Chapter Ten

1K 30 12
                                    

"Good Morning everyone!"

Masayang bati ni Chase nang dumulog siya sa hapag. He had trouble in his sleep. Hindi mawala sa isip niya ang naging pag uusap nila ni Chandra kagabi. Mula sa pagbabawal niyang wag itong makipag usap kay JR at makipagkaibigan hanggang sa pang aasar niya dito at sa pakikiusap niyang samahan siya nito sa Christmas Reunion nila ng batch niya.

Fuck that reunion! Wala naman sana siyang pakialam doon. But the thought of Chandra being chased by some guys ay hindi niya maunawaan. Chandra grown up with him. At nakita niya kung gaano kadaming lalaki ang nagtatangkang makuha ang atensyon nito. But it was him who forbids her from having a relationship with any dumbass guy.

"Come on here, Son. Magbreakfast kana." Tawag sa kanya ng kanyang ina.

Humalik siya sa pisngi nito. "Good morning Mom!"

"Morning. Sumabay kana sa amin ng kapatid mo." Iminuwestra nito ang upuan sa kaliwa.

Napansin niya si Chance. Chewing her pancake. "Morning baby girl." Bati niya sa kapatid.

Umismid lang ito sa kanya. Mukhang bad mood si Chance kaya di naimik. Hanggang sa napansin niya ang dalawang bakanteng upuan. Pasimple siyang nagtanong sa ina.

"Where's dad? A-And Chandra?" Kaswal na tanong niya.

Ngumuya nang tahimik si Mandie bago sinagot ang tanong niya. "Nasa resort." Maikling sagot.

"Who? Dad or Chandra?" Naguguluhang tanong niya. Their mom seems not okay.

*Dad and Ate." Si Chance na ang sumagot.

Kumunot muli ang noo niya. "At this early? Bakit?"

Ibinaba ni Mandie ang kubyertos at uminom ng kape. Pagkatapos ay pinunasan ang labi gamit ang table napkin. "It's Marie. She went again sa lugar kung saan nawala si Adrian. And Chandra has to go there ayaw naman hayaan ng Dad niyo si Chandra mag isa kaya sinamahan na niya."

Pagkatapos magpaliwanag ni Mandie sa mga anak ay tumayo ito. Nagugulumihang nilingon niya ang ina at nag aalalang nagtanong. "Mom are you alright?"

Di na ito lumingon. "I'm okay, anak. Aakyat nalang muna ako sa kwarto at magpapahinga."

Lumapit si Chance dito at inalalayan. He knew how their mother feels. Ayaw niyang isipin pero tila nagseselos pa rin ang kanyang ina kay Tita Marie.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at nagtext kay Chandra.

What's going on there? How's Tita?

Pagkatapos magsent ay tinitigan niya ang cellphone saka binalik iyon sa bulsa. Alam niyang di magrereply si Chandra.

Naalala niya bigla ang ina. Alam niyang mahal na mahal ng Daddy nila ang Mommy nila. At alam din niya na walang ibang relasyon si Tita Marie sa Daddy nila. Sadyang malapit lang sila sa isa't isa dahil matagal na silang magkaibigan. And Dad, been telling him about his promise to Tita Marie that he will help him find Adrian. Tita Marie's long lost son.

Nangyari na noon ang ganyang insidente kwento sa kanila ng kanyang ama. Habang nasa ibang bansa ang Mommy niya at kasalukuyang kasal pa sa Papa Alec niya. Sabi ng Daddy niya, natagpuan daw sa Mactan si Tita Marie tatlong taon matapos mawala ng anak nito. Isang turista ang tumulong upang pakontak ang kanyang ama.

Chase remembered the date today. Anibersaryo pala ng pagkawala ni Adrian kaya marahil ganoon. Baka nagbalik na naman sa Mactan si Tita Marie. He calls the maid at inutusang ayusin na ang mesa at ligpitin ang mga pagkain doon. Pupunta siya sa resort.

-----

Nagpapahinga na sa silid niya ang kanyang ina. Napasugod siya kasama ang Papa Xandrei niya sa resort dahil naisugod daw sa ospital ang kanyang ina matapos itong mawalan ng malay. Ang nagdala dito ay ang kasama ng kanyang ina sa bahay na siya ring stay-in store personnel nila sa boutique na nasa resort.

Nagtungo daw sa Mactan ang ina niya. Ang plano daw ay mamasyal lang pero nagulat daw si Myra ang kasama nila sa bahay nang mawalan na ito ng malay. Anibersaryo ng pagkawala ni Adrian ngayong araw. Ngayon na lamang muling bumalik sa Mactan ang kanyang ina matapos daw ang insidente noon nang saklolohan ito ng isang turisra sabi ng papa niya.

"Okay ka na ba dito?" Marahan sinara ni Chandra ang pinto. Sabay silang lumabas ng papa niya.

Umakbay ang Papa niya sa kanya. "I'm okay here, Pa. Baka hinahanap na kayo ni Mama Mandie."

Nahihiya siya kay Mama Mandie dahil sa biglaan pagsama ng papa niya sa kanya. Hindi na sana niya isasama si Papa Xandrei niya pero mapilit ito.

"Babalik na ako ng Manila. Wag ka na muna pumunta sa Resort. May mga staff naman na gagawa ng mga ibibilin mo. Just stay here with your mother." Humalik sa noo niya si Xandrei.

"Thank you, Pa." Mula noon hanggang ngayon ay hindi sila pinababayaan mag ina ng Papa niya. Kahit pa ba wala naman dugo nito ang dumadaloy sa kanya.

Niyakap siya nito. "You are my child too. Makakaya ko ba na pabayaan ka. And don't worry. Your Mama Mandie understands all these."

Hindi pa rin niya maiwasan mahiya. Hindi niya gustong magkaroon ng rift between Mama Mandie and her nang dahil lang sa kinikilala niya ring ina si Nanay Marie. Although, she's their legally adopted daughter.

"Nagiguilty ako na hindi ko natupad ang pangako ko kay Marie. Na hindi ko nahanap si Adrian. Sumumpa ako sa kanya noon na ibabalik ko si Adrian sa kanya." Nakaramdan siya ng habag dito.

"Papa, ginagawa niyo naman ang lahat. Sadyang ang hirap lang hanapin ng taong hindi man lang din natin alam ano na nga ba ang nangyari." Malungkot niyang saad.

Minsan nang sumagi sa mga isip nila na baka patay na si Adrian. Pero ang nanay niya ay hindu sumusuko. Nararamdaman daw nito na buhay pa si Adrian.

Mula sa labas ng bahay nila ay nagpaalam ang papa niya. "I'll be the one who will tell your Mama that you'll be staying here for a while. Alam kong hahanapin ka niya pagbalik ko." Sabi ng Papa niya.

Ngumiti lang siya. "Thanks Pa."

"Okay. Take care here. Call me if you need anything." Sabi ng ama bago lumayo.

Di pa ito gaanong nakakalayo ng humabol siya ng salita.

"I'll help you find him, Pa."

Determinado niyang sabi. Sa ganitong paraan man lang ay masuklian niya ang lahat ng sakripisyo ng mga taong kinupkop siya at itinuring na isang kapamilya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chase ObsessionWhere stories live. Discover now