chapter 40

936 34 3
                                    

Chapter 40



Gen's pov



"ngayong galit na ako sa kanya?Masaya ka na gen?Masaya ka na?Awat na ha?Bestfriend kita at hanggang dun lang ang kaya kong ibigay sayo at hindi pa hihigit dun"




Pagkasabi nya nun ay binitiwan nya ako at tinalikuran at naglakad palayo.



Sunod sunod namang nagsitulo ang mga luha ko.




Ganun na ba sya kamanhid para pagsabihan ako ng ganun?



Di man lang nya iniisip na masasaktan ako sa mga salitang binitiwan nya?



Agad kong pinahiran ang mga luha ko na kanina pa tumutulo.



Hinabol ko sya at niyakap patalikod.



"gladge,pwede bang ako na lang?Ako na lang ang mahalin mo.Promise,di kita sasaktan."



Humagulgul na pakiusap ko sa kanya.

Desperada na kung desperada.Anong magagawa ko.Mahal ko eh.



Bigla nyang kinalas ang yakap ko at hinawakan ako sa balikat.Tiningna ko sya ng diretso sa mata.



"gen,wag mong sirain kung anong meron tayo."



Yun lang ang sinabi nya at binitiwan na nya ako at tumalikod.



Nagbabadya na namang tumulo ang luha ko pero pinigilan ko.Susundan ko si gladge.


Hindi nya pwedeng sundan si dracia.


Hindi sila pwedeng magkabalikan.



Kung nakaya kong siraan si asia kay genuel noon pano pa kaya ngayon.



Pinalitan ko ang pangalang genie marie para di ako makilala ni asia.



At ang asiang tinutukoy ko ay walang iba kundi si dracia.





"aaaaaaaah."



Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang sigaw ni gladge mula sa loob ng kotse nya.



Pagkatapos nun ay pinahaharurot nya ang sasakyan nya.



Bigla akong kinabahan sa inakto nyang yun.



Wala sya sa wisyo kaya natitiyak kong di sya nakapagmaneho ng maayos.




Dali dali akong sumakay ng kotse ko para sundan sya.



Dracia's pov.



"anak.Kumusta a-"



Di na natapos ni mama ang sasabihin nya nang dumiretso na akong pumanhik sa taas.



Sorry ma pero gusto ko munang mapag-isa.



Diretso akong pumasok sa kwarto at inilock ang pinto.




Dumapa sa kama at doon ko isinigaw at iniyak lahat.




Kung di na ako nagtanim ng galit sa mga nambully sa akin,lalong lalo na kay papa.


Di sana  mangyayari to.,



At kung di naman ako tanga para mahulog sa lalaking yun.Di sana ako masasaktan ng ganito.



Pero mali pa ring magreact ako nang ganito.


Pumunta ako sa harap ng salamin at kinausap ang sarili ko.




"kagustuhan mo yan dracia,kaya panindigan mo."


******************************************************

A/n:si asia sa past ay dracia sa present at si genie marie sa past ay gen sa present,eh sino naman si glad genuel?



Abangan nyo yan!



Vote and leave a comment.



~mobztarjacas~                                                                                                 

CassaNerd(2n1 personality) Major EditingWhere stories live. Discover now