CHAPTER 50

956 34 3
                                    

Chapter 50



Gen's pov.



Bakit ganun?Bakit hanggang ngayon sya pa rin?Ganun ba ako kahirap mahalin.



Kanina excited kong hiniram ang phone nya dahil may napansin ako sa wallpaper nya.Akala ko kasi picture naming dalawa yun eh.



Pero di pala.

Picture pala nilang dalawa ni dracia.




Akalain mo yun?Masaya na sana ako eh kasi PINAG-AARALAN nyang mahalin ako eh.



Pero bakit umeksena pa yang lintek na wallpaper na yan.




Akala ko ba galit sya sa panlolokong ginawa ni dracia.Pero bakit hanggang ngayon sya pa rin ang mahal ni gladge?




Samantalang ako na laging nasa tabi nya di nya magawang mahalin?




Palabas na ako ng restau ng maramdaman kong sinusundan ako ni gladge.Walang sabi-sabi akong pumasok ng kotse.



Pumasok din sya sa driver seat at nagsimulang paandarin ang kotse.



"bakit mo ginawa yun gen?"


Mahinahon nyang tanong pagkarating namin sa tapat ng bahay namin.Wow ha?Ganun nya ba kamahal si dracia?Di man lang nya tinanong kung anong nararamdaman ko sa ginawa nya?


"ang alin?"



Inosenteng tanong ko



"look gen.Alam mo kung anong tinutukoy ko."



Mahinahon nya paring sabi.


Pero may bahid ng pagkainis.



"ah yun bang pagbura ko sa wallpaper mo?Ano namang masama nun?"




Balewalang sagot ko sa kanya tsaka lumabas.Narinig ko namang bumukas ang pinto ng driver seat kaya natitiyak kong lumabas sya.




"gen naman.Bakit ka ba kasi nakikialam sa cellphone ko.Bakit mu binura ang picture.Yun na nga lang ang natitira sa akin eh binura mu pa.Ganun ka ba ka desperada?"



Galit na sabi nya kaya napaharap ako sa kanya at nasampal sya ng wala sa oras.Masakit na eh.Di ko na kaya.Kailangan pa bang ipamukha nya sa akin kung gano ako kadesperada?



"DESPERADA NA KUNG DESPERADA.NAISIP MO BA KUNG ANO ANG MARARAMDAMAN KO HABANG NAKATINGIN SA WALLPAPER NG BOYFRIEND KO NA IBA ANG KASAMA NYA?NAISIP MO BA KUNG GAANO KASAKIT YUN?GLADGE PUMAYAG AKO SA RELASYON NATO KAHIT ALAM KONG PANAKIP BUTAS LANG AKO.NA GINAMIT MO LANG AKO PARA MAKALIMUTAN MO SYA.TAPOS YAN ANG ISUSUMBAT   MO?"


"i'm sorry"


Nakayuko nyang sabi.


Napangiti ako ng mapakla bago nagpatuloy.Tsaka pinahid ang luha na kanina pa pumapatak.



"siguro nga di mo talaga ako mamahalin.Siguro oras na rin para itigil na natin ang walang kwentang relasyon nato.Pinapalaya na kita gladge.Sana maging masaya kayo."



Bigla naman akong may maalala kaya hinalungkat ko ang laman ng bag ko.At inilabas ko ang litrato naming tatlo ni yuri nung bata pa kami.




"ayan kilalanin mo ang batang kasama natin sa picture na yan."


Sabi ko sabay abot ng larawan.Naguguluhan man ay inabot nya rin yun.




Agad ko syang tinalikuran at pumasok na ng bahay.



Pagkasarado ng pinto ay agad akong sumandal dun.Dumaos os ako pababa habang patuloy pa rin sa pag-iyak.




Siguro tama na rin na pinalaya kita gladge.



*************************************************************8

A/n:sinong naawa kay gen?Wehehe


Vote and leave a comment



~mobztarjacas~                                                          

CassaNerd(2n1 personality) Major EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon