CHAPTER 47

937 27 1
                                    

Chapter 47



Dracia's pov



"anak naman.Wag mo naman akong iwan."



Nagmamakaawang sabi ni mama habang umiiyak.Ngayon kasi ang flight ko.Nakapagdesisyon na ako.Susundan ko si vince.



Ngumiti ako sa kanya habang pinipigilan ang sarili ko na umiyak.Syempre kahit niloko nya ako,sya pa rin ang nanay ko na nag-alaga at nagmahal sa akin.Kaya lang naman ako aalis para pansamantalang maalis sa isip ko ang mga rebelasyon sa totoo kong pagkatao.




Itinigil ko ang pag iimpake ng mga gamit ko at hinarap sya.



"ma..Di ko naman kayo iiwan eh.Sabihin lang natin na magbabakasyon lang ako dun para makapag-isip isip.Promise pagdating ko magiging okay din ang lahat."



Pagkasabi ko nun ay ipinagpatuloy ko ang pag-iimpake.



Bigla na lang akong natigilan ng bigla nya akong yakapin mula sa likod.



"babalikan mo ko huh."



Tango lang ang itinugon ko sa kanya at kinalas ang pagkakayakap nya.Sinarado ko na ang zipper ng maleta ko.




"ma.I have to go.!"



 lang sya at lumabas ng kwarto.Ramdam kong nakasunod sa akin si mama hanggang makalabas ako ng bahay.Rinig na rinig ko din ang walang tigil na pagsinok nya.



Pinigilan ko lang ang sarili ko na lumingon at yakapin sya.



Nag-aantay na si christelle sa labas.Siya ang maghahatid sa akin sa airport.Nang nasa tapat na ako ng kotse nya agad namang lumabas si christelle para tulungan akong ipasok ang maleta ko.




Nauna na akong pumasok sa loob.Sumunod namang pumasok si christelle sa driver's seat.Di ko na napigilan ang sarili ko na tumingin sa labas.



Nandun sya nakasandal sa pintuan.Nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.Yugyog ang balikat kaya nasisiguro kong umiiyak pa rin sya.Hinahagod naman  ni cheska ang likod nya.




Unti unti nang umandar ng kotse.Bago pa tuluyang pumatak ang luha ko ay may isang malambot na bagay na ginamitan ng malakas na pwersa ang tumama sa mukha ko.


Panyo?



Sinamaan ko ng tingin si christelle na ngayoy kalamadong nagmamaneho na para bang walang nangyari.



 Hindi ko na sya inantay makasagot.Nilampasan ko na  "wag kang mag-emote bruha ka.Desisyon mo yan kaya panindigan mo."



Sabi nya ng di pa rin inaalis ang tingin sa harap..



Aba dapat lang,ayoko pang mamatay no?



Pero tama ang sabi nya desisyon ko to kaya dapat ko tong panindigan.



Nang makarating ako sa airport di ko na napigilang wag yakapin ang bruha.



Naramdaman ko naman gumanti sya ng yakap kaya napangiti ako.




Mamimiss ko talaga ang bruhang to.



Si mama,at lalong lalo na












SYA.



*******************************************************************

A/n:di po muna magkaka pov si dracia sa mga susunod na chapters.Baka sa epilogue na.



Thanks for reading.



~mobztarjacas~      

CassaNerd(2n1 personality) Major EditingWhere stories live. Discover now