CHAPTER 43

908 32 2
                                    

Chapter 43



Gladge's pov



"genuel,sabi mo walang iwanan!"



Sabi ng batang babae sa kabila ng paghikbi.



"kasalanan mo kung bakit binali ko ang promise natin.Kung di nyo lang pinagtulungan si genie,wala sana tayong problema ngayon."



Galit na asik sa kanya ng lalaki.



"nagsisinungaling lang sya.Inawat ko lang sila kasi sinabunutan ni gen si christelle."



Depensa ng babae sa kanyang sarili.


Di na sya pinakinggan ng lalaki at pumasok na to sa kotse.


"GENUEEEEL"


~~


"asia."



Sambit ko at unti unting dinilat ang mga mata ko.



Puting kisame ang bumungad sa akin kaya natitiyak kong nasa ospital ako.



Napaisip ako sa panaginip ko kanina.



Bakit kaya lage ko silang napapanaginipan?




May koneksyon ba ako sa kanila?



"buti naman at gising ka na.."



Naputol ang isiping iyon nang may magsalita sa gilid ko.



Napatingin ako sa kanya.Doktor pala.



"bakit po ako nandito?Ano pong nangyari sa akin?"



"ganito kasi yun iho,naaksidente ka daw sabi ng kaibigan mo na nagdala sayo rito."



Paliwanag niya sa akin na lalo namang ikinakunot ng noo ko.



CassaNerd(2n1 personality) Major EditingOnde as histórias ganham vida. Descobre agora