "Well, that's great. Isama mo rin ang grandpa mo. I'm sure miss na miss na nila ni grandpa ang isa't isa." Hindi siya nakakarelate. Nagtawanan ang dalawa.

Bumaling si Chase sa kanya. "Anak siya ni Tito Sean. Kaibigan ni Lolo ang lolo niya, at kaibigan din naman ni Papa ang Dad niya." Paliwanag ni Chase sa kanya kahit hindi naman siya nagtatanong.

Muli siyang bumaling sa lalaki. Masaya itong ngumunguya ng pagkain. Nakatitig lang siya sa bawat gawin nito. Nakuha nito ang atensyon niya. May bagay dito na pilit siyang hinahatak at kinukuha ang pansin niya. "He is Sean Medina Jr." Ani muli ni Chase. "Junior yan ni Tito Sean."

Ngumiti ang lalaki. "Just JR. Si Mom at Dad lang kasi ang tumatawag saking Junior. Well, pati na rin sina lolo at lola."

JR... Jay-Ar. Parang gagang inuulit ulit niya sa isip niya.

Nagpatuloy sila sa pagkain. When Chase explained about the business. Sandali siyang napatulala dito. He seems that he know everything about the business. Kilala niya ito mula pa mga bata sila. Hindi nito gusto ang humawak ng resort kaya nga siya ang inatasan ng ama nila. Mas gusto nito doon sa firm. But then, she was so surprised seeing him like he is a real businessman.

Patapos na siyang kumain nang muling magvibrate ang phone niya. Nang tignan niya ay si Chance ulit iyon. Nagpaalam siya sa dalawa na sasagutin lang niya ang tawag. Busy na si Chase sa pakikipag usap kay JR kaya hindi na niya ito aabalahin tungkol kay Chance.

"Chance I am in the meeting." Aniya agad dito.

"Ate please, kausapin mo sina Mama at Papa. Ayaw kasi pumayag ni Papa dahil hindi pumapayag si Mama. Ako lang ang wala doon. Nandoon lahat ng friends ko."

Bumuga siya ng hangin. "Bakit ba kasi kailangan kung nasaan sila ay nandoon ka rin? Why don't you just stay at home at magreview? Malapit na ang Pre-lim niyo."

"Nakapag study na 'ko. And besides, ngayon ko lang naman ito gagawin eh." Katwiran nito.

Should she blame their father Xandrei Sandoval for spoiling this Brat? "Titignan ko kung ano ang magagawa ko. But I won't promise you anything, Chance. I'll try to call tita mandie now." Mamayang alas onse pa naman ang sinabi nito na aalis ito. Hating gabi na kaya nasisiguro niya na hindi lalo papayag ang Tita Mandie niya.

Nang magpaalam sa kabilang linya si Chance ay bumalik siya sa table nila. Wala doon si Chase. "Umalis lang siya sandali. May kakausapin lang daw." Ani ni JR.

"Ganoon ba." Aniya saka umupo.

"Akala ko ang anak ni Tita Mandie ay si Chase at Chance lang. I didn't know na may isa pa pala silang anak na babae."

Sinalubong niya ang tingin nito. "I am not their real daughter. Inampon lang nila ako." Hindi siya nahihiyang sabihin iyon dahil iyon ang totoo. Isa pa, anak pa rin siya ni Xandrei Sandoval. Sa papel man iyon, anak pa rin siya nito.

"I see. Kilala mo ba ang mga magulang mo?"

Agad siyang umiling. "Nakita lang ako ni Nanay. Iyong umampon sakin babae."

"Dalawa pala ang umampon sayo. Maswerte ka." Komento nito.

"Si Nanay, siya ang nakakita sakin. Pagkatapos, inampon naman ako ng Papa nang magpakasal sila ni Tita Mandie. Gusto kasi ni Papa na maging legal na niya akong anak. Pumayag naman ni Nanay dahil halos sila na ang kinalakihan kong magulang." Tumango tango ang lalaki. Hindi niya akalain na may taong makakarinig ng kakaibang bahagi ng kwento ng buhay niya.

"Tingin ko napakaswerte mo. Chase told me so much about you." Doon siya natigilan.

He must be bluffing. Tahasan palaging sinasabi ni Chase na hindi siya nito gustong maging kapatid. Na hindi nito gusto ang ideya na magkapatid sila kahit sa papel pa man. Masakit iyon para sa kanya pero hindi namn nito pinaramdam sa kanya na sampid siya. Umiling siya. "Sana lang hindi mga negatives ko ang kinukwento niya sayo."

Tumawa si JR. "Actually hindi. Palagi ka nga niyang bukambibig. Akala ko nga noong una girlfriend niya ang kinukwento niya but then now, alam ko na na ikaw 'yon." Namula ang pisngi niya. Makukurot niya si Chase kapag nalaman niya kung ano ang mga pinagsasabi nito.

Panaka naka'y tumatawa ito sa tuwing may ikukwento itong nakakatawa. Hindi niya alam na may nakatatawa pala itong personalidad na salungat sa unang impresyon niya dito. Hanggang sa natagpuan nalang niya ang sariling, sumasabay sa bawat halakhak nito.






To be continued...

Chase ObsessionWhere stories live. Discover now