CHAPTER 49

953 33 0
                                    

Chapter 49



Gladge's pov



Bakit ba ako nasasaktan sa nakikita ko?



Diba dapat masaya ako kasi masaya na sya?



Naisip ko lang kung inalam nya muna ang buong kwento ng pagkatao ko.



Aalis kaya sya?



Kung nalaman nya kayang hindi ko talaga tatay ang daddy nya.



Aalis kaya siya?



Malamang gladge aalis pa rin.Di ka naman kawalan eh.



"ano ba kasing hinahanap mo?"



Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ang pamilyar na boses.



Hinanap ko kung nasan sya.



Tama nga ang hinala ko.



Si christelle yung bestfriend ni yuri.



Makikita sa mukha nya ang pagkainis habang nakasunod sa isang bata na palinga-linga habang may hinahanap.



"yung wallet na binigay ni ate yuri."



Nang marinig ko ang pangalan nya ay agad kong naalala ang hawak ko.



"bata ito ba ang hinahanap mo?"



Tawag pansin ko sa kanila kaya nang makita ng bata ang hawak ko ay tumakbo agad sya papunta sa direksyon ko.


Nakita kong natigilan si christelle ng makita nyang hawak ko ang wallet.Marahil alam nya kung ano ang nasa loob.



"opo.Salamat po kuya."



Nakangiting sambit nya nang maiabot ko sa kanya ang wallet.



CassaNerd(2n1 personality) Major EditingWhere stories live. Discover now