chapter 2 (ghost or not!)

2.4K 100 4
                                    

CHAPTER TWO
DRACIA's

Dali-dali akong naglakad palabas ng school para mag-abang ng jeep.Kainis talaga yung babaeng yun,ang lagkit-lagkit ko na tuloy. Buhusan ko kaya sila ng muriatic acid tingnan natin.

CATHERINE QUEZON
Yun pala pangalan nya? Di bagay sa kanya
Paano ko nalaman pangalan nya? Dahil sa i.d. niya. Ang linaw ng mata ko no? Isa yan sa talent ko. Kung talent bang matatawag yun.So ayun nga tinatandaan ko ang ang mga pangalan ng nambubully sa akin.
Bakit?
In case of emergency.
Sa ngayon hahayaan ko muna sila na mambully sa akin. Bakit?
Wala lang. Wala Naman talaga akong magagawa sa ngayon. Di ko naman sila pwedeng labanan. Ayokong magka bad record. Haler? Saan ka nakakita ng nerd na nagkaka bad record? Napangiti na Lang ako nang makabuo na Ng plano.

"Hala! Baka naman baliw na yan manong. Wag niyo na lang pasakayin, tingnan nyo o, ngumiti ng mag-isa".Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang bulong-bulungan ng mga tao. Napatingin ako sa harap, nakadungaw ang mga ulo ng mga pasahero ng jeep.

Teka? Jeep? Hala nakalimutan ko na nag-aabang pala ako ng jeep pauwi.

Akmang aalis na ang jeep pero nagsisigaw na ako, napahinto naman ito
"Sasakay po ako. Wait lang" sigaw ko saka pumasok.
Hay, salamat naman nakasakay narin. Masaya kong ninanamnam ko ang hangin nang biglang nagpreno ang jeep kaya naman napasubsob ako sa katabi ko. Inamoy ko pa sya.hehe Hmmm. Ang bango naman niya. Buti na lang umayos ako ng upo, kundi nahuli akong inaamoy siya.Tiningnan ko sya. Patay! Nakatingin sa akin.

"Sorry,di ko sinasadya" tanging nasabi ko sa kanya.Napatingin ako sa suot nya.Hala ka! Schoolmate ko. Buti na lang di na siya nakatingin sa akin. Kailangan kong makababa. Napatingin ako kung saan na ako,malayo pa sa amin.

Pero paano to? Kailangan kong makababa dito.Inayos ko ang mga gamit ko bago sumigaw.
"Para po manong/para po manong"

Hala patay! Kailangan talaga sabay? Wala na akong nagawa kundi magbayad at bumaba, kasunod ko ang lalaking katabi ko. Oo, tama kayo ng basa,ang lalaking nakasabay ko sa pagsigaw ay  ang lalaking katabi ko! Paano nato? Bahala na,di ko nalang sya pinansin.

Nauna ako ng lakad, pero pakiramdam ko may nakasunod sa akin.Lumingon ako,wala namang tao baka naman guniguni ko lang yun.O baka naman~M.U.L.T.O
Kahit nangangatog na ang tuhod ko sa naisip ko,binilisan ko ang paglalakad.Tanaw ko na ang bahay namin kaya naman tumakbo na talaga ako.

Dali~dali akong pumasok sa gate at isinarado ito.Nagtatakbo na ako paakyat ng kwarto,at ibinalibag ang gamit ko sa sahig.Sumampa na ako sa kama at nagtalukbong ng kumot,nanginginig pa rin ako.Weak na kung weak e takot ako sa multo eh.Napapitlag ako ng bumukas ng dahan-dahan ang pinto. Patay! Di ko pala na lock. Hala ka! Rinig ko ang mga yabag ng paa. Mama! Papalapit na sakin.Nanginginig pa rin ako.Nang may malamig na bagay na dumapo sa paa ko! Hinila nito ang kumot.

"Wag po!" sigaw ko ng nakapikit nang tuluyan ng nakuha ang kumot na nakatakip sa katawan ko.

"Anak! Anong nangyari sayo?"eh? Akala ko multo. Psh.

"Mama naman eh. Tinakot mo ako!"

"Huh? Anong ginawa ko?"nagtatakang tanong nya

"Ba't kasi ang lamig ng kamay mo?Akala ko pa naman multo eh"

"Naghuhugas ako ng pinggan. Eh anak wag mo sabihing~pfft" nainis naman ako sa inasal ni mama.

Pinipigilan lang niyang matawa.
"Sige ma, wag mo pigilan alam ko namang natatae este natatawa ka.Eh sa takot ako sa multo eh. May magagawa pa ba ako?" inis kong sabi sa kanya. Tumalikod na ako at nagtalukbong.

"HAHAHA"
Tingnan nyo grrrr. Mama naman eh.
Mayamaya tumigil na si mama sa kakatawa. Akala ko lumabas na.

"Anak?" malambing na tawag ni mama habang hinahaplos ang buhok ko. Hindi na lang ako umimik.

"Wag ka nang magtampo, sige ka, hindi kita ipagluluto ng carbonara"

Bigla namang nagpanting ang tenga ko ng marinig ang salitang carbonara. Humarap naman ako kay mama nang nakangiti.

"Tara na mama! Nagugutom na ako eh." sabi ko sabay tayo. Tumayo na si mama at piningot ang ilong ko.

"Basta carbonara, ang takaw mo"at niyakap nya ako palabas ng kwarto

SOMEONE'S POV
Nandito ako nagtatago sa likod ng puno habang may sinusundan. Parang nararamdaman niyang may sumusunod sa kanya kaya napalingon siya, buti na lang nakapagtago ako sa likod ng puno.
Naawa na ako sa kanya kanina.Binubully sya ng dalawang grupo. Sinundan ko sya hanggang sa sakayan.Bakit?Kasi nagtataka ako kung bakit ganyan ang ayos niya. Eh kasi sa school namin,puro mayaman ang napasok. Curiosity nga naman.

Nakatayo sya doon na parang may malalim na iniisip kaya di nya namalayan na may humintong jeep sa tapat niya.Dali-dali akong sumakay sa jeep para maunahan sya.First time kong makasakay ng jeep.Mayaman kasi ako mga magulang ko. Kotse laging ginagamit.Tss.

Di bale na lang tatawagan ko na lang ang driver namin na ipakuha ang kotse ko.Nabalik na lang ako sa reyalidad nang magsimulang magbulong-bulungan ang mga pasahero.
"Hala ka manong! Wag niyo na lang pasakayin tingnan nyo oh,ngumingiti nang mag~isa" bulong nung isa.Anu ba naman tong babaeng to.Tagal sumakay.

Pag umalis tong jeep nang di sya nakasakay,sayang ang effort ko.Hmmp.

Wala na, aalis na ang jeep.
"Sasakay po ako,wait lang"

Bigla siyang sumigaw. Nakahinga ako ng maluwag. Huminto naman ang jeep at pumasok na din siya. At dahil walang nakaupo sa tabi ko kaya naman tabi kami.Sa kalagitnaan ng byahe biglang pumreno ang jeep kaya naman,napasubsub tong katabi ko. Napapatagal ah. Napatingin naman ako sa kanya, inaamoy pala ako pero okay lang di naman ako mabaho. Para namang marealize nya na nakatingin ako sa kanya kaya naman umayos sya ng upo.

''Sorry di ko sinasadya''

Napatingin sya sa uniform ko.Nakita kong nataranta sya.

Oa ha?Nakita kong dali~dali syang nag~ayos ng gamit at maya't maya pa'y dumudungaw sa labas. Ay! Baka malapit na sya sakanila.

"Para po manong/para po manong"
O diba? Timing na timing ang pagkakasabi ko.Hehe. Para namang natigilan sya. Pero maya maya bumaba siya ng matapos magbayad. Pero ang ipinagtaka ko lang bakit naglalakad pa sya. Akala ko ba kaya sya bumaba kasi tagarito sya.Tsk masundan nga. Gaya nga ng sinabi ko kanina parang nararamdaman nyang may nakasunod sa kanya kaya napalingon sya buti na lang nakapagtago ako sa likod ng puno. Maya maya nagpatuloy na sya sa paglalakad.At ako naman nakasunod pa din. Nagulat na lang ako nang bigla syang tumakbo.Hala ka anong nangyari dun?Napatakbo din ako habang nakasunod pa din sa kanya.Diretso lang syang pumasok sa isang malaking bahay.

O_____O

Sa kanila to?Kaya naman pala dun sya nag~aara kahit ganun ang itsura nya. Mas mayaman pa pala sya sa amin. Tsk Tsk Don't judge the book by its cover nga naman.
Makauwi na nga. Di ko nga alam kung ano tong nararamdaman ko eh. Masaya na naeexcite. Bago ko nilisan ang lugar na yun. Napatingin muna ako sa gate nila.

I want to know you more.

Nerdy rich girl!

At tuluyan ko nang nilisan ang lugar.

CassaNerd(2n1 personality) Major EditingWhere stories live. Discover now