the payback part 2

1.8K 113 3
                                    

Dracia's pov
"h! Girls."bati nung lalaki na nasa right side.I'm sure ito yung textmate ni cristelle.Kasi kabisado ko na ang mukha ng boyfriend ni sheena.Pano ko nalamang boyfriend sya ni sheena?Diba sabi ko naman sa inyo hindi ako maghihiganti hanggat wala akong alam tungkol sa mga buhay ng nangbully sa akin?Now you know.
"hello din.Sorry ha natagalan kami."sabi ni cristelle.Ayos a di man lang ako pinapakilala.Nakaupo na si cristelle.Ako nakatayo parin.Nag~uusap na sila di parin ako umupo.O.P na rin kami ni gello,yung boyfriend ni sheena.Para namang napansin ni cristelle na di ako umupo kaya nang lumingon sya sa akin sinamaan ko sya ng tingin.
Napangiwi naman sya at pilit na ngumiti.Bumaling ang tingin nya sa textmate.
"a-ahm.Drey meet my friend yuri,yuri he's drey my textmate."napataas naman ako ng kilay.So drey pala ang pangalan nya.
"nice to meet you drey"sabi ko at inilahad ang kamay ko.Kinuha naman nya ito.Napatingin naman sya kay gello na tahimik paring nakamasid sa amin.
"a-ahm.Gello meet cristelle my textmate and her friend yuri."-drey
Ngumiti kami sa kanya.
Tumayo naman sya at inilahad ang kamay kay cristelle.
"nice to meet you cristelle.And to you yuri"sabi nya.Matutunaw na ako.Titig na titig kasi sya sa akin.
"nice to meet you, too gello"-ako.Ningitian ko sya.
"ahm.Maupo ka na"At hinila nya ang upuan para paupuin ako.Hmm.Playing gentleman eh.
Nag-order naman kami agad.Pagkatapos namin kumain.Nagsalita agad si drey.
"gello pwede samahan mo muna si yuri.May pupuntahan lang kami ni cristelle eh."-drey.Napatingin ako kay cristelle.Nagwink lang sa akin ang bruha.
"sure."-gello.Umalis na ang dalawa.
"yuri.Gusto mong mamasyal muna?"-gello
Tumango lang ako bilang sagot.
<phone rings>
"excuse muma gello ha?Sagutin ko muna to"-ako.Napatango naman sya.Lumabas ako sa restau para sagutin ang tawag.
"oh?Napatawag ka?"-ako.
<bruha,papasok ng mall si sheena kasama sina catherine at tricia>cristelle
"talaga!Sige bye!May gagawin pa ako na siguradong ikaeenjoy ko."
<byeers Galingan mo>
*call ended*
<insert evil grin here>pumasok na ako sa loob at bumalik sa pwesto namin ni gello.Hmm.Matanong nga to.
"hey gello,may girlfriend ka na ba?"mukha namang nagdalawang isip sya kung anong isasagot nya.
"a-ah.W-wala"siya.Hmm deniying sheena eh.
"ows.Sa gwapong mong yan wala kang girlfriend?"syempre kailangan kong landiin to.
"hehe"sabi nya habang napakamot sa ulo.
"so!Do you want to be my boyfriend.Just for fun lang naman."sabi ko sabay smile.
"xure."sya sabay ngisi.
"ahm.Gala tayo sa mall.Parang first date narin natin."sabi ko sabay puppy eyes
"ang cute mo.let's go babe"-sya.Kinuha nya ang kamay ko at ipinulupot sa braso nya.
Pagkalabas na pagkalabas namin sa restaurant may nakasalubong kaming 3 clown.Clown kasi makapal ang make-up.Napa smirk naman ako.
"sheena?"di makapaniwalang sigaw ni gello.
"ikaw?"sigaw ni catherine.
"oh!Hi catherine okay ka na ba?"pang-aasar ko sa kanya.Nakita ko namang umuusok na sya sa galit.Hahaha..May babae namang tumakbo papunta sa Sa amin At pinaghiwalay ang nakapulupot na kamay ko kay gello.At dahil marunong akong mag-acting ayun napaupo ako sa sahig.
Tumingala ako at nakita kong masama ang tingin ni sheena sa akin.Napabalik ang tingin ko sa sahig para naman maawa si gello sa akin.Di nga ako nagkamali.Naramdaman kong may nag-akay sa akin tumayo.Napatingin ako sa tumulong sa akin.Nginitian ko sya.
"thank you babe"bulong ko sa kanya.
"anong babe pinagsasabi mo?Hon. Bakit babe ang tawag nya sayo?Ako ang girlfriend mo diba?"sigaw ni sheena.Hmm.I smell trouble.
"girlfriend mo sya?"tanong ko sa kanya.Sasagot pa sana sya ng sumingit si sheena
"yes.He's my BOYFRIEND.So back off, slut.Diba hon."napatingin ako kay gello.
"yuri.Let's go.She is not my GIRLFRIEND.Naghahallucinate lang yang babaeng yan"napangiti naman ako sa tinuran ni gello.Napatingin ako kay sheena.Mukhang iiyak na.Hahaha yan kasi eh mali kayo ng binangga.Tumalikod na kami at nagsimulang maglakad.Bigla namang humarang sina sheena.
Paaak
sinampal nya si Gello.
"WALANGYA KA.MINAHAL KITA PERO PINAGMUKHA MO KONG TANGA.NAGHALLUCINATE?HA!"
Paaak
Ako naman ang sinampal nya.
"PAGSISISIHAN MO ANG GINAWA MO SA AKIN.HALIPAROT KA TALAGA.WALANGYA KA"sigaw nya at tuluyan na nya akong sinabunutan.Parang wala sa mall eh. Makagawa ng eksena wagas.Itinulak naman sya ni gello dahilan para mapasalampak sya sa sahig.Yan dapat sayo.Bleh.Hehe.Tuluyan na syang umiyak.Inalalayan naman sya ng dalawa nyang kasama.Lalapit na sana si catherine sa akin pero humarang si gello.
"don't you dare."pagbabanta ni gello.Kinulbit ko si gello.Sinenyasan ko sya ng hayaan-mo-na-look.Tumango naman sya at umalis sa harapan ko.Napangisi naman si catherine.Nabigla naman ako ng bigla nya akong yakapin.
"ang landi mo talaga no?Dalawang relasyon ang sinira mo.."bulong nya.Napangisi naman ako.
"bakit?Gusto mong gumaya?Manghihingi ka ng tips? Bibigyan kita"pang-aasar ko sa kanya.
Humiwalay sya sa akin
Kitang-kita sa mga mata nya na nagpipigil syang sabunutan ako.
Nginitian nya ako.
Saka tuluyan ng tumalikod.Inakay nila si sheena na hanggang ngayon nagbebreakdown pa rin.
"yuri.Sorry sa nangyari!"nakayukong sabi ni gello.Hmm.Kailangan ko ng alisin to sa koleksyon ko.
"hey gello.Itigil na natin ang kagagahang ito.Baka mamaya may manabunot na naman sa akin"-ako.Nakita kong nabigla sya sa sinabi ko.Alam kong nasasaktan to.Eh.Tapos na ang role nya eh.Nakapaghigante na ako kay sheena.Kulang na lang sa akin.Yung isa pa nilang kasama.Nakalimutan ko kasi ang pangalan ng boyfriend nun eh.
"pwede bang wag muna?"pakiusap nya sa akin.
"sorry,pero tapos na tayo."nagsimula na akong maglakad.Bahala sya.Eh sa ginamit ko lang sya e.Tanga nya kasi.
Dumiretso na ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko.
Bago pa ako umalis sa lugar na yun nahagilap ng mga mata ko ang tatlong clown.Nasa tabi sila ng daan.Umiiyak pa kasi yung isa eh.Such a cry baby.Mapaglaruan nga muna.Nakatalikod sila sa akin.Pinaandar ko ang kotse papunta sa direksyon nila.Di ko naman sila sasagasaan eh.Pagtritripan Lang.Nang malapit na ako sa kanila bigla akong bumusina kaya naman napatili sila.Hahaha.
"HOY IKAW!BULAG KA BA? KITA MONG MAY TAO DITO OH."catherine
Napangiti naman ako.Dahan dahan kong binuksan ang bintana ng kotse ko.Nginisihan ko lang sila.
"sorry ha?Hindi ko kasi alam tao ka pala"-ako.Take that catherine.Hahaha.Pinaandar ko na ang kotse.

Nagsisimula pa lang ako.Di pa ako tapos.

WATCH OUT BITCHES.

--------------------------------------------------------------------------

ayan nag update na si ako,,...,,,

sana nagustuhan nyo ang chapter na to.


CassaNerd(2n1 personality) Major EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon