chapter 5 ( i don't like her)

1.6K 87 3
                                    

CHAPTER FIVE
Gladge's pov.

I'm Gladge Deviria. Actually, that's my mom's last name. Bakit? Kinakahiya ko ang apelyido ng papa ko.Ayaw kong gamitin.
Oo kinakahiya ko ang apelyido ng papa ko. Pag kasi ginamit ko yun. Parang tanggap ko na rin na anak ako ng kabit o kerida.
Oo tama kayo ng basa, kabit lang ng papa ko ang mama ko. Tama na nga yang kwento ng buhay ko. Masyado kayong chismoso.

Nasa bar ako ngayon.

Trip ko lang. Pampawala ng problema.
Anong problema ko?

Masyado naman kayong chismoso eh no?

De joke lang.
Isang babae. Siya ang problema ko.Ang babaw no?

Penge naman ng tips kung paano ko lapitan yun. Gusto ko sya.Simula nung nakita ko syang binubully.

Love at first sight kumbaga.

Err. Para naman akong bakla nito.

Yun nga nasa bar ako ngayon.Umiinom syempre anu pa nga ba?

Inilibot ko ang paningin ko para tingnan kung sino-sino ang nandito. Karamihan schoolmates ko.Pero mas nakaagaw ng pansin sa akin ang isang babae na pinalilibutan ng limang lalaki. Tatayo na sana ako para tulungan sya.Pero nabigla ako nang isa isa nyang hinalikan sa labi ang mga to.

Ah. So Cassanova to?

Inaninag ko ang mukha nya.Sa wakas nakita ko.

Teka?

Parang pamilyar  sya di ko lang alam kung saan ko sya nakita.

Di bale na lang.

Nasira na ang mood ko. Para kasing nakita ko yung papa ko sa kanya. Parang laro lang sa kanila ang lahat. Sya nga lang yung girl at teeneger version.

Isa lang ang masasabi ko.
"I don't like her!"

Mabuti pa yung nerd na nagustuhan ko.
"Simple"

Napangiti na lang ako nang maalala siya.

Dracia's pov.

Dumiretso na ako sa bar.Magcecelebrate sa tagumpay ko.

Pagkapasok ko, as usual nandito yung mga boyfie ko.Lima sila lahat. Pinalibutan nila ako kaya I kiss them isa isa.

Kami ni Vince?

Nah, wala na kami.

I broke up with him. At ang gag* nasaktan talaga. Natamaan ata sa akin eh. Sabi ko naman sa kanya nung una pa na ang relationship na meron kami was just for fun lang.

Pero di nagtagal tanggap naman nya. Pero friends naman kami.

Guess what?

Wala Na dito sa pilipinas si Vince.
Nagmigrate na sa Hongkong. Pinatawag ng parents nya.

Bakit?

Aba malay ko! Itanong nyo kaya sa kanya. Di naman ako chismoso katulad nyo!

Habang nilalagok ko ang inumin ko di ko mapigilan magbalik tanaw. Nung araw na iniwan kami ng papa ko. Close na close kami nun. Di nga ako mahiwalay sa kanya. I thought happy na yung family namin. I'm very contented way back then. May mommy, may daddy at ako na anak nila. Isang ehemplo na isa kaming masaya at kompletong pamilya. Not until, malaman ni mama na may kabit si Papa. At first di ko alam kung bakit iniwan kami ni Papa dahil Wala namang sinasabi si mama sakin. Ang sagot lang ni mama sa tuwing tinatanong ko kung saan si Papa, BUSINESS TRIPS.

But then isang araw nakita ko si Papa sa may park habang naglalakad kami ng friends ko. Tatawagin ko na sana siya kasi masayang masaya ako at nakabalik na pala siya. Pero nagulat ako na may kasama siyang babae at lalaking kasing edad ko lang. Winalang bahala ko na sana kasi akala ko kakilala lang niya. Pero gumuho ang mundo ko nung tinawag siyang papa nung batang lalaki.

Hindi ko na siya tinawag at tuluyan na ngang tumakbo palayo. Iniwan ko mga friends ko dahil di ko alam kung ano Ang mararamdaman ko. Galit, sakit at pagkaguho ng buong pagkatao ko. Ang daming tanong ang nabubuo sa isip ko. Alam ba to ni mama? Matagal na ba kaming niloloko ni Papa?

May nakita akong lalaki sa di kalayuan. Parang pamilyar siya, saan ko ba nakita.
<hawak ng baba>

*backward*

*backward*

*backward*

Kainis!

Bakit di ko maalala kung san ko sya nakita?

*isip*

*isip*

*isip*

#TIing*lightbulb*

Aha! Naalala ko na.

Siya yung lalaking nakasabay ko sa jeep.

Pero teka?

Diba elite bar to?

So ibig sabihin elite people ang pumupunta dito.

May elite bang nagjejeep? Ang misteryoso naman pala nitong lalaking to.

Pakialam ko?

Nah.Bahala sya.

Basta ako magsasaya at magcecelebrate. Hmm. Makapunta nga ng dancefloor.

CassaNerd(2n1 personality) Major EditingOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz